Capítulo Ocho

1.5K 26 0
                                    

Mandy's POV

Ilang araw din ako umabsent dahil sa pesteng kasalan na 'yan isama mo pa ang paglilipat ng mga gamit ko. May mga naiwan pa ako sa bahay eh kaya binalikan ko. Nag-commute lang nga kasi ako nung nakaraan di ba kaya hindi ko nadala lahat. Nung pangalawang balik ko naman ay ganun ulit ginawa ko dahil ang magaling ko na asawa ay wala man lang pakialam. Nung nakiusap nga ako na samahan niya ako ay agad na namang naasar. Sumosobra na daw ako. Kesyo hindi ko siya driver para utusan ng ganun. Animal talaga. Kaya my absence took longer than expected. Ngayon nga ay nakatakda na naman akong pumasok. Parang ayoko. Makikita ko na naman kasi ang mga bwisit sa buhay ko. Araw araw ko na nga nakakasama ang isang un dito sa kwarto tapos pagpasok sa School ay ganun pa din plus may dumagdag pang impakta at mga kampon niya.

This is exactly what I am talking about. "Amanda, bangon na at papasok pa tayo." Pukaw sa akin ng kumag also known as Alexander. 

"Ayoko. Ikaw na lang." I lazily answered as I'm in no mood to leave the comfort of our bed.

Our bed. I like the sound of that. Grrr, shut it malanding utak. It's too early for that kind of thought.

When I didn't bother to move a muscle he suddenly said, "Ayaw mo talagang bumangon o gusto mo pang buhatin kita papuntang banyo para ako mismo ang magpaligo sa iyo ha?"

Sa tinuran niyang 'to ay bigla akong nagpanic. Umandar na naman ang kahayukan. 

"Huy Manyak, ke aga aga kung ano ano lumalabas diyan sa bibig mo. Nag-toothbrush ka na ba? Masyadong madumi eh." natawa ito ng bahagya sa sinabi ko kaya naman mas lalo akong naasar.

"Anong tinatawa tawa mo diyan ha?"

"You're funny. Isang araw lang pala ang itatagal ng pagiging kalmado mo at kelangan pa kitang takutin for that to happen. Siguro dapat laging ganun gawin ko para naman tahimik ang mundo ko." at true enough, unti unti ngang lumalapit ang animal sa akin. Mukhang may binabalak na kalokohan.

"Subukan mo lang talaga. Kung ayaw mong bangasin ko ulit 'yang mukha mo." sabi ko sabay takbo patungong banyo. Narinig ko pang tumatawa ng malakas ang hudas.

Xander's POV

Ang cute niya talaga asarin. But don't get me wrong. I still hate her. She ruined my life and she will still pay for being a hindrance to my happy ending. Masarap lang talaga asarin ang mga taong pikon.

------------

Mandy's POV

Andito na ako sa may malapit sa School. Kelangan ko pang maglakad kasi nga ang hinayupak pinilit pa akong sumabay sa kotse niya tapos ayaw naman pala niyang makita na magkasama kami kaya binaba niya ako dito saka siya dumiretsong mag-isa. Ang swerte ko talaga sa napangasawa ko. He's one of a kind.

**Note my sarcasm**

Papasok pa lang ako sa gate when I came face to face with the devil herself.

"Oh buhay ka pa pala Nobody?" mataray na bungad nito sa akin.

Naku, don't get started with me talaga bruha ka. "Of course. I live to piss you off. Happy to see me Queen Bee?" sarcastic ko naman na sabi kasi ang aga ako nito binuwisit.

"Agh! How dare you talk back to me. You really disgust me Nobody!"

Nang nakita kong nagpipigil lang ito sa galit bigla akong napangiti pero nawala din agad ng makita ko ang mukha ng magaling kong asawa

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nang nakita kong nagpipigil lang ito sa galit bigla akong napangiti pero nawala din agad ng makita ko ang mukha ng magaling kong asawa. Kasama ito ng bruha at para itong sawa ngayon na kusang lumingkis pa sa kanya. Kaya naman napasabi na lang ako ng.

