Masaya ako kapag kausap ko si Marvien at gaya niya, bumibilis din ang tibok ng puso ko. Gaya niya, hindi rin ako agad nakakatulog matapos naming makapag-usap kahit pa limang minuto lang iyon.
Nararamdaman ko ang init ng pisngi at tainga ko kapag sinasabihan niyang gustong-gusto niyang marinig ang boses ko, lalo kapag sinasabi niyang gustong-gusto niya ako. May ilang beses akong nawindang ng banggitin niya ang mga katagang mahal kita dahil hindi ko alam ang isasagot. Kaya kailanman ay hindi ko ito nasagot. Isa pa, sa pagkakaalam ko ay hindi naman ito tanong.
YOU ARE READING
IKAW AT AKO
Short StoryIlang minutong pag-uusap ngunit sa aking pag-iisip para itong pinakamatagal na oras ng buhay ko. Ilang piso para sa ilang minuto. Sadyang ganito ang mundo hindi kayo itinadhana pero kayo'y pinagtatagpo.