Chapter 4 . Getting Back Together

203 2 1
                                    

Napadalas ang pagkikita naming. Napadalas ang pagkakasama namin. Halos palagi pag break time naming tapos break time sila. Pero hindi kami. Natatakot ako magtanong. Pero parang kuntento na siya sa ganito. Na hindi kami pero nagkakasama kami. Pero ayoko ng ganito.

From: Joseph

San ka? May inuman kami mamaya. Gusto mo sumama?

Tama kayo. Sa inuman kami nagkakilala, sa inuman din kami nagbobonding.  Hindi naman sa lasinggera ko. Pero yun na kasi yung bonding naming. Kumbaga, wala naman kami ibang tatambayan kaya sumasama na rin ako kasi yun na yung chance na makasama ko siya. Kuntento na ko yung katabi siya kahit hindi kami nag-uusap. Makita ko lang na masaya siya.

To: Joseph

Andito po sa comp shop. Anong time po ba yun?

Okay lang naman akong sumama kasi Friday naman ngayon. Uuwi ang tita ko. Pwedeng medyo gabihin.

From: Joseph

Mga 7 siguro. After class ko. Wala ka na po ba klase?

To: Joseph

Wala na po. Nakatanga lang ako dito. Sige po sama ko. Uwi din ako ng mga 10 ha.

From: Joseph

Sige po. Daananan kita diyan mamaya.

To: Joseph

Okay po. Sige. Lalaro lang ako dito.

Naglaro ako ng paborito kong Left 4 Dead. Yung mga kalaban ay mga zombie. Nakakaadik to. Promise.

Time check: Quarter to 7 na. Antagal ko na din naglalaro. Ni hindi ko namalayan na dumaating na pala yung pinakamamahal ko.

*kiss*

“Oy! Ano ba?! Sino ba yon? Na-dead tuloy ako!” sigaw ko sabay lingon sa likod ko. Si Joseph pala.

“Eh bakit gagalet? Lalo kang papanget nyan! Tara na!” sabi niya.

“Ayoko pa. Wala pang 7 oh. Usapan natin 7.” Hala! Tinopak na naman ako! Hahaha. Nagpatuloy na naman ako sa paglalaro.

“Usapan 7 andun na. Anong oras na? 6:50 na. Sa kupad mong lumakad, malamang 7 na tayo darating. Kung ayaw mong umalis at tumayo diyan, wag! Aalis na ko. Bahala ka kung susunod ka o hindi!” saka siya lumakad palabas ng Supertwins.

“ARGH!!!!” napasigaw ako saka tumayo. “Bossing out na po ako.” Sabi ko.

Nakakainis. Bakit ba hindi kita matiis lintek ka?! Tss. Sa pataasan ng pride at pasensya panalo siya palagi! At lagi na lang kaming nag-aaway kahit hindi naman kami! Ano? Susunod ba ko o ano? Pag sumunod ako, para na rin akong sumuko at idineclare na sya ang panalo sa pagtatalo na to. Pero kelangan ko bang makipagpataasan ng pride sa kanya? Kailangan ba na mas mataas ang pride ko? Itetext ko na nga muna siya.

EX WITH BENEFITS PLUS A BONUS HEARTACHETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon