Capítulo Cuarenta Y Ocho

1.2K 15 2
                                    

Mandy's POV

Nagising ako na sobrang pagod at sobrang ngalay ng buong katawan. I lost count on how many times he took me last night. He was really insatiable and I felt that he was really that eager to fulfill his promise. To be honest, masaya ako kasi binigay ko naman ang sarili ko sa taong mahal ko pero thinking na may na-argabyado akong tao in the process, un ang hindi ko masikmura. I have no regrets but my conscience is eating me alive. Alam kong ang selfish ko pero si Angelo lang ang pwede kong makausap regarding how I feel. Tinignan ko ang katabi ko at mukhang mahimbing pa din ang tulog nito kaya naman I grabbed this opportunity to make the call.

"Hi Angelo, good morning." Bungad ko.

"Mands, may nangyari ba? Ang aga mo ata napatawag?" Sagot nito na mukang antok pa saka ko na-realize na mag-aala siyeta pa lang pala ng umaga.

"Naku, sorry ha. I did not even look at the time. Na-abala ko ba ang pagtulog mo?" apologetic ko na sagot dito.

"Kelan ka ba naging abala sa akin Mandy?"

"Huwag ka ngang bolero diyan. Ke aga aga eh."

"So? I have this feeling na importante yan kasi napatawag ka ng ganito ka aga. Is it about Rivera?"

"Yes." maikling tugon ko.

"I am guessing, you realized that you still love him, yeah?" may himig na lungkot sa boses nito.

"Alam ko, masasaktan ka sa sagot ko pero oo eh. I still do. Anong gagawin ko?"

"Tell him how you feel then." pang-uudyok nito sa akin.

"Hindi ko ata kaya. Hindi ko alam paano sabihin sa kanya."

"Okay. I think mas makakabuti if mag-usap tayo ng personal. Pwede ka ba ngayon?"

"Oo, wala naman pasok si Philip eh."

"Great, kita tayo sa usual mga 9am."

"Sige, see you."

Pagkatapos kong maibaba ang tawag ay siya namang paggalaw nitong katabi ko. S*it sana hindi niya narinig ang pag-uusap namin ni Angelo kundi patay ako.

"Hmmmmm....Good Morning Wifey."

"G-ood morning din." nauutal ko pa na sagot. Medyo naiilang kasi ako matapos ng mga nangyari sa amin kagabi at isama mo na ang kaba na baka may narinig siya.

"I see that you are shy and blushing. Don't be, my love. Sabi ko naman sa'yo hindi ba, I don't make promises I can't keep?" may panunuksong saad nito na mas lalo ko atang ikinapula. Thank goodness at mukhang wala naman kasi maganda ang mood niya.

"Ikaw talaga, ke aga aga kung ano ano na naman ang pinagsasabi mo diyan."

Pero imbes na sagutin niya ako. "Wifey?"

"Yes?"

"Can we do it again, please?" may pagsusumamo pa sa mukha na sabi nito.

"Tse, magtigil ka. I still feel sore all over."

"Kasi naman, we still miss you eh." kahit hindi pa niya idetalye alam ko kung ano ang ibig niyang sabihin. Hindi maari, ang sakit pa talaga ng buong katawan ko at kung sakaling hindi naman na masakit, tama na ung ilang beses na nangyari. Ang dami ko nang kasalanan. Lunod na lunod na ako sa dagat ng apoy baka hindi na ako makaahon pa.

"Tigilan mo ako sa kamanyakan mo Alex. Hala bumangon ka na diyan tapos paki gising kay Philip para makapag-agahan na tayo. Mag-babanyo lang ako."

I am the kept wife of my enemy. (Completed!!!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon