37

5.8K 142 2
                                    




TAGIS ang mga bagang na binuksan ni Tep mula sa sasakyan niya nang marating ang beachhouse nina Levi sa Laiya. Ang totoo sa buong biyahe, kung may makakakita lang marahil sa kanya, ay sasabihan siyang hindi maipinta ang mukha.

            Galit na galit siya. Ginawa niya ang lahat ng makakaya niya para lang maiparamdam niya kay Psyche kung gaano ito kahalaga sa kanya tapos pagdududahan lang siya?

            O talaga bang hindi lang siya nito mahal kaya minabuti na lang nitong iwasan siya?

Luminga-linga siya. Tahimik ang paligid at tanging ang hampas lang ng alon sa dalampasigan ang naririnig. Umakyat siya sa porch at agad niyang pinihit ang doorknob, pero naka-lock pala iyon. Pinindot niya ang doorbell at naghintay.

            Walang nagbukas ng pinto. Marahil ay tulog na si Psyche. Kung sabagay, maga-alas-onse na. Nilapitan niya ang hilera ng mga paso at iniangat ang panlima. Nandoon ang spare key.

Nang makapasok ay agad niyang kinapa ang switch ng ilaw sa sala. Kasabay ng pagbaha ng liwanag sa paligid, nalaglag ang panga niya. 

Nakasalampak si Psyche sa baldosa sa kusina at nakasandal sa pasamano ng sink.

His reaction was instantaneous. Inilang hakbang niya ang marahil ay limang metrong pagitan nila. Lumuhod siya sa tabi nito. "P-psyche?" aniya na sinapo ang pisngi nito. Parang tinatambol ang dibdib niya. Ano'ng nangyari dito? Nabagok ba ang ulo nito?

"Psyche!" muling wika niya na hinaplos ang pisngi nito. Nawalan lang ba ito ng malay?

Pero ano ba ang dapat niyang gawin?

"God don't let anything bad happen to her," usal niya. Pakiramdam niya ay tila bulang naglaho ang lahat ng galit niya. He would give everything just to see her well again. He knew right there and then that he could never stay mad at her. Mahal niya ito.  

Nakahinga siya ng maluwag nang makita ang pagtaas-baba ng dibdib nito.

Pinangko niya ito. "Are you okay, babe?" bulong niya dito nang maibaba niya ito sa couch. Hinaplus-haplos niya ang maputlang pisngi nito. "Gumising ka na, please?"

            Maybe he had to take her to the hospital. The doctors would know what to do with her.

Muli sana niyang papangkuin ito nang magmulat ito. "Tep? You're here..." anito na bagama't halatang hinang-hina base sa mahinang boses nito ay mababakas ang tuwa sa mukha nito. "You're here. Are you really here?"

"Yes, babe, I'm here," masuyong wika niya. Relief flooded him. He knew right there and then that he would do anything just to get her back. "Ano ba kasi ang nangyari?"

            Eh , ano ngayon kung masabihan siyang hindi niya mapanindigan ang galit niya? Kung ang kapalit niyon ay ang muling mapasakanya ang babaeng pinakamamahal niya, nakahanda siya.   Kung kinakailangang manligaw siya ng ilang buwan, gagawin niya.

That One True ThingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon