Unang Yugto

33 1 1
                                    

     Nakatingin ako sa sala-salabid na kable ng kuryenteng tanaw mula sa bintana ng opisina kong nasa ikatlong palapag ng building habang nagkakape upang mainitan ang sikmurang kanina pa nilalamig dahil sa maghapong pagkakaupo sa airconditioned na opisina. Iniisip kung nagsimula and kableng ito at saan magtatapos.
    
     Nilingon ko and pinanggalingan ng malakas na lagabog. Si Nathalia na naman. Palagi siyang nadadapa dahil sa linya ng teleponong nakabuyangyang sa gilid ng kaniyang mesa na hindi niya kailanman ginawan ng paraan.

     "Buti pa itong telepono,nung mahulog merong sumalo,sakin wala!" Natatawang sabi ni Nathalia habang hinahaplos ang nasaktang tuhod at kinukuha kay Travis ang
tumalsik niyang telepono. "Hirap kasi sa inyong mga babae hilig niyong mafall kahit alam niyo wala namang sasalo!" Sagot naman ni Travis. Nagtawanan silang lahat.

     "Buti pa si Ma'am eh", sabi ni Gery Sabah tingin sa akin, " Never siyang nafall. Diba Ma'am?". Biglang tumahimik ang lahat. Binasag lang ni Nathalia ang katahimikan ng sagutin niya si Gery ng, "Ikaw diyan ang mafafall sa silya mo kapag tinadyakan ka ni Ma'am dahil sa mga sinasabi mo!"

     Hindi ko maiwasang matawa sa kalokohan ng mga batang ito pero hindi ko rin naman maiwasang pag-isipan ang mga pinagsasabi nila,minsan.

IKAW AT AKOWhere stories live. Discover now