"Well, that makes the two of us. Isn't that great? We feel the same way."

Asar na asar na ang impakta

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Asar na asar na ang impakta. "Let's go Sweetie? Bago ako tuluyang mabadtrip". Sabi nito kay Alex sa maarteng tinig.

Let's go Sweetie my A*s. Kung alam mo lang na may asawa na 'yang nilalandi mo, ewan ko na lang kung makaasta ka pa ng ganyan. But then again, thinking about it, would she even care if she knew?

-----------------------------------------

Uwian na at sabi ng mokong, after ng practice nila ay hintayin ko daw siya sa exact spot na pinagbabaan niya sa akin kanina. Pero leche naman mag-iisang oras na akong naandito pero walang Alexander na dumating kaya naman napilitan ako na pumasok ulit para hanapin ito. Bago pa ako tuluyang magmukhang tanga at papakin ng lamok sa puwesto na un. Panigurado tapos naman na ang ensayo nila ngayon kaya napagpasyahan ko na sa locker room siya puntahan. Hindi ko alam pero bakit habang papalapit na ako doon ay tila ba ako kinakabahan. "Hayyy bwisit na damdamin 'to. Bakit naman ako kakabahan na makita ang isang un?"

Andito na ako ngayon sa may pinto ng locker room at akmang bubuksan ko na ito nang may marinig akong mga ungol sa loob. Ano ba 'yan. Ang bababoy naman ng mga ito at dito pa talaga naisip gawin ang ganyang mga bagay. Kadiri!

Pero whatever, pagod na ako at gusto ko ng umuwi kaya dapat makita ko na si Alexander ngunit pagpihit ko ng seradura ay muntik nang lumuwa ang mga mata ko sa aking mga nakita. Ang dalawang hayop naghahalikan, gulong gulo ang mga buhok at ang ungas wala pang damit pang itaas. Uminit ang ulo ko bigla kaya naman nasabi ko na lang na, "Gosh, may mga pera naman pero dito pa talaga naisipang maglampungan. Ang checheap!!!"

Sa aking tinuran ay tila binuhusan ng malamig na tubig ang dalawa lalo na ang magaling kong asawa

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Sa aking tinuran ay tila binuhusan ng malamig na tubig ang dalawa lalo na ang magaling kong asawa. Hindi ata inaasahan ng hinayupak na makikita ko ang kababuyan nila. Inis na inis ako. Pasalamat siya at empty batt ung cellphone ko kundi bukas na bukas ay trending silang dalawa. Hindi dahil sa nagseselos ako ha don't get me wrong. Ang pinaghihimutok ko ay ung pinagmukha ako nitong tanga kakahintay sa kanya habang siya ay abala naman pala sa kataksilan nila. Bago pa man ako umalis ay narinig ko pa ang panunuyang wika ng impakta. "I hope you enjoyed the show Nobody!!!! Ahahahaha."

I so wanted to kill that B*tch pero hindi, ayokong dungisan ang mga kamay ko. Kahit isaksak niya pa sa baga niya ang asawa ko, the hell I care. Padabog akong lumabas sa School para masimula nang maglakad pauwi. Ang hayup naman kasi na un minadali ako kaninang umaga hindi ko tuloy nadala ang pitaka ko. Wala akong kapera pera so wala akong choice kung hindi mag-alay lakad pauwi. Argh, I really hate those two with all of my being.

Naiiyak na ako sa galit. Pagod na pagod na ako kasi ang layo naman talaga ng School sa bahay namin. Masakit na ang mga paa ko hindi ko na ata kaya pang magpatuloy kaya naman napaupo na lang ako sa may gilid ng kalsada. Hilam na ng luha ang aking mga mata nang may bigla na lang tumigil na sasakyan. 'Wag naman sana ito ung sasakyan ng Alexander na un dahil sa galit ko ngayon ay baka mapatay ko siya ng wala sa oras. Silang dalawa ng kabit niya actually.

I am the kept wife of my enemy. (Completed!!!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon