Hindi ako rich kid. Hindi rin siya rich kid. But who cares? Hindi naman pera ang minahal ko sa kanya. Kundi yung pagkatao niya. Bonus na lang yung kamukha niya yung crush kong si Yael ng Spongecola.
Sabi ng mga kaibigan ko, lolokohin lang ako nito. Kasi gwapo daw. Pero gusto ko patunayan sa kanila na pag ang isang tao nagmahal, nagbabago para maging mabuting tao. Na yung chickboy, pwedeng maging stick to one. Kasi pag ang isang tao tinamaan ng “lintek”, walang laban yan.
First monthsary namin ngayon. And words can never be enough for me to express how much I love him. I love him more than I love white chocolates. Eto na yun. Siya na yun.
Time: 1159pm
To: Heart <3
Goodmorning po bey! Heart! Flip! Mahal! Panget! Crush! Happy Monthsary po ng first! Hahaha. Nauna ko bumati sa’yo. :) Actually, hindi pa talaga ko natulog para mabati kita.Excited ako eh. Mahal na mahal po kita! Sana alam mo yun at palage mo tatandaan. See you po mamaya!
Mga ilang minute pa ang nakalipas at nakatulog na ko.
Pagkagising ko ng 5:30 ng umaga, wala pa rin siyang text. Mukhang tulog pa.
To: Heart <3
Goodmorning po Bey! Gising na po ako kasi maaga pasok ko. Text mo ko pagkagising mo ah? Happy Monthsary po ulit! Iloveyou!
Umattend ako ng klase ko ng 7 am. Pero di pa rin nagtetext si Seph. Di ko alam kung bakit. Pero hindi ko na siya kinulit.
From: Heart <3
Goodmorning po Heart! Happy Monthsary po! Kakagising ko lang. 12 pa po klase ko. Kain na po ako ng kanin! Luto ko itlog. Hahaha. Mahal na mahal po kita! Kita po tayo maya pagtapos ng class ko ah?
To: Heart <3
Kain ka po madami Bey! Opo. Kikita tayo syempre. 12 naman po tapos na klase ko. Pero siyempre aantayin kita. Dun lang po ako sa ST. Iloveyousomuch mahal! Ingat ka po pagpasok mamaya ah.
To: Heart <3
Mahal! Tapos na po klase ko. Punta po kaming SM nila Dada ha? Iloveyou po!
Siguro nagkaklase na siya kaya hindi na nagreply sa mga text ko. Nagpunta kami sa SM nila Dada. Naglaro ng basketball at ng kung ano-ano pang laro sa amusement park na yun. Tapos kumain kami ng lunch. At dahil ang mahal ko ay mahilig sa pasalubong, binilan ko siya ng 2 box ng brownies. Hahah. Ewan ko. Basta pag feel ko siya pasalubungan, binibilhan ko siya. Or dinadalhan ng kahit na ano.
Naka-4 na oras din kaming nagpaikot-ikot sa mall. At 6 pa ang tapos ng klase ni Heart. Pero bumalik na rin kami sa ST kasi magdo-Dota pa raw sila. At ako? Tatanga muna.
Pasado 6 pm na, pero hindi pa siya nagtetext. Pero tinext ko siya na nasa ST lang ako. Pero unti-unti na kong nakakaramdam ng pagkabad trip.
“Uy brownies! Kanino to?” Kakadating lang ni Jim kasama sila Colin.

BINABASA MO ANG
EX WITH BENEFITS PLUS A BONUS HEARTACHE
SachbücherHi. I’m Jeramy and I’m still single after destroying an almost 3 year relationship last 2012 with the most wonderful guy I ever met. Why stay single? I don’t know. I just can’t stand getting into a relationship because I’m scared of taking chances o...