Oh e di wow
Samuelle's
His eyes were so hypnotic – muntik ko na namang makalimutan ang sarili ko. Bahagya kong itinulak ang lalaking ito – si Perseus, at saka inirapan siya. Nakakabuwisit siya. Ano'ng ginagawa niya rito! Jusko, is he everywhere?!
"I thought you died, hitchhiking."
Alam kong nagbibiro siya pero nabubuwisit ako sa kanya. Ang kapal naman kasi talaga ng mukha niya matapos niya akong tawaging matandang dalaga, inalok naman niya ako ng sex! Conservative kaya ako! Nakakabuwisit pa rin siya!
"I got lucky." Tinaasan ko siya ng kilay.
Gusto kong i-shave ang makapal niyang kilay. Kung tutuusin, same shape sila ng kilay ni Red. Kung titingnang maigi, magkamukha silang dalawa o baka naman gutom na ako kaya kung ano-anong naiisip ko? Hindi nakakabuwisit ang bayaw ko kaya mas guwapo si Red. Nilagpasan ko si Perseus at nagdesisyon akong bumalik na sa party ng pamangkin ko pero nakasunod pa rin siya.
"Ano ba?" Naiiritang hinarap ko siya. "Leave me alone! Pupunta ako sa party na ito! Hindi ka naman invited! Do not gate crash a baby's party!"
"I'm not gate crashing. Masyado ka namang assuming na sinusundan kita."
Wala naman akong sinasabing ganoon but if he put it that way, baka nga sinusundan niya ako. Bakit siya nandito at paano niya nalamang narito ako tapos may pasayaw-sayaw pa siya. If I know, hindi ako assuming – may gusto talaga siya sa akin.
Like, masisisi ko ba siya? Inaanak ako ni Uncle Ido, kaya nahawaan din ako ng hotness. Ang ganda ko kaya!
"Hindi nga ba? Bakit nandito ka? Nakakayamot ka na kamo! Stop pestering me! Nakakasakal ka na!" sigaw ko sa kanya sa Saktong binuksan ko iyong pinto ng hall.
Nakakahiya sa pamilya ni Red. Puro pa naman mayayaman ang mga kamag-anak niyang nandito. Baka isipin nila, nag-imbita ako ng hindi nagpapaalam. Perseus is a gate crasher.
"Perce!"
My head turned hearing Red's voice.
Papunta siya sa direction namin. Niyakap niya at tinapik ang balikat ni Perseus. "Akala ko male-late ka? Tapos na iyong meeting mo with Uncle Gab?"
"Yeah. Achill left already. We talked about the turnover."
"I see. Achill is really going to stay in CLPH then. Anyway, si Samuelle, hipag ko. Sam, si Perseus, pinsan ko."
Now that they are standing side by side, I noticed how much they look alike. Mas clean looking lang si Red pero iyong hilatsa ng mukha nila, iisa.
"Tawag ka ni Papay."
Perseus followed Red pero bago siya makalayo ay tumingin siya sa akin sabay ngisi tapos kumindat pa. Pahiyang-pahiya ako. Jusko! Ako nga yata ang assuming!
"What happened, Samsam?" Daddy asked me when I got back to the table. "H'wag kang masyadong sumimangot, lalo kang tatandang dalaga niyan."
Inirapan ko si Daddy. Tatawa-tawa sila ni Cindy. Siyempre, sila na naman ni Cindy ang magkatabi. Si Cindy kasi talaga ang favorite daughter ni Daddy. It may seem like it's Belle dahil magkamukha silang dalawa, but it's really Cindy.
"Daddy, bad iyon. Hindi na magkakaanak si Ate kapag matandang dalaga na siya, 'di ba?"
"Hayaan mo, Cub, ihahanap natin si Ate ng boyfriend."
"Daddy?!" I felt so appalled right now. "I can get my own love life!"
"Ay, parang si Uncle AJ kay Ate Avery, Daddy!"
BINABASA MO ANG
Begin Again
Fiksi UmumSamuelle Escalona has done everything she can to move on from a bad break-up. Just when she finally thinks moving on is completely out of her reach, she meets a sought-after bachelor with a hearty laugh and an unbelievably genuine soul . . . who may...
Wattpad Original
Mayroong 3 pang mga libreng parte