Claim

403 16 3
                                    

JACKQUE's POV

Kasalukuyan akong naglalakad ngayon sa hallway. Bumaba kasi ako sa Accounting Department para i fax iyong mga purchase orders ng iba't-ibang malls papunta dun sa mismong warehouse namin.

Saktong napadaan ako sa conference room ng makarinig ako ng sigaw.

"LOOK FOR A REPLACEMENT! YOU SHOULD HAVE SOME BACK UP PLANS ABOUT THIS!", Oh. That was Viceral. I"m sure as hell.

Dala ng kuryosidad ay pumason ako ng conference room nang hindi alintana ang presensya ko.

"Hindi naman po kasi namin inaasahan po ito ei-----", ngunit bago pa matapos ni San Rio na head ng Organizing/Designing Department yung sasabihin niya ay pinutol na ito ni Viceral.

"THE HELL WITH THAT 'HINDI INAASAHAN'! YOU SHOULD BE PROFESSIONAL! EACH ONE OF YOU SHOULD BE PROFESSIONAL!", uh-oh.... Here's the terror Viceral. He can't control his temper. Ganyan siya pag stress or frustrated. Nakita kong napahilot siya sa sentido niya.

"Sir paano po kung dito na lang tayo kumuha ng ipapalit kay Therese, pansamantala?", singit naman ni Rina, na sekretarya ni San Rio.

"What do you mean?", kalmadong tanong niya.

"May mga potential models naman po dito sa company natin. Pwede sigurong humugot muna tayo mula sa kanila", paliwanag ni Rina.

Ako na atribida, intrimida, chismosa, ei sa trip ko dito, wala namang nagbabawal sa akin ei.

"Like who?", maang na tanong ni Viceral.

"Like her", saka ako itinuro ni Rina ng hintuturo niya.


Tinuro...

Tinuro......


WAAAAAHHHHH! TINURO NIYA AKO!

Nakita kong napatingin bigla sa gawi ko si Viceral at bahagya pa siyang nagulat ng makitq niya akong narito, "Ah...Ei....Ih....Oh.....Uh....Este, anong ako?", tanong ko saka pa ako nag gesture na ituro ko ang sarili ko.

"I think that's a bad idea", sagot ni Viceral nang makabawi siya sa pagkabigla.

"Why, Sir?", singit ni San Rio, "She's fit, bagay po sa kanya ang mga imomodel niya para sa photoshoot"


Gravity lungs? Makapag-usap tungkol sakin parang wala ako dito? Tiyaka HELLO? Pwede hingin muna ang opinyon ko.

"I said no", matigas na sagot ni Viceral, "hindi siya bagay magsuot ng two piece swimwear at lingerie. Hindi kagandahan ang katawan niya. Walang kurba", nalaglag naman ang panga ko sa narinig ko mula kay Viceral.

Ako! Ako na halos ituring ng mga pinsan ko na may pinaka Diyosang katawan bukod kay Vance, ay sinabihan ba naman ng ugok na ito na WALANG KURBA?!


"She has the potential, Mr. Viceral, and I want her to be my partner", sabat naman nung isang lalaki sa tabi ni Viceral saka ako kinindatan.

Errrrr? Gwapo naman siya at mukhang hot......and flirt?

Nagulat naman ako ng maglakad ito patungo sakin at bigla akong inakbayan, "I like you, honey", sabi nito ngunit iba ang dating sa akin na gusto niyang ipahiwatig, "Be my partner. By the way I'm Vitto. Vitto Marquez", bulong nito sa punong tenga ko.

Hindi agad ako nakasagot dahil napadako ang tingin ko kay Viceral na ngayon ay nakakuyom ang kamao at nagtatagis ang mga bagang.

"Ah....Ei.... Hindi ako marunong", sagot ko habang nanatili pa din siyang naka akbay sa akin.

My Fake Possessive Husband || VICEJACK (SLOW UPDATE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon