Moment of Truth Chapter 22

22 1 0
                                    

At mula sa tila walang katapusang paghihintay sumapit na rin ang araw ng reunion nilang magkakaibigan. Ang araw na magsisilbing reunion din ng mga pusong nangungulila sa isa't isa nina Rod at Cherra. Napakaganda ni Cherra ng mga oras na iyon, nasa sasakyan na sila ni Jonathan papunta sa resort na iyon. Kung saan sila dating nag-outing ng mga kaibigan nya mahigit isang taon at ilang buwan na rin ang nakalipas. Pero habang papalapit ang sinasakyan nila ni Jonathan sa resort na iyon tila unti-unti namang bumubuka ang sugat sa puso nyang doon sa lugar na iyon unang naging sugat at dumugo.

"Ate, remember what I told you OK? Try to control your emotions, dahil alam kong this time susubukan ni Mendy na pagselosin ka. Kaya dapat this time din ay maging matatag ka, wag ka magpapakita ng kahinaan sa harap nila. Lalo na sa harap ni Mendy.." pagpapaalala ni Jonathan kay Cherra. Bahagya nya pang sinulyapan ang ate nya. At muling itinuon ang atensyon sa pagmamaneho.

Bahagya naman syang napangiti sa sinabi ni Jonathan sa kanya. Pero kinakabahan sya. Magkahalong excitement sa muling pagkikita nila ni Rod, at takot na baka di nya makayanan na pigilan ang emotions nya sa harap ng mga ito.

Huminga sya ng malalim nang pumasok na ang sinasakyan nila sa resort na iyon. Natanaw na nila ni Jonathan sina Marion at Celest at ang pinsan nitong si Hannah na naroong naghihintay sa kanila sa may parking lot.

"Here we go ate.. basta remember what I told you act normal OK?" muli pang paalala ni Jonathan sa kanya bago ito bumaba ng sasakyan at umikot papunta sa kabilang side para pagbuksan sya.

"Come on Cherra you can do this.." sabi nya sa sarili nya at huminga ng malalim bago bumaba.

"Hi Cherra!.. Hi Jonathan!" agad na bati sa kanila nina Celest at Marion at pati ni Hannah.

"Hello!" bati naman nila ni Jonathan sa mga ito at niyakap nya isa-isa ang mga ito.

"Oh sis, nangayayat ka yata?" puna agad ni Celest sa kanya. Na nginitian lang nya.

"Oo nga cous, mas pumayat ka yata kesa noong last tayong nagkita.." sang-ayon naman ni Marion sa sinabi ni Celest sa kanya.

"So mga sister ano bang hinihintay nating detey? Bakit di pa tayo pumasok doon sa loob ng lobby ng resort?" biglang sabat ni Jonathan para isalba sya sa mga pagtatanong nina Marion at Celest.

"Oo nga naman ano? Tara na nga sa loob, doon nalang natin hintayin sina Rod at Gustav." sabat naman ni Celest.

Nasa loob na sila ng lobby ng resort nang muling magtanong sa kanya si Celest tungkol kay Gustav.

"Sis, bakit hindi kayo magkasabay ni Gustav?" nagtatakang tanong ni Celest sa kanya.

"Nauna nalang kasi kami, kasi manggagaling pa sya sa kabilang bayan eh." sagot ni Cherra. At totoo naman ang sinabi nyang iyon, sinabihan nya nalang kasi si Gustav na mauuna nalang sila ni Jonathan at pumayag naman ito.

"Ahh.. Masyado yata syang nagiging busy sa pagaasikaso sa pinapatayong building nila doon ah. Buti naman hindi ka nagtatampo sa kanya dahil nawawalan na sya ng oras sayo?"  tanong naman ni Celest kay Cherra.

Samantalang kibit balikat lang ang sinagot ni Cherra sa tanong na iyon ni Celest sa kanya, tapos ngumiti dito. At di naman nakaligtas sa mga mata nya ang pagkunot ng noo nito pero wala namang sinabi.

"So ano bang plano?" biglang tanong ni Cherra sa mga kasama.

"Hmmm.. Marion and I are planning to spend overnight here tulad ng dati. OK lang ba sa inyo Cherra?" tanong ni Celest sa kanya.

"O-overnight? Y-yeah sure, mukhang masaya nga iyon." sagot ni Cherra na bahagya munang natigilan bago makasagot sa tanong na iyon ni Celest.

"Yan, kasi sinabihan ko na si Rod at Gustav na magoovernight uli tayo dito. Pumayag naman sila."  nakangiting sabi ni Celest.

When I Fell In Love With My BestFriend (Moment of Truth)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon