2.
Nagsipagtakbuhan na ang mga estudyante ng Eskwelahan ng Riel High nang tumunog ang batingaw. Kanya-kanyang pasukan sa kanilang mga classroom, may nagkakabanggaan pa at nagkakainisan.
Nanahimik sila ng pumasok sa silid ang masungit nilang maestra. Matalim ang tingin niya sa bawat estudyanteng titig na titig sa kanya. Naihampas niya ang stick sa blackboard nang mapansing wala pa ang pinakapasaway niyang estudyante. Napatingin siya sa orasan at nilapag ang mga libro sa mesa.
Samantala..
"Sandalii..." para niya sa bus habang hingal na hingal buhat ng tinakbo ang papuntang bus stop kahit na ang lapit lang niya dito.
Huminto naman ang bus habang mabilis ang paghabol niya sa hininga.
"Late ka na naman, Ryuna.." sumaludo naman siya sa konduktor na kilalang-kilala na siya. Sumakay na siya ng makitang puno na ito. Napakamot pa siya at tumayo na lang, napansin niya ang isang lalaking hindi pamilyar sa kanya.
Dahil sa pagtakbo at pagtigil ng bus ay pakendeng-kendeng ang katawan niya na talaga namang naaalibadbaran siya. Ninanais niya na sana may bumaba na lang pero mukhang wala kaya talagang magtitiis siya.
Napatingin muli siya sa bagito nang makita niya itong seryosong nakatingin sa kanya. Tumayo ito na labis niyang ikinatuwa, pero kumapit lang rin ito sa hawakan nang biglang tumigil ang bus.
"Salamat..." uupo na sana siya ng harangin siya nito. Nagkunot naman ang kilay niya pero nawala iyon ng makita niya ang matandang babae na papunta sa kanila.
Itinuro ng bagito ang upuan sa matanda at nagpasalamat naman ito. Humalukipkip na lang siya at nanatiling nakatayo kahit na nahihirapan siya.
"Bukas na bukas, hindi na talaga ako malelate.." bulong niya sabay tingin sa bagito.
Ang lungkot ng mga mata nito na talagang pumupukaw sa kanya. Ano kaya ang pangalan ng bagitong ito?
"Ryuna, nandito na tayooo!" sigaw ng Manong konduktor. Agad na huminto ang bus at agad naman siyang bumaba kasunod ang bagong saltang binata.
"Salamat Manong!" saludo niya sa konduktor maging sa Driver. Nauna na ngang maglakad sa kanya ang bagito. Nahihiwagaan pa rin siya dahil hindi man lang ito umimik kanina ng ibigay nito ang upuan sa matanda.
Hindi kaya pipi siya?
Nakita niya itong may hawak na cellphone, nakaGoogle map siguro ito at may kung anong hinahanap. Gusto man niyang tulungan kaso nga lang talagang late na siya sa klase ni Mrs. Lambina.
Nagtatakbo na siya sa Grade 12 building, inakyat niya hanggang fourth floor na puro hingal at pawis sa kilikili. Nasa tapat na siya ng pinto nang may bagay na mabilis na tatama sa ulo niya. Agad niya iyong nailagan at nagtatawa pa kahit na nasa harapan niya pa ang Guro.
BINABASA MO ANG
Vampire's Kisses
ParanormalEvery sins will be punished. Repentance is at the end. You have two options. To be evil or to be good. Because you can never get rid of that curse, Clyde. You're mine. Wattys2020 All rights reserved 2020