Moment of Truth Chapter 23

23 1 0
                                    

Kung ang mga nasa paligid na opposite sex na nakamasid kay Cherra ay puno ng paghanga si Mendy naman ay nababalot ng takot at insekyuridad sa sarili. Kung bakit ay dahil sa hindi alam ni Cherra ang ginagawang pangaakit hindi lang kay Rod kundi pati sa mga kalalakihang nakakakita rito sa resort na iyon.

"Ano ba ang gusto nyang palabasin?" yamot na sabi ni Mendy sa sarili. Alam nya may binabalak ito pero hindi pa rin nagiging malinaw sa kanya kung ano nga iyon.

Napangiti naman si Cherra sa sarili nang makita nya kung pano nawawala sa ayos ang mga kalalakihang nadadaan nya, at kung paano napupuno ng inggit ang mga mata ng mga kasama nitong mga babae na nakatingin din sa kanya. At bakit naman hindi? Sa bawat paghakbang nya sumasabay ang indayog ng kanyang perpektong balakang at bawat paghakbang nya nakikita ang magagandang hugis ng kanya mga hita. Mahahaba at bilogan ang mga ito. Ang kanyang balat na sa kaputian ay tila hindi tinatablan ng harmful UV rays na nagmumula sa araw, bahagya lang itong namumula na mas lalong nagpatingkad ng kanyang alindog.

"My god Cherra para kang delubyo! Nawawala mo sa ayos lahat ng guys na nadadaanan mo!" salubong ni Celest sa kanya nang bumalik na sya sa cottage nila.

"Nakakainis kang kasabay kapag ganyan ang ayos mo cous, magmumukha lang akong alalay mo eh!" sabi naman ni Marion sa kanya na kuwari kukurotin sya.

"Aray!" mahinang sabi ni Cherra. At napatingin kay Rod, bahagya lang nakabuka ang bibig nito na para bang may gustong sabihin pero di lang matuloy.

Napangiti sya ulit ng maalala ang mga papuri ng mga kaibigan nya sa kanya. At napatingin sya uli sa kinauupuan nina Mendy at Rod. Si Mendy ay hindi pa rin makuhang magreact at si Rod ay nakatitig lang sa kanya.

"S-so, sweetie wanna go for a swim?" maya-maya naitanong ni Mendy sa binata nang bahagya na itong nakabawi.

"H-ha? Oh sige.." nasabi lang ni Rod na nanatili pa rin ang mga mata sa kanya.

Maya-maya ay tumayo na ang mga ito para magtungo sa dagat. Napapangiti lang na sinundan ni Cherra ng tingin ang dalawa.

"Sis, what are doing?" pabulong na tanong sa kanya ni Celest nang lumapit ito sa kanya matapos na makaalis nina Mendy at Rod.

"Nothing, nageenjoy lang ako.." agad nyang sagot dito. Na napatingin sa kaibigan.

"Yeah I can see that.. Pero at the same time nageenjoy ka din sa pangtotorture sa mga boys na nadadaanan mo. At hindi nalang ako magugulat kung bigla ka nalang salakayin ng mga naiinggit nitong mga kasamang babae. Dahil nasa sa iyo na ang mga atensyon ng mga boylets nila." babala ni Celest sa kanya na bahagya pang nangunot ang noo.

Natawa sya sa sinabing iyon ni Celest. Dahil sa sinabi nitong iyon parang nakaramdam sya ng pagkapanalo.

"At nakita mo ba ang itsura ni Mendy at Rod sis?" tanong ulit ni Celest sa kanya. "Para silang nashocked nang makita ka sa ganyang ayos. Well kahit ako naman, dahil hindi naman talaga namin iniexpect yang naughty side mo." nakangiting dugtong nito.

"Naughty side.." ulit ni Cherra. Siguro tama ang kaibigan nya, dahil napupuno na sya sa pagiging nice girl/shy type nya. At maganda sa pakiramdam ang ginawa nyang iyon, na para bang nakawala sya sa matagal na pagkakabilanggo.

"I know you're up to something Cherra, at alam kong si Rod ang main target mo. Kaya lang may mga kawawang mga guys ang nadadamay dyan sa ginagawa mo. Hahahaha." sabi kanya ni Celest makalipas ang ilang sandali at sinundan pa iyon ng tawa.

"Hahahaha.." natawa nalang din si Cherra sa sinabi ng kaibigan.

At maging si Gustav nang dumating ay nahulog din sa kanyang kariktan. Dahil bigla itong napatigil nang mapaharap sya direskyon nito at nabitawan nito ang mga dalang supot ng pagkain.

When I Fell In Love With My BestFriend (Moment of Truth)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon