Poetry 5 - SUSUKO NALANG BA?

30 0 0
                                    

Susuko nalang ba?
By: noelin grace polidario

Gusto kong kumawala sa sakit
At humiwalay sayong kapit
Ngunit masyado kang mabilis at nagawa mo paring ako'y saluhin
Sa bitag ng iyong damdamin,
Sinubukan kong ikaw ay mahalin
Ngunit bakit di ko magawa?
Ang mahalin kang higit pa sa kanya...

Masyado na kong nabulag sa pag ibig niya
At ikaw ay di ko nakita
Nar'yan saaking tabi palihim akong sinisinta

Susuko nalang ba?
Susuko nalang ba ako sakanya
Sapagkat wala na ata akong pag asa sakanya
Habang ikaw nariyan pa
Hinihintay na ibigin ka
At nagbabakasakaling makita ko ang iyong halaga
Susuko nalang ba ko sa kanya? At muling buksan ang puso
At ibigin ka..

Baka sakaling tayo talaga
At extra lang siya
Upang pagtibayin ang pag iibigan nating dalawa
Salamat at di ka napagod
Mahalin akong ganito at
Hintayin ang tulad ko

Tayo naman talaga
Umextra lang siya
Salamat din sakanya sapagkat ika'y aking nakita
At ngayon ikaw ay sininta
Habang buhay kong iibigin pa
At hindi na din
Pakakawalan pa...
Salamat at dumating ka..
Dahil kung hindi siguradong di nako makakaahon pa sa pagmamahal ko sakanya
Ngunit tayong dalawa... Ang nalunod na,

Sa pagmamahalan nating dalawa
Sabay tayong lalangoy hanggang marating natin ang dulo
At di na mauudlot ang pag mamahal ko sayo..

-PLAGIARISM IS A CRIME-

Tagal kong di nakapag update, so i chose to update more and more 😅
Scroll mo na try natin kung makakarelate ka sa next poetry 😉

PLEASE VOTE AND COMMENT
THANK YOU 💜

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 10, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

SPOKEN POETRYWhere stories live. Discover now