10

5.1K 126 0
                                    


 "PAGDATING mo sa inyo, magpakumbaba ka sa mommy at daddy mo. Kung magalit sila, tanggapin mo. Huwag ka nang sasagot. That way, maiisip nila na kahit papaano, nag-mature ka na at hindi na rebellious teenager, okay?" mahigpit na bilin kay Psyche ni Levi bago siya umalis kanina sa apartment ng mga ito.

Sa loob ng isang linggong pakikitira sa apartment, nagdesisyon na siyang umuwi. She decided to take everyone's advice. Mas makabubuti ngang kausapin na niya ang mga magulang niya. Mas maipapakita niya nga sa mga magulang niya na hindi na siya bata at kaya na niyang magdesisyon para sa sarili niya kung haharapin niya ang mga problema.

Isa pa, hindi na niya dapat pang kulitin si Levi. May problema rin ito.

Nang matanaw niya ang big black gate ng bahay nila ay naramdaman niyang nanlamig ang buong katauhan niya.

Ilang sandali na lang...

Napalunok siya. Pakiramdam niya ay nanigas na ang buong katawan niya. Parang bulang naglaho ang lahat ng lakas ng loob niya. Ano ang sasabihin ng mga magulang niya? Pero bahala na. The worst that could happen was that her parents would still force her to see Zach. Pero dahil hindi pa naman sila magpapakasal ora mismo, may oras pa siya na kausapin ang mga magulang niya.

"Kaya mo bang bumaba? O bubuhatin na lang kita."

Napapitlag siya nang marinig ang boses ni Tep. May himig ng pagbibiro sa boses nito. Ang naunang plano ay sasamahan siya ni Levi sa pag-uwi. Pero dahil busy na nga ito ay wala pa sa sarili, nag-volunteer si Tep na ihatid siya.

Pinilit niyang ngumiti ngunit naramdaman niya ang panginginig ng mga labi niya. "I-I can manage," aniya sabay pindot sa suot niyang seatbelt.

Dumukwang siya sa likod upang kunin ang bag niya. Maliit lang naman 'yon at sigurado siyang kayang-kaya niyang hugutin iyon mula sa kinauupuan niya. Ngunit hindi niya iyon mahila. Sumabit pala kasi sa hawakan ng payong na nandoon.

"Ako na," ani Tep.

Umayos siya ng upo, ngunit bago pa siya tuluyang makalayo ay pumuwesto na ito upang hugutin ang bag niya. Napasinghap tuloy siya nang mapuno ang ilong niya ng mabangong cologne nito. She could have moved a little nearer the door to give him more space to move but she did not. Tila nabato-balani na siya sa bango nito.

Lalo pang nagkadaiti ang mga katawan nila nang iangat nito ang katawan nito sa ibabaw ng handbreak upang marahil ay maabot din nito ang kinasabitang payong.

Napapikit siya. What was happening to her?

That One True ThingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon