Ikalimang Yugto

5 0 0
                                    

Ilang buwan ang nakalipas ng makatanggap ako ng mensahe mula sa kanya. Kasabay ng pagdating ng mensaheng iyon ay ang pagdagsa ng sandamakmak na deadline sa trabaho. Oras, araw at taon ang lumipas ay hindi ko na siya nareplyan.

Nauso na ang FB at dumami ang friends ko rito kakilala man o Hindi. Hindi ko alam kung bakit pero sinubukan kong hanapin ang pangalan niya sa FB. Inisip kong itext siya pero di ko alam kung ano ang sasabihin ko? Kumusta ba? Ayos ka lang ba? Tinextan ko siya pero hindi siya nagreply tinawagan pero hindi sumasagot. Tinanong ko ang sarili ko kung bakit ko pa siya hinahanap. Kung minahal ko din ba siya o naging excited lamang ako noon. Ano ba ang hindi ko sa kanya minahal? Siya ba o ang estado ng buhay niya o ang pangarap niyang parang sobrang simple sa naging komplikado Kong pag-iisip? Hindi dahil ayaw kong hanapin ang mga sagot sa mga tanong ko kundi ayaw kong aminin sa sarili ko na matagal ko ng natagpuan ang mga sagot na paulit-ulit kong tinatanong.

IKAW AT AKOWhere stories live. Discover now