Moment of Truth Chapter 1

240 1 0
                                    

Napabuntunghininga si Rod nang simula ng umandar ang eroplanong kasalukuyang sinasakyan. Hindi naman sa takot syang sumakay dito. Bata palang sya nang una syang nakasakay ng eroplano, kapag sinasama sya ng papa at mama nya na dalawin ang mga lolo at lola nya noon nabubuhay pa ang mga ito. Kaya masasabing sanay na syang sumasakay dito. Mga magulang ng mama nya nalang ang nakagisnang nyang mga grandparents na buhay pa. Di pa daw kasi sya pinapanganak ay pumanaw na ang mga magulang ng papa nya. Magsabay daw itong namatay sa isang aksidente ayon sa papa nya.

"Sir, will you please fasten your setbelt? magtatake off na po tayo maya-maya." nakangiti at magalang na sabi ng stewardess sa kanya.

"Ah yes, sorry.." naiiling na sagot ni Rod at sabay na napangiti sa stewardess. "Hmmm..maganda sya ha." nakangiting sabi nya sa utak habang sinusundan ng tingin ang stewardess na tila modelo kung umindayog ang balakang. " Tsk, tsk, tsk.. sexy." natatawang sinupil naman nya ang sarili  sa isiping iyon.

Napahugot sya ng malalim na paghinga nang simula nang umangat ang eroplano at unti-unti na itong bumulusok paitaas sa himpapawid. At unti-unti namang bumabangon ang kaba sa kanyang dibdib. Dahil sa excitement, na sa mahigit isang taon nyang hindi paguwi sa kanila. Hindi na nga sya umattend ng graduation nila noon dahil sa kagustuhan nya nang pumunta ng manila. Para doon magaral.

"Ano? Hindi kana aattend ng graduation nyo?" nagtatakang tanong ng mama nya, kumakain sila noon ng hapunan ng pagpasyahan nyang sabihin sa mga ito ang plano nyang umalis na agad ng bayan nila para pumunta ng manila para doon mag-aral ng college.

"Parang napakaaga mo naman yata para magpaenroll anak? At kailangan mo pang hindi umattend ng graduation ninyo? Ni hindi pa nga tapos ang finals ninyo di ba?" tila naguguluhang tanong ng mama nya. Ang papa nya ay tahimik lang na nakikinig sa usapan nilang mag-ina.

"Ma nagpaalam na ako sa mga teachers namin at principal na mauuna nalang akong kumuha ng final exams, dahil kakailanganin ko nang pumunta ng manila para sa entrance exams. Pumayag naman sila, nang ipaliwanag ko sa kanila. Pati na rin ang hindi ko na pagattend ng graduation." paliwanag ni Rod sa ina at bago napalingon sa ama na noon ay nakamasid lang sa kanila ng mama nya.

 "My point is bakit hindi ka aattend ng graduation mo? Minsan ka lang gumraduate ng high school Rod. At kakaligtaan mo pa?" sagot naman ng mama nya na nakakunot ang noo.

Tila humihingi ng saklolo namang napatingin si Rod sa papa nya. Na noon kuwaring busy-busyhan sa pagkain.

"Come on Lira, pagbigyan mo nalang ang anak mo. Di ba sabi nya pumayag na naman ang mga teachers at ang principal nila? Eh di ibig sabihin pwede na syang hindi umattend ng graduation. Besides ano naman ang meron sa high school graduation? Eh gagraduate din naman sya sa college. Hehehehe." paliwanag nito sa asawa sabay tawa.

Natawa naman si Rod sa sinabing yon ng kanyang ama, kahit senseless ay atleast tinulungan pa sya sa mama nya.

"At ikaw pa ang nagaabugado ngayon para sa anak mo Roland ha? Alam mo na ba ang tungkol dito?" nakasimangot na litanya ng mama nya.

Napakibit balikat lang papa nya sa sinabi ng mama nya habang tumatawa, sabay tumingin sa kanya at kumindat. Pero di naman iyon nakaligtas sa paningin ng mama nya.

"See?! Alam mo na nga tapos wala ka man lang binabanggit sa akin? Pinagkaisahan nyo talaga ako ng anak mo.." sabi ng mama nya na tila nagtatampo.

"Oh come Lira, nagpromise kasi ako kay Rod na di ko sasabihin sayo. Dahil gusto nya sya mismo ang magsabi sayo. Wag ka nang magtampo sweetheart." sabi ng papa na tila nagpapacute pa sa mama nya. 

Napailing naman si Rod sa nakita sa mga magulang habang napapangiti. Para itong mga teenagers, na nagkaroon ng lover's quarrel.

"Don't worry sweetheart next anniversary natin sa europe na  naman tayo pupunta."sabi ng papa nya sa mama nya na tila nagpapaamo ng bata.

When I Fell In Love With My BestFriend (Moment of Truth)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon