Capítulo Uno

6.5K 42 4
                                    

Mandy's POV

"Amanda gising na!!! Ano ka ba tulog mantika ka pa diyan. Unang araw mo ngayon sa bago mong eskwelahan, sa Fremont." pagka aga agang sigaw ng nanay ko.

Ako nga pala si Amanda Carisse Castillo, 18 years old. Ang mga magulang ko naman ay sina Marcelo at Estrellita Castillo, both of them are just plain employees of a small company. Pero siguro nagtataka kayo paano nila na-afford na ilipat ako sa Fremont International School, one of the most prestigious schools in the country, noh? Ako din eh 'yan ang tanong ko sa sarili ko at sa kanila.

"Ayaw ko kasi Ma." Sabay talukbong ko ng kumot at unan. Ang sarap sarap pa ng tulog ko eh. Ang laking istorbo talaga.

 Ang laking istorbo talaga

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Isa..." at sinimulan niya na akong bilangan. Ewan ko ba dito sa nanay ko. Marunong din naman ako magbilang.

"Argh, Ma naman eh. Kundangan naman kasi graduating na ako doon sa dating kong School ay nagawa niyo pa akong ilipat sa Fremont na 'yan. Delayed na nga ako dahil sa pagkakatigil ko noon tapos eto na naman, panibagong abala. Saka alam niyo naman siguro ho kung magkano matrikula doon ano? Hirap na nga tayo sa pang araw araw natin ay nagawa niyo pa talaga akong ipasok doon?" sa tila naasar ko na boses. Kasi naman mas gugustuhin pa ata ng mga ito na magutom kami makapasok lang ako doon.

"Magtigil ka Amanda Carisse. Sinasabi ko sa'yo sasamain ka sa akin kapag hindi ka tumigil at bumangon diyan!" nabanas din ata sa mga pinagkukuda ko. Ayaw niya nun, the feeling is mutual.

"Fine, pero sabihin niyo nga muna sa akin paano niyo na afford na ipasok ako doon aber?" hindi pa din ako sumusuko. Baka sakaling makuha ko ang sagot na hinahanap ko sakaling magmatigas ako.

"Aba't hindi ka pa din talaga titigil ha. Hala Marcelo, kunin mo nga doon ang panghampas ko at hahatawin ko lang once 'tong magaling mong anak."

Sa sinabi niyang un ay bigla akong napatayo sa aking higaan. Paano ba naman hindi lang un basta basta panghampas ano, dos por dos kaya un. "Eto naman hindi na mabiro. Oo na Ma, gagayak na nga po ako oh." saka ako tumakbo ng mabilis patungong banyo. Mamaya niyan ay hatawin nga ako.

"Kikilos ka din pala ang dami mo pang satsat. Oh siya, bilisan mo na diyan at ihahatid ka pa namin ng Papa mo bago kami pumasok sa trabaho.

---------------------------------

Kakatapos lang ako ihatid nila Mama gamit ang kakarag karag naming sasakyan. I am not complaining kasi kahit ganun un eh laking ginhawa para sa amin kasi iwas commute. So ngayon nga ay nandito na ako sa malaking eskwelahan na ito. Nilibot ko ang aking mga mata sa buong paligid at ako ay nalula. Ni sa hinagap ko ay hindi ko naimagine na makakapasok ako sa sosyal na paaralang ito. Kung titignan ko kasi ang mga nag-aaral dito ay para silang mga artista o hindi naman kaya ay pawang mga modelo at kung ikukumpara ko ang sarili ko sa kanila ay magmumukha akong alalay. Bigla tuloy ako nanliit sa aking sarili. Ano kaya ang nahithit ng mga magulang ko at naisipan nila 'to? This is outward madness!

Nasa ganoon akong pag-iisip nang may biglang bumangga sa akin. Kamuntik pa kaming mabuwal pareho.

"Hey, watch it stupid!!!!" sobrang nagulat ako sa nagsalitang un hindi dahil sa maganda itong bruha na nasa harap ko kundi dahil sa tinawag akong stupid nito. Sa lahat ng pupwede mong itawag sa akin, yan ang pinaka ayaw ko. Nag-init tuloy bigla ang ulo ko.

"Hey Miss, I am not stupid. If you were just looking where you were going, eh hindi mo sana ako mababangga ano." paasik kong sagot dito. Pero after noon ay nakita kong napa-singhap ang mga tao sa paligid kasama na ang tatlong mga alipores nito 'tas narinig ko na lang sila na nagsabi.

"Uh-oh, bago lang ata ang Nobody na 'yan dito at hindi nakilala si Olivia." -Alipores 1

Pagkakadinig ko nito ay nasabi ko na lang sa sarili kong, "So Olivia pala ang pangalan ni Matilda. Eh sino ba siya para naman kilalanin ko ano? Oo nga maganda siya (dahil sa make up) at mukang mayaman pero hindi sa isang tulad niya lang ako masisindak."

"Oo nga besh. Hindi ata nito talaga kilala at wala din itong ka ide-ideya na si Olivia ang Queen Bee ng Freemont." -Alipores 2

"Poor Girl. She doesn't know what she got herself into." - Alipores 3

Akala naman ng tatlong ugly ducklings na ito ay matitinag ako sa mga pinagsasabi nila ha. Kasehodang anak pa siya ng Presidente. Hindi ko siya uurungan kaya they better think again!!!

Kakasa na sana dapat ako nang biglang tumunog ang bell hudyat na pasukan na. Swerte lang nila dahil kung hindi ay makakatikim ang mga ito sa akin. Manghihiram sila ng mukha sa aso ng wala sa oras. Pero bago pa man kami naghiwalay ng landas ng Bruha Squad (Yes, yan ang tawag ko sa grupo nila dahil asal bruha ang mga ito. Akala mo naman ang gaganda talaga eh kulang na lang sa kanila walis at malaking kawa) ay talagang nilingon pa ako ng sinasabi nilang Olivia sa nanlilisik na mga mata. 360 degrees mga besh.

"We are not done yet Nobody. Wala pang kumakalaban sa akin." pagbabanta pa nito bago tuluyang umalis.

At ako pa talaga tinakot ng babaeng 'to? And what the hell is with, "Wala pang kumakalaban sa akin" na final message nito? Patawa talaga. Sabagay mukang payaso naman sa kakapalan ng make up. If she only knew na ni minsan ay wala pa akong inuurungan. Lagi kayang suki sila Mama sa Guidance Office sa dating kong School. Kulang na nga lang maging kumare na nila si Miss Castro eh. That's why I'm so pissed right now kasi hindi ako masyadong nakalaban. Hindi nila natikman ang ganti ng api. Char. Bwisit talaga. They ruined my first day na din kaya naman nasabi ko na lang sa sarili ko na "Like I Care. And I'm so up for the challenge B*tches!!!!"

 And I'm so up for the challenge B*tches!!!!"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
I am the kept wife of my enemy. (Completed!!!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon