Poetry1-"AKO DAPAT YUN"

36 0 0
                                    

AKO DAPAT YUN
By noelin grace polidario

Binibini, iyong tandaan ika'y panakip butas lamang
Masakit ngunit kailangang
tanggapin kayo'y hanggang ganito na lamang,
Sampalin mo kung kailangan, umiyak ka man sa kanyang harapan di parin ikaw ang mahal
Nakalimutan mo na ba?
Ika'y second option lamang
Masaya siyang ikaw ang kasama
Pero mas masaya siya kung mahal niya ang kasama
Masakit ma'y kailangang tanggaping di ikaw ang mahal niya
Dahil kasama ka lang niya
Kapag wala ang isa sa piling niya

Tuwing iyong makikita silang laging magkasama
Puso mo'y nagpoprotesta kahit wala ka namang karapatan sa buhay niya

Gusto mong ipagsigawan sa kanyang "AKIN KA LANG!" 
Gusto mong sabihing "AKO LANG DAPAT ANG IYONG KASAMA"
ngunit na uwi sa "BAGAY KAYONG DALAWA"

Puso mong naghihinagpis gustong kumawala sa sakit,
Iyong pinipilit wag lumuha't ngumiti na lamang sa kanila
Pinilit mong itago ang iyong nararamdaman kahit gusto mo nang ipagsigawan sa kanya
Dapat'wat masakit pinilit mong pagtibayin,
Subalit kanyang nalaman iyong nararamdaman,
Kinain ng takot,binalot ng hiya
Natatakot sakali mang iwasan ka niya,
Nahihiya sapagkat nagkagusto ka sa kanya

Sinubukang mong magpaliwanag sakanya ngunit siya'y lumalayo
Lalagpasan ka na para bang wala kayong pinagsamahan
Di ka papansin na parang di kayo nagkakilala

Buong gabi ika'y umiyak
Sapagkat kinakatakutan mo'y sumapit na,
ANG MALAYO KA SA PILING NIYA.

Plagiarism is a crime

Day i made it : 7/19/19
Day i publish it :

Masakit ba? Mas masakit yung may mahal na siyang iba XD
Peace tayo hihihi mahilig ako sa tragic eh

SPOKEN POETRYWhere stories live. Discover now