Part 54

41.4K 968 69
                                    


Kumislap ang simpatya sa mga mata ni Joy at sa mga sandaling iyon pakiramdam niya malulunod siya sa matinding pagsisisi. Lalo na nang magsalita ito. "James, mahirap magalit sa isang taong galit sa sarili niya. Kaya hindi ko nagawang magalit talaga sa 'yo. Ganoon din ang mga babaeng dumaan sa buhay mo na minahal ka ng totoo. Hindi kami galit. We were just sad that you can never put your trust on us. Na kahit anong gawin namin, hindi talaga namin nabuksan kahit kaunti lang ang puso mo. Alam ko hindi ka maniniwala pero lahat kami, minahal ka sa sarili naming paraan. Maybe you don't deserve it but we did care for you. I really loved you back then, James."

Hindi nakapagsalita agad si James at napatitig lang kay Joy. Years ago he didn't look at her properly. He just saw her as a naïve girl who fell for him without really knowing him. Nakita lang niya ito bilang isang taong gusto siyang maging pag-aari katulad ng mga may-edad na babaeng ginawa siyang laruan kapalit ang pera. Ngayon alam na niya na isang mabuting babae ang nasaktan niya. Ngayon alam na rin niya kung ano ang nakita rito ni Martin noon.

"Joy Madrid, you are a good woman who deserves all the happiness in this world," sincere na nasabi ni James.

Ngumiti ito na naging mahinang tawa. "Thank you," sagot nito. "And don't worry about me. Two years ago when I left the country I also left all the baggages that weighed me down. I am perfectly happy and okay now. I'm sure alam mo na kasi alam na rin ni Martin pero nakahanap ako ng tunay na pag-ibig habang nasa ibang bansa ako. Nahanap ko iyong lalaking hindi ko lang mahal pero mahal na mahal din ako. When we fell in love I felt like I was born again. He makes me so happy and content. Dahil sa kaniya narealize ko na hindi naman pala kailangan palaging masakit at complicated magmahal.

"Pero aaminin ko, worried ako kung mag su-sway ang feelings ko para sa kaniya kapag nagkita tayo uli. Kaya salamat na hinarap mo ako ngayon kahit alam kong hindi madali para sa iyo, James. Para akong nabunutan ng tinik. Kasi narealize ko na talagang naka move on na ako sa iyo."

"I'm glad to hear that. You deserve peace of mind and a lifetime of happiness," sinserong sabi ni James.

"You deserve it too, you know." Natigilan siya. Ngumiti si Joy. "Lahat ng tao, deserve ng second chance. Nakikita ko na malaki ang pinagbago mo James. You feel... softer. Hindi na natin mabubura ang mga nangyari sa nakaraan at nasa atin na lang iyon kung bibitbitin pa rin natin sa loob natin ang lahat ng mga nangyari o ile-let go na lang. I know that I really didn't matter to you before but can I ask for a favor?"

"Anything," mabilis na sagot ni James.

Ilang segundong tinitigan lang siya ni Joy bago nagsalita, "I want you to meet someone you can be nice with. Iyong tao na hindi mag ti-trigger sa urge mo manakit kung hindi iyong bubuhay sa urge mo na mag protekta at mag-alaga. I want you to meet someone who can be your equal. Iyong taong hindi magiging submissive sa iyo at hindi matatakot i-call out ka kapag may ginawa kang hindi maganda. Actually, I just want you to find someone you can willingly give your heart to, not caring even if she breaks it or not."

Habang nagsasalita si Joy biglang narinig ni James sa isip niya ang mga sinabi sa kaniya ni Laney halos dalawang dekada na ang nakararaan. "Someday, find a woman you will really care about and who will really care for you. Find love, James."

It doesn't make sense. He failed to save Laney and he had hurt Joy. Pero bakit hanggang sa huli siya pa rin ang iniisip ng mga ito?

Mukhang nabasa ng dalaga ang tumatakbo sa isip niya kasi naging masuyo ang ngiti nito, umangat ang isang kamay at magaan na tinapik ang braso niya. "Hindi ibig sabihin na ginawan ka ng masama, gagawin mo rin iyon sa iba. Kapag ganoon ang ginawa mo, magiging cycle lang iyon na hindi matatapos. Makakapanakit ka ng iba at masasaktan mo rin ang sarili mo. I don't want to live like that."

Speechless na naman si James kasi para siyang binuhusan ng isang drum na ice cubes. He realized that Joy Madrid took the path opposite to the one he took. When he was abused and wronged, he got angry and did to others what was done to him. Pero iba si Joy. She stopped the cycle of cruelty.

Bumuntong hininga ang dalaga at tinapik uli ang braso niya. "Don't be too hard on yourself." Pagkatapos inilahad nito ang kamay sa harapan niya. "Malamang ito na ang huling beses na magkikita tayo. Salamat na pinuntahan niyo ako. I had the proper closure I needed. Now I can go on with my life without any lingering feelings from the past."

Ilang segundong napatitig siya sa nakangiting mukha ni Joy bago tinanggap ang pakikipagkamay nito. "Salamat," nasabi ni James bago pa niya marealize na lumabas iyon sa bibig niya.

Tumaas ang mga kilay ng dalaga pero kumislap naman sa amusement ang mga mata. "Para saan?"

For cutting the cycle. "For being a strong person. For facing me like this even when I was cruel to you before."

Lumawak ang ngiti ni Joy. "Si Martin ang dahilan kaya naging malakas ako, James. Dahil nakilala ko siya at tinulungan niya ako gumaling, kaya nagawa ko umusad sa buhay ko."

"At ang fiancée mo," dugtong ni James.

Nagbago ang facial expression ng dalaga. Umaliwalas ang mukha nito at nagningning ang mga mata. "My fiancee is my guiding light, my second chance and my forever."

Tumango si James, unti-unti na nawawala ang bigat sa dibdib. "Goodbye, Joy Madrid."

"Goodbye James Salgado."

Nagtanguan sila bago siya tumalikod at naglakad palayo. Ilang beses siya na-tempt na lumingon pero hindi niya iyon ginawa. Nang makabalik siya sa kotse nagkatinginan sila ni Martin pero parehong hindi nagsalita. Tahimik silang bumiyahe pabalik sa Maynila at napansin ni James na hindi na kasing bigat at tensiyonado sa loob ng kotse kaysa noong papunta sila. A heavy weight was obviously lifted from Martin's shoulders. Meanwhile, James still feels raw and confused. Kasi habang naglalaro sa isip niya lahat ng sinabi ni Joy at lahat ng mga narealize niya, wala siyang ibang gusto gawin kung hindi ang makita si Sasha.

REDEEMING JAMES (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon