13

5K 148 0
                                    

SA tingin ni Tep ay lululunin silang dalawa ni Psyche ng matandang lalaki. Galit na galit ang hitsura nito. Sa tingin niya, anumang sandali ay sasampalin nito si Psyche. Inihanda niya ang sariling protekahan ito.

"Mahal ko po ang anak n'yo, sir," mariing wika niya. "At nakahanda akong pakasalan siya." Sa sandaling namutawi ang mga salitang iyon mula sa bibig niya ay hindi na niya alam kung dapat bang sipain niya ang sarili niya. Nababaliw na nga yata siya. Hindi lang siya nagsabi ng "nararamdaman." Nag-propose pa siya.

Had he made the right decision? Pero nang makita kasi niya kung paano tratuhin ng tatay nito si Psyche, hindi na niya maipaliwanag ang tila pagsukob ni Batman at Superman sa kanya.

Sa pagkakaalam niya ay hindi naman siya matatakuting tao. Pero ang tingnan siya ng matandang lalaki mula ulo hanggang paa na para bang sinusukat ang buong pagkatao niya, napalunok siya.

Hindi ito nagsalita. Nanatili lang itong mataman na nakatitig sa kanya.

"Tep," narinig niya ang halos pabulong na pagbigkas ni Psyche sa pangalan niya.

Sinulyapan niya ito. Bahagya siyang ngumiti. Alam niyang kabang-kaba na ito. Malamig na malamig na ang kamay nitong gagap niya.

Kapag ba niyakap niya ito ay mapapanatag ang kalooban nito? Pinisil niya ang hawak niyang kamay nito. Kumunot ang noo niya nang gumanti ito ng pisil. Bakit ba tila magic iyon na nagpawala sa lahat ng kaba niya.

Alam niya kung bakit. Dahil sa mga sandaling iyon, silang dalawa lang ang magkakampi.

Tiningnan niya ang daddy nito nang diretso. "Nakahanda po akong gawin lahat para kay Psyche," aniya. Nasimulan na rin lang niya, tatapusin na niya.

Kung ano ang iniisip ng matandang lalaki, hindi niya mahulaan. Palipat-lipat lang kasi ang tingin nito sa kanilang dalawa ni Psyche.

Nang sa tingin niya ay hindi na ito muli pang magsasalita, nagsalita ito. "Sumunod kayo sa akin sa loob," utos nito na tinalikuran na sila.

"May baril ba ang daddy mo?" pabirong bulong niya kay Psyche.

Pero tila wala na sa sarili si Psyche.  

That One True ThingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon