A Life Like This Chapter 6: Bar Gig

9 0 0
                                    

CHAPTER VI: Bar Gig

"Hello Jess! Asan ka na?" Ariel on the phone.

"I'm still driving, medyo traffic lang. Asan kayo?"

"Dito malapit sa pinto ng bar hinihintay ka namin."

"A-ah. Sige malapit na ako."

"Okay. Ingat ka Jess."

"Thank you. Bye."

Call ended.

Changing POV: Miguel Guillermo a.k.a Miggy 

[Miggy's bed room]

Miggy lies down on his bed. He gets his phone on the table beside his bed and dials number.

"Hello bro."

"Hello Miggy, what's up?"

"Labas tayo bro?"

"Saan?"

"Bar. Hmm. Nakita ko sa facebook Franco at Queso sa Guijo."

"Ah, sige. Ayos yan. Akitin ko lang sila Drew."

"Okay bro. Bye."

Call Ended.

Change POV: Jessica 

[SaGuijo bar]

Bumaba ako sa kotse at sinalubong ako ng mga kaibigan ko. Si Ariel, Carlos, at Oliver.

"Kamusta dude? Tagal din nating di nagkita ah. Na miss ka namin ng sobra." Carlos says while he's tapping my shoulder.

"Mukhang busy na busy sa school. Baka makalimutan mo na kami nyan." Ariel says while he's tapping my head at ginulo gulo pa ako buhok ko.

"Ano ba kayo." Sabay alis ng kamay ni Ariel sa ulo ko. "Para kayong mga buang." Dagdag ko pa.

"Tara pasok na tayo, sigurado marami tayong pag ku-kwentuhan ngayon." Oliver says at hinatak ang kamay ko papasok ng bar.

Sobrang close ko sa mga tao na 'to. Actually they are my friends since elementary. Iisa lang kasi yung section ng bawat grade level sa private school na pinasukan namin kaya since grade 3 nung lumipat ako sa school nila naging magkaklase kami, 9 years old na kasi ako nung bumalik kami ni Mommy dito sa Pinas. At nung High School, we decided na sa iisang school lang ulit pumasok, pero hiwa hiwalay kami ng section. Ako laging section 1, si Ariel section 2 at si Carlos at Oliver laging section 3. Pero kahit hiwa-hiwalay kami, we're still close at laging gumigimik.

May mga girl friends naman ako pero hindi kami ganong ka close. Kahit one of the boys ako, hindi naman ako yung 'tomboy' kung tawagin, medyo maangas lang kumilos pero ganun lang talaga ako, still babae sa puso, salita at gawa. HAHAHA.

"Oy dito tayo, medyo malapit sa stage." Yaya samin ni Carlos.

Lumapit samin si Ariel at may dalang apat na Red Horse stallion.

"Bakit apat lang?" I complain to Ariel. 

Carlos and Oliver laugh.

"Oo nga naman, kulang pa yan ni Jess. Ano ka ba." Oliver says while he's laughing.

"Edi kumuha nalang ulit dun pag ubos na problema ba yun?" Ariel says and he grins.

Nagsimula na kaming mag kwentuhan at maghagalpakan.

A Life Like ThisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon