Chapter 3 . Ex's Birthday

262 0 0
                                    

Totoo nga siguro na pag mahal mo ang isang tao, kahit gano pa katagal mong hindi nakausap, mahal mo pa rin pagkagising mo. Eto na yung araw ng birthday ni Joseph. Actually, hindi ako nakatulog kagabi sa kaiisip kung anong mangyayari ngayong araw. Kinakabahan ako. Excited. Nalulungkot. Hindi ko malaman kung anong dapat kong maramdaman.

 

From: Baby Boy <3

Good morning baby boy. See you sa school. Ingat po. I love you. :) MWAH. :*

To: Baby Boy <3

Good morning baby boy. See you! Mwah! :*

Eh bakit wala akong I love you sa text? Kaso nasend ko na. Hmm. Haaay.

Pumasok ako. Lutang ang isip. Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman. Nalulungkot ako na ewan.

“Baby boy!” nilingon ko siya. Kumaway siya sakin habang nakangiti. Hindi ako makaganti ng ngiti pero nilapitan ko siya. Tinanggal niya ang bag na nilagay niya sa upuan na bakante sa tabi niya.

“Hi. Baby boy. Wala pa si mam?” tanong ko.

“Ah. Wala pa po. Mukhang late na naman. As usual.” Sagot niya sakin. Wala ako sa sariling tumango lang.

Dumating si prof. Naglecture. Pero dahil ang topic ay Leadership at Management, tamad na tamad akong makinig. Nakatulala lang ako pero nagsusulat ocassionally. Kapag nakita ko na tumungo sila at nagsusulat. Nakikigaya ba.

From: Seph

Mamayang gabi ha? See you.

Anong oras na ba? Mag-5 na pala. Alas-7 ang usapan namin.

To: Seph

Oo. Text kita later. Sunduin mo ko sa baba ha.

From: Seph

Okay. :)

And that’s all for tonight guys. Please be prepare for a unit exam next next week. Good night.

 

“Baby boy.” Tawag niya sakin at hindi ko namalayan na uwian na pala. Wala ata akong naintindihan sa topic naming. Ano bang nangyayari sa earth?

“Tara na? Kain tayo ha? Nagugutom na ko eh.” Sagot ko sa kanya at ngumiti. Kinuha ko ang bag ko at sinuot.

Habang naglalakad kami, hinawakan niya yung kamay ko. Sa pathway, nakita ko sa Peripheral view ko nakaupo si Seph sa gilid. Napabitaw ako sa kamay ni Baby boy. At alam kong kinagulat niya yun. Pero nagkunwari ako na hahanapin ang wallet ko sa bag.

Kumain kami. Walang usap. Walang salita. Walang gustong umimik. Parang may pader sa pagitan naming dalawa kahit wala.

“Pupunta ka pa ba ng Supertwins o ihahatid na kita kung san kayo magkikita?” tanong niya sakin. Tumingin ako sa relo. Past 7 na pala.

EX WITH BENEFITS PLUS A BONUS HEARTACHETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon