28

5K 135 0
                                    


"BAKIT ang aga mo?" muling tanong ni Psyche kay Tep nang makapagsolo na sila. Nang iwan sila ng mga magulang nito, nagpaalam muna siya kay Tep na magbibihis. Kahit ayaw sana niyang makita siya nito na hindi pa nakakapag-ayos ay nagmadali na rin siyang bumaba. Baka kasi kung anu-ano ang itanong dito ng mga magulang niya.

"Alam mo bang tatlong beses mo nang tinanong 'yan sa 'kin mula kanina?" anito.

Tatlong beses na ba? Hindi niya na-realize 'yon. Kabang-kaba kasi siya at hindi niya alam ang sasabihin niya. Paano ba naman kasi binigyan siya nito ng bulaklak. "Eh, hindi ka naman kasi sumasagot nang matino," singhal niya. "At bakit may pa-flowers-flowers ka pang nalalaman ngayon?"

Pinanlakihan siya nito ng mata na tila ba hindi ito makapaniwala na sinasabi niya iyon. "Siyempre, girlfriend kita, 'di ba dapat lang na bigyan kita ng flowers?" pakli nito.

Nalaglag ang panga niya. Siya, girlfriend nito?

"Ayaw mo ba?" narinig niyang muling wika nito.

Ayaw daw ba niya? Baliw ba ito? Hindi ba nito alam na pakiramdam niya ay biglang namukadkad ang mga bulaklak sa paligid nila sa sinabi nitong iyon? And the color of the sky suddenly turned into the brightest of blues.

Kung ganito nang ganito, baka maging poet na siya.

"Ano?" untag nito sa kanya.

Napapitlag siya. Kasabay kasi n'yon ay ginagap nito ang kamay niya at pinisil. Dahan-dahan siyang nag-angat ng tingin. Muntik tuloy uli siyang yumuko dahil titig na titig pala ito sa kanya. Nag-triple na yata ang bilis ng puso niya.

"A-ano ba ang sinabi mo?" tanong niya. Malinaw naman ang narinig niya kanina. Those were the words that she had been hoping to to hear last night. At sinasabi nito ang mga iyon ngayon. Eh, ano ngayon kung gusto niyang paulit-ulit na marinig?

Pero ilang araw pa lang mula nang maghiwalay ito at ang girlfriend nito. Hindi kaya nalulungkot lang ito?

"I'm sorry, I didn't say anything last night. Tungkol sa nangyari," anito. "Gusto ko kasing gawin iyon sa tamang paraan." Hinawakan nito ang isa pang kamay niya at sabay na inangat ang mga iyon.

Tumayo yata ang kaliit-liitang balahibo niya nang dalhin nito ang mga iyon sa labi nito at dampian ng halik. Wala pa yatang tatlong segundo ang pagdampi ng mga labi nito sa mga kamay niya pero sa mga sandaling iyon pakiramdam niya ay siya na ang pinakamasuwerteng babae sa balat ng lupa. She felt so loved. She felt so cherished.

"I can't promise to be the best boyfriend in the whole world, Psy. Pero gagawin ko ang lahat mapangiti ka lang lagi," anito.

Lumunok siya. Nagi-init na ang sulok ng mga mata niya dahil sa nag-uumapaw na kaligayahan sa dibdib niya.

Hinawakan nito ang baba niya. "Ano?" masuyong tanong nito.

Nakagat niya ang pang-ibabang labi niya. Ano ba ang dapat na sabihin niya? But she deemed that words no longer mattered. Tumango siya. Paulit-ulit.

Ngumiti ito. At bago pa siya makaisip ng tamang pang-describe sa ngiti nitong iyon, lumapat na ang mga labi nito sa mga labi niya.

That One True ThingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon