The Hidden Agenda: Part 5

44 0 0
                                    

The Hidden Agenda: Part 5

Kinabukasan, nagmadali ako! Syempre kaya! 

SUSUNDUIN AKO NI JUSTIN MY LAB'S!!!

Todo pabango ako, syempre naman no. Kailangan amoy fresh. 

Maid: "Maam nasa labas na po yung boyfriend nyo!"

Bettina: "Correction manang! He's not my boyfriend, manliligaw pa lang! And take note, papahirapan ko sya ng todo!!"

Lumabas na ako baka iwan ako ng sundo ko.

Bettina: "Good Morning!!"

Justin: "Hi! Nagbreakfast ka na ba? Di pa ako nagbrebreakfast e. Samahan mo naman ako"

Bettina: "SURE! Gutom nga ako e. As in!"

Ano ba naman yan. Busog pa ako e, pano kaya yun. hayssst.

Sa Jollibee kami pumunta, request ko yun e!

Justin: "Sure ka dito tayo kakain? Parang bata naman tayo nito"

Bettina: "Hello! Ang sarap kaya ng pagkain nila dito no, mura pa!"

Justin: "Ang babaw naman ng kaligayahan mo"

Bettina: "Di naman kasi ako maarte sa mga bagay, basta may makain, pwede na. Ang dami kayang  nagugutom na bata sa Africa no, tapos magiinarte pa ko. Duh! Especially ilalabas din naman natin yung kinain natin no."

Justin: "Bahala ka."

JUSTIN'S POV

Bettina: "Di naman kasi ako maarte sa mga bagay, basta may makain, pwede na. Ang dami kayang  nagugutom na bata sa Africa no, tapos magiinarte pa ko. Duh! Especially ilalabas din naman natin yung kinain natin no."

Pati ba naman ang bansang Africa nadamay. Ba yan. 

Justin: "Bahala ka."

Umorder kami ng Burger, Take note. Burger Champ yung inorder nya! Katakawan ng batang ito. E mukhang masarap naman kaya yun na lang din inorder ko. Then umorder din kami ng hot choco.

Bettina: "Masarap di ba? Sabi ko naman sayo e."

Justin: "Kumain ka na lang ng kumain jan, baka malate pa tayo sa 2nd subject"

Bettina: "ah, oo nga--- what? nagskip ako ng isang subject!!! Waaaaaha!!! I'm gonna die! Lagot! What if bumagsak ako! Pano ako magiging validictorian nyan! huhuhuh"

Justin: "OA mo talaga kahit kelan. Isang araw lang yan no. Kalma ka. Kumain ka na lang ng kumain."

Then there kumalma na sya, nagvibrate ang phone ko kaya pumunta muna ako ng CR. Tumatawag pala si Mia

Justin: "Bakit?"

Mia: "Pengeng Champ"

J: "Champ ka jan"

M: "OLOL. Nadaanan kita di mo ako napansin, masyado kang busy sa kadate mo, si nerd yan di ba?"

J: "Whatever, napadaan lang ako dito, and nakita nya ako. Inaya nya ako na sa table na lang nya kumain kaya sinamahan ko na."

M: "wag nga ako Justin, never ka pang kumain sa jollibee sa tanang buhay mo, may katabing chimese resto jan bakit sa jollobee pa. mga dahilan mo. nako!"

J: "OK. I will explain later, nacheck mo na ba ang locker ko? May letter na ba si Mystery girl?"

M: "wala pa, pero ichecheck ko mamaya, di ba kayo papasok?

J: "Papasok, paalis na nga sana kami kung di ka lang tumawag"

M: "Edi umamin ka na, magkasama talaga kayo. Bro, di mo ako maloloko. Bye! Loveyou!"

The Hidden AgendaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon