Wattpad Original
Ito na ang huling libreng parte

Challenge # 05

81.7K 3.2K 1.3K
                                    

Exclusively

Percy's

"It's all over the news, Percy. You said that you're getting married by the end of this year."

Sumasakit ang ulo ko. Dad was looking at me with hope? Was that hope I saw in his eyes? Hindi tuloy ako makapag-react ng kung ano. Tinitingnan ko lang si Apollo na inaabutan ni Wewe ng table napkin para punasan ang mukha niya. I have a bad feeling na may kapok ako mamaya.

Dad cleared his throat again. "Hindi mo ipinapakilala iyong fiancée mo, Percy. Palagi tayong magkasama pero hindi mo nababanggit ang pangalan niya. Do we really have to find out in the media? Samuelle Escalona. How is she? Where is she? Magkasama kayo kagabi, hindi ba?"

"Oh, I am enjoying this," wika pa ni Achill.

Litong-lito na kasi ako. Hindi ko na talaga alam kung ano'ng gagawin ko. I don't want to lose that hope in Dad's eyes.

"Did you forget?" Achill asked me.

"Lolo Papa." Pumasok si Vulcan na dala ang phone. "Si Mamita Gianna po."

"Oh, I'll take this first. Mag-uusap pa tayo Percy. Hindi pa tayo tapos."

Inalalayan ni Ate Wewe si Daddy para makatayo nang maayos. Sumama na rin siyang lumakad papunta sa loob. Naiwan kaming magkakapatid sa gazebo. Sumasakit ang ulo ko. Hindi ako nakatiis, nilabas ko ang silver flask mula sa bulsa ko at saka ininom ang laman niyon.

"Percy!" reklamo ni Ate Betchay. "Ang aga-aga!"

Inagaw ni Achill sa akin ang flask na iyon.

"What the fuck is happening?!"

"You said things to the press—"

"I always say things when I'm hammered! I was so hammered last night—aray!"

Bigla akong sinuntok ni Apollo sa balikat. Napahawak tuloy ako roon.

"Aray, ha!"

"Fuck you! Bakit mo ako binugahan?!"

"Hindi ka raw kasi naligo." Si Achill ang nagsalita.

Napatayo si Ate Betchay.

"Ano ba?! Hoy!"

"Naligo ako?!"

"Hindi naman kasi halata!" Buwelta na naman ni Achill.

Kinuha ko iyong flask at saka pumasok ng cabin. I went to my room. Inilabas ko ang phone ko. May text na naman ako galing kay Red pero hindi ko binasa. I went to my social media accounts at doon ko nakita na sobrang kalat na kalat na pala ang ginawa kong kagaguhan kagabi. Kung saan-saang anggulo pinakita ang halikan naming dalawa. Unti-unti kong naaalala kung bakit ko ginawa iyon.

I felt sorry for her. Nabuwisit rin ako sa lalaking iyon, so I did that to spite him. I kissed Samuelle to spite that son of a bitch and now I am screwed.

"Pepsi . . ."

Tinigilan ko ang panonood at pagbabasa ng mga comments sa social media dahil pumasok si Eli sa silid ko. She sat on my bed and faced me.

"What is it?"

"Papa said you're getting married, is she a good person? Mama Hera told me to protect you at all cost. I don't want to break my promise, plus, Papa Hades is very happy right now. You should've seen him when he heard the news. Nagpunta kaagad kami kay Mama Hera tapos sabi niya . . ."

Eli did her best to mimick Papa's voice and tone.

"My Queen, finally, magiging maayos si Percy. Boom! Pak! Gumanon siya tapos medyo naiyak ako pero pinigilan ko kasi ayoko siyang malungkot."

icon lock

Ipakita ang iyong suporta para kay Cher, at magpatuloy sa pagbabasa ng kuwentong ito

ni Cher
@xxakanexx
Samuelle Escalona has done everything she can to move on from a bad b...
Bilhin ang bagong parte ng kuwentong ito o ang buong kuwento. Anupaman, ang iyong Coins ay makatutulong sa mga manunulat na kumita mula sa mga paborito mong kuwento.

Ang kuwentong ito ay may 27 natitirang bahagi

Tingnan kung paano masusuportahan ng Coins ang iyong mga paboritong manunulat gaya ni @xxakanexx.
Begin AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon