Pinaka
Samuelle Cruise Escalona's
I have no idea where I am heading at mukhang tulad ko ay wala ring ideya ang lalaking ito kung saan kami papunta. We've been walking at this highway. Wala naman kaming kibuan. He's a stranger – a stranger who puffs like a crazy train. Kanina pa siya pausok nang pausok! Wala man lang siyang nararamdamang consideration para sa akin! Second-hand smoking is bad for my health!
I coughed – iyong malakas. Iyong mapapatingin siya sa akin, and I succeeded. Akala ko naman ay tatanungin niya kung ano'ng problema pero tinaasan niya lang ako ng kilay niyang makapal. I rolled my eyes! My god! Why did I end up being here?! Kung nagtago na lang siguro ako sa gilid ng bus, wala ako rito ngayon! Siguro paakyat na ako ng Baguio o kung tinawagan ko na lang si Daddy para sabihing muntik na akong ma-holdup pero okay lang ako, sigurado akong nasa Baguio ako ngayon, naghahanap ng hotel na matutuluyan tapos bukas ng umaga, aakyat na ako ng Mt. Pulag! But no, I had to run!
Madalas ko talagang kinukwestyon ang life choices ko, eh!
Hindi na ako nakatiis. I walked faster, tapos tumapat ako sa kanya. Tinabig ko ang hawak niyang Marlboro Red tapos hinatak ko mula sa bibig niya iyong yosi niya. Pinagtatapakan ko iyon. I even threw his pack of cigarettes away.
"What the fuck, woman?!" He hissed.
"Napaka-insensitive mo!" galit na sigaw ko. "We've been walking here for hours! Walang dumadaang sasakyan! Walang truck or buses! I'm worried for myself, tapos ikaw, yosi ka nang yosi! Second-hand smoking is worse than first-hand smoking! Kung gusto mong umikli ang buhay mo, h'wag mo akong idamay!"
I found him appalling. Tumaas lang ang kilay niyang makapal tapos ay napapailing siya. May kung ano siyang kinuha mula sa loob ng jacket niya and to my surprise, may pack na naman siya ng sigarilyo. Mabilis akong gumalaw para makuha iyon pero he stepped back, hindi ko mabawi. Nangigigil ako as of now!
"Ano ba?! Aren't you even worried! Where the fuck are we?!"
"Why don't you use your phone. May mapa roon, 'di ba?" pilosopong sagot niya.
Natigilan naman ako. May point naman siya roon. Iyon nga lang, nang tingnan ko ang phone ko ay low batt naman iyon at hindi naibalik sa akin ang power bank ko kaya wala rin. Lalo akong nainis.
"It's not my fault your phone is dead. Don't look at me like that," mayabang pang wika niya. Nilagpasan niya ako. Gigil na gigil na talaga ako.
Ang kapal ng mukha. Sinundan ko siya.
"Hoy! Hoy!"
"Hindi hoy ang pangalan ko. It's Perseus," he said.
"Wala akong pakialam. Kailangan nating makaalis dito."
"Oh, that's easy, Kapag may dumating na sasakyan, hi-hitchhike tayo." May kasama pang kindat iyon. That's his plan? Paano pala kung iyong ma-hitchhike namin, murderer? Paano kung ma-torture kami?
I used to like the idea of hitchhiking. I was very carefree and spontaneous before, but that all changed. I changed and I want my life to be fixed – I don't like surprises. Noong huling beses na na-surprise ako, iniwan ako sa ere nang walang pasabi. I hate that feeling.
"What if we die hitchhiking?"
"Then, sayonara, life."
"Ayoko pang mamatay!"
"Bakit, virgin ka pa? I can fix that."
"Bastos!" Lumalabas na ang litid ko sa leeg. Inis na inis ako. Ang init ng mukha ko. Sigurado akong namumula na ako ngayon. Nakakainis! He's getting into my nerves!

BINABASA MO ANG
Begin Again
Ficțiune generalăSamuelle Escalona has done everything she can to move on from a bad break-up. Just when she finally thinks moving on is completely out of her reach, she meets a sought-after bachelor with a hearty laugh and an unbelievably genuine soul . . . who may...
Wattpad Original
Mayroong 4 pang mga libreng parte