Ikalawang Yugto

15 0 0
                                    

20 years ago...

  "Turuan kita magbisaya, sabi niya.
  " Site nga,sige nga,sabi ko sabay tawa.

"Gihigugma tika!" sabi niya bahagya akong napatawa ng malakas at sabay sabing "sinong niloko mo? Alam ko na 'yan HAHAHAHA" Tumawa rin siya. Matapos at tumahimik ng ilang sandali. Walang nagsasaliya nagpapakiramdaman lang. Maya-maya pa at nakarinig na kami ng tatlong magkakasunod na "toot" na nangangahulugang paubos na ang limang minutong binayaran niya ng tatlong piso sa payphone. "Sige na",sabi niya. " Goodnight na. Hindi na naman ako makakatulog agad. Ang bilis pa ng tibok ng puso ko dahil nakausap na naman kita."
"Goodnight na. Bye!" sagot ko

Si Marvien ang kauna-unahang nanligaw sa akin. Hindi kasi ako ligawin at di rin naman kasi ako kagandahan. Isa pa, sa amin, parang nakakailang daw ligawan ang mga tinuturung nilang middle class. Hindi kami mayamn, binubuhay lamang kami in erpats sa talyer niya. Pero sa lugar namin, isa ako sa iilang nakapagtapos ng high school sa pribadong paaralan. Isa ako noon sa iilang makakapagkolehiyo sa Maynila. Kaya para sa karamihan sa amin, parte ako ng middle class, na Hindi madaling abutin. Tauhan ni erpats sa talyer si Marvien at nagsimula kaming mag-usap at magbiruan nung summer ng 1999. Katatapos ko lang ng high school. Dahil nasa bahay lang naman ako palagi ang inuutusan ako ni erpats na maghain ng meryenda nila ng mga boy niya sa talyer. Halos magkasing edad lang kami in Marvien pero imbes na mag-aral pa ay nagbanat na siya ng buto. Taga GenSan talaga siya.  Sa di malamang kadahilanan ay dito sila napadpad sa amin. Hindi pa uso noon ang cellphone kaya sa telepono kami laging nag-uusap. Kapag nag-ring na ang telepono namin sa bahay ng bandang alas nuwebe ng gabi, alam na nilang sa akin ang tawag na iyon.

IKAW AT AKOWhere stories live. Discover now