Hindi ko pa masyadong naiintindihan ang nararamdaman ko noon. Sabi nga ni ermats, baka excited ka lang dahil ngayon ka lamang naligawan. Minsan hindi ko alam kung kakampi ko sila o kalaban. Hiniling ni Marvien na magkita naman kami bago magsimula ang pasukan. Pinayagan ako at isang oras lamang ang taning nito. Nagtungo kami sa playground, may mga swing pero wala ng mga bata dahil alas syete na ng gabi. Do'n kami nakaupo. Maliwanag non ang bilog na buwan ang siya lamang naming sinusulyapan.
Sa palima-limang minuto at naikwento niya ang naging buhay niya, ang mga gusto niya, ang laman ng puso at isip niya.Sa palima-limang minuto ay nasabi niya kung ano ang mga katangiang hinahanap sa babaeng nais niyang makatuluyan at kung paano nakita niya sa akin ang lahat ng iyon.
"Simple at masayahin, yun lamang ang importante sa akin." wika niya.
Sa palima-limang minuto nabuo ang buhay ko at masasayang alaala ko nung summer ng 1999.
Nagsimula na ang pasukan at madalas at gabi na ako umuuwi. Dumalang ang dati naming pagkikita at ang pag-uusap sa telepono. Tuwing Biyernes at Sabado na lang siya tumatawag. Masyado akong naging abala at madalas humahanap pa ng mas pagkakaabalahan. Hindi nagtagal at tuwing Sabado na lang siya tumatawag hanggang sa kalaunay hindi na siya tumawag pa. Nauso pa ang cellphone at unli text. Nakuha pa niya ang number ko at muling nabuhay sa akin kung Hindi ko man matawag na " pag-ibig". Text ni Marvien ang una Kong nakikita sa umaga at siyang nakakatulugan sa gabi na madalas ay may "ga" sa unahan o dulo. Kinalaunay ang kaniyang matamis na pagsuyo at nagbunga ng aking pagkaumay.
Unti-untu namatay na ang aking tinatawag na "pag-ibig". Sa Maynila naging excited ang buhay ko Hindi sa presensya niya. NAG-ARAL, NAGTAPOS,NAGKATRABAHO. Sa pagkakataong ito'y madali na akong abutin kung tutuusin ngunit ang mga pangarap ko Hindi. Sinarado namin ang talyer para makapagpahinga na si erpats at ermats lalong lumiit ang tiyansang magkita kami ng dati kong pag-ibig. Hindi ko na siya hinanap, Hindi na ako nagparamdam.
YOU ARE READING
IKAW AT AKO
Historia CortaIlang minutong pag-uusap ngunit sa aking pag-iisip para itong pinakamatagal na oras ng buhay ko. Ilang piso para sa ilang minuto. Sadyang ganito ang mundo hindi kayo itinadhana pero kayo'y pinagtatagpo.