Sa ilalim ng ulan

4 0 0
                                    

"Sa ilalim ng ulan"

Noong mga panahong sabi mo "Gusto kita"
Araw-araw mong sinasabi "Gusto kita"
Pinaramdam mo ang salitang "Gusto kita"

Ngunit ano ng nangyari? Bigla ka na lang nawala
Naglaho na parang bula
Araw-araw mo kong gugustuhin diba?
Sann na yung sinasabi mong "Gusto kita"?

Hanggang isang araw sa wakas nagparamdam ka na
Di mo alam kung gaano mo ko pinasaya
Tumawag ka ang sabi mo "Kakausapin kita"
Umaasa ako na sasabihin mo ulit ang "Gusto kita"

Nagtagpo tayo sa ilalim ng ulan
Tinanong kita Mahal mo ko diba? Kasi sabi mo "Gusto kita"
Oo sumagot ka...

Saksi ang ulan kung paano mo binitawan ang anim na salita
Salita na nagpabuhos sa mga luha ko sabay sa pagbugso ng ulan
Saksi ang ulan kung paano mo ko sinaktan..

Sa anim na salita

"Hindi kita minahal, ginusto lang kita".

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 20, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Just another.....Where stories live. Discover now