Prologue

478 1 0
                                    

Jeramy’s POV

 

Kakauwi ko lang galing sa bahay ng ex ko. Yap. You read it right. Galing ako sa kanila kahapon. Dun ako natulog kasi ewan kung bakit ako dun natulog kahit pwede naman akong umuwi.

Nakahiga na ko sa kama ko ngayon. Nag-iisip kung anong nangyari kahapon hanggang kaninang umaga. Kung anong narealize ko? Apat na salita kung isusummarize:

MAHAL-KO-PA-SIYA.

Yeah. You read it right once more. Mahal ko pa yung ex ko. Makalipas ang higit dalawang taon na pagbebreak namin, mahal ko pa ung ex ko.  Akala ko after ng isang taon naming hindi pag-uusap, pag nakausap kami ulit or nagkita or nagkasama, okay na ko. Pero lahat pala yun akala lang. Dahil sa loob ng halos isang buong araw na magkasama kami, bumabalik yung sakit na kasalanan ko bakit siya nawala sakin at kahit na magsisi ako, hindi na nun maibabalik yung meron kami dahil pagkatapos naming maghiwalay noon, nagkaron na siya ng bagong mamahalin..

Yung pakiramdam na kahit anong paramdam ko na lagi lang akong nasa tabi nya, hanggang ganon na lang yon. </3

Kung maibabalik ko lang yung araw na yun. Sana hindi ko na lang binitawan yung mga salitang, “Mag-cool off muna tayo.” Siguro kami pa rin hanggang ngayon.

Dahil sa lungkot na nararamdaman ko, bumangon ako sa kama. Humarap sa laptop ko at nagsimulang balikan kung paano nga ba kami nagsimula.

EX WITH BENEFITS PLUS A BONUS HEARTACHETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon