Ginawa ako para...

2 0 0
                                    


Minsan ba mahal sumagi na sayong isipan kung bakit ako ganto?

Naisip mo ba kung bakit dalawa ang paa ko?

Marahil ay para hindi ako mahirapan sa pagtakbo,

Pagtakbo kapag kinailangan mo ako o di naman kaya'y para maayos makalakad papunta sayo sa araw na iharap mo nako sa Diyos, at sa mga taong lubos na nakakakilala sa atin.

Mayroon akong dalawang mata, dalawa ngunit isa lang ang nais tingnan at ikaw yon, Ikaw ang pinaka magandang tanawin na nakita ko higit sa lahat,

Dalawang mata para mas lubusan kong makita kung gaano ako kaswerteng matitigan ka

Dalawang kamay, dalawang kamay ngunit isa lang ang gustong hawakan kamay mo lang, dalawang kamay para mas maiangat ka pag bagsak ka o mas mahigpit na mayakap pag nalulumbay ka,

Dalawang kamay para mas maipagtanggol kita

Dalawang tenga, para mas malinaw kang mapakinggan at mas mag ka unawaan tayo,

Isang labi, isa labi na ang magandang pangalan mo lang ang gustong bigkasin palagi,

Isang puso, na ikaw lang ang mamahalin at gugustuhin

Siguro bawat parte ko ay inilaan para sayo, Bakit ako Ganto?  Ang kasagutan marahil ay ginawa ako para sayo.

Ngunit mali, mali pala lahat
Mas pinili ng paa ko na tumakbo,
ng mata ko na lumuha,
ng kamay ko na bumitaw,
ng tenga kong hindi ka pakinggan ,
ng labi ko na magsabi ng mga katagang paalam at
ng puso kong pinipilit kang kalimutan,

Ngayon malinaw na, ginawa lang ako para saktan ka, Patawad sinta.

"Ginawa lang ako para saktan ka"

By: 10

Just another.....Where stories live. Discover now