Poetry2-PLASTIC

27 0 0
                                    

"PLASTIC"
BY NOELIN GRACE POLIDARIO

Kalma kaibigan, ika'y pineke lamang
Salitang kanyang binitawan ay
Puro kaplastikan lamang
Niligawan ka niya't pina-ibig
Ngunit sa huli ika'y kanyang lilisanin
Akala mong siya na ang "the one" ngunit kayo'y nauwi sa hiwalayan
Ika'y naging sakbibi ng lumbay pagkat siya'y ginawa mong buhay

Maging masaya kang iniwan ka niya sapagkat ika'y makahahanap ng mas better sa kanya,
Ngunit kailangan ding
Danasin ang lungkot sa pag-iwan niya
Magtwo joints ka man, siya'y di na babalik
Humayo ka't sa simbaha'y manalangin,
Ilabas mong tunay na nadarama, sapagkat alam Niyang sobrang sakit na,
tumulo man ang iyong luha'y papahidin Niya,
humagulgol ka man sa sakit, ika'y aaluin Niya,
Wag mag alala sopresa ng Panginoon mas maganda pa sa regalo niya,
Sapagkat darating ang panahon
Mahahanap mo din ang lalaking mamahalin ka ng lubusan,
Tunay at mapa huling hininga
Pangalan mo'y nakatatak sa puso niya
At sa inyong muling pagkikita, kayo'y nasa langit na
Masayang nagtatawanan di ininda
Ang pait ng nakaraan
Kayo'y nagpasalamat sa isa't isang
Naghiwalay kayong dalawa
Dahil iyon ang naging daan para matagpuan ang inyong tunay na minamahal,
Iyong napansin sila'y nakangiti at ikaw na pa ngiti't winika sa isip na
"Kay sarap sa pakiramdam pag ang Diyos ang nagmahal."

PLAGIARISM IS A CRIME

Day i wrote it: 7/19/19
Day i publish:

Stay Cute ~ HAHAHA

Facebook acc : grace noelin polidario
Instagram acc : grace-ssii_0912
Twitter : grace_ssi_0912
RPW ACC : KEZIAH MIN

SPOKEN POETRYWhere stories live. Discover now