Entry #8"Jas, I have something to tell you." seryoso niyang wika habang mahigpit na nakahawak sa mga kamay ko.
"Ano yun, Gray?" kinakabahan kong tanong.
"You're my bestfriend, right? So, please do me a favor." he bit his lower lip and looked at me with pleading eyes.
Well, how can I turn down his favor?
"S-sure Gray. Ano ba kasi yun?"
He heaved a deep sighed as if he's gaining a lot of courage.
"Please help me to court Yanna."
My jaw literally almost dropped. I can even felt my heart aching because of pain. Masakit malamang may iba na pa lang napupusuan ang taong gusto ko at mas masakit malamang hindi ako yun.
"Close kayo 'diba? Tulungan mo naman akong ilakad sa kanya." nagniningning ang mga matang sabi niya sa'kin.
Bakit kailangang ako pa?
"O-oo naman Gray. Bestfriend kita eh." sagot ko na pilit tinatago yung sakit.
"Yes! Thank you! Thank you Jas." sigaw niya at niyakap ako ng mahigpit.
Ramdam ko kung gaano siya kasaya. Saka lang din dumaos dos ang mga luhang pilit kong nilalabanan. Buti na lang at nakayakap siya sa'kin kaya hindi niya malalamang umiiyak na pala ako.
"The best ka talaga! I love you Jas." bulong niya sa pagitan ng aming yakap.
If this is what makes him happy then I'm more than willing to be the bridge for my bestfriend's love life.
----
"What do you think of my look Jas? Bagay ba?" concious na tanong ni Gray sa'kin.
Pinasadahan ko naman siya ng tingin. He's wearing a tuxedo while holding a bouquet of roses. I must say ang gwapo niya sa suot niya ngayon. Medyo napapatingin pa sa gawi namin yung mga estudyante at yung iba ay napatutulala pa sa kanya. Well, I couldn't blame him. He got the looks and all. Kung hindi ko lang siya bestfriend ay iisipin ko pa ang nag-uumapaw niyang confidence.
"Gwapo mo nga eh." komento ko sa kanya.
Lumapad naman yung ngiti niya dahil sa sinabi ko.
Ngayon ko lang siya nakitang ganito ka effort. Hindi maipagkakailang gusto niya talaga si Yanna.
"Jas, kinakabahan talaga ako eh." sambit ni Gray habang naglalakad kaming dalawa ngayon sa hallway papunta sa classroom ni Yanna.
Kaklase ko nga pala si Yanna. Kaya gustong magpasama sa'kin ni Gray papunta sa room namin para ibigay yung flowers. Just like what I've promised to him ay tutulungan ko siyang ligawan si Yanna.
"Huwag ka ngang kabahan. I'm pretty sure na magugustuhan yan ni Yanna." I said to ease his nervousness.
Ngayon nga pala ang araw kung saan aamin si Gray sa nararamdaman niya for Yanna. I couldn't deny the fact that I envy Yanna so much because Gray is into her. But I don't want to sound selfish that's why I'm doing this for him even though it's hard for me.
"Wait, tawagin ko lang siya ha." paalam ko kay Gray at pumasok na sa loob ng room.
I look for Yanna and called her as soon as I found her chitchatting with our classmates. Recess time kasi namin ngayon.
"Yanna... labas ka muna sandali. Bilis!" tawag ko rito.
She looked at me confusingly and went near me.
"Bakit Jasmine?" tanong niya sa'kin pagkalapit.
Mabait naman si Yanna eh. Hindi mahirap pakisamahan maybe that's why we also became friends. She's pretty at maraming lalaki ang hinahangaan siya at isa na rin dun si Gray.
I didn't answered her instead ay hinila ko siya papunta kay Gray na abot langit ang ngiti. Medyo nagulat rin si Yanna na makita si Gray sa ayos nito. I tapped his back to reassured him that everything will going to be okay. Agad na rin akong nagpaalam sa dalawa at nagmadaling umalis sa lugar na yun. I just don't want to witnessed the two of them confessing their admiration with each other. Masyado ng masakit yun para sa'kin.
----
"Jas..." nagising ako mula sa tawag ni Gray.
Umuwi na kasi ako kanina at hindi na pumasok pa sa sumunod na klase. Ginawa ko na lang excuse ay hindi maganda ang pakiramdam ko which was half true.
"Hello Gray?"
I heard him sob from the other line. I wanted him to ask the reason why he is crying right now. Hindi naman kasi siya yung tipong iyakin.
Masama ang kutob ko at hinala na ako sa nangyari kaso ay wala akong lakas ng loob na pangunahan siya.
"She dumped me." napamaang na lang ako sa narinig.
"Asan ka ngayon Gray?" nag-aalala kong tanong rito.
"I'm at the park." tipid niyang sagot.
"Hintayin mo ko diyan. Papunta na ako..." wika ko at dali-daling nagbihis.
Buti na lang at tulog na ang mga tao sa bahay. Kaya walang magtataka kung saan man ako pupunta ngayon. Malapit lang naman yung park dito samin kaya agad rin akong nakarating. Hinanap ko siya at nakita ko ang bestfriend ko na nakaupo sa swing habang nakayuko.
"Gray..." tawag ko sa kanya.
He didn't dared to look at me. Naupo na lang ako sa katabi niyang swing.
"Am I not enough Jas?" bigla niyang tanong sa kawalan.
Namumungay ang mga matang nag-angat siya ng tingin sa akin.
"No Gray. Huwag kang mag-isip ng ganyan." saad ko sa kanya.
"Kung ganun... bakit hindi ako magawang magustuhan ni Yanna? I confessed to her about how I feel... about how I really like her. I even asked her if I could court her but she just dumped me right away just because I am not her type. Sinabi niya pa mismo sa'kin na may iba siyang nagugustuhan. Alam mo ba kung gaano kasakit yun Jas?"
Oo, alam ko kung gaano kasakit yun Gray. Gusto kong sabihin sa kanya yan kaso ay may pumipigil sa'kin na gawin yun.
"Sabagay... hindi mo pa nararanasang magmahal kaya hindi mo alam kung gaano kasakit ang nararamdaman ko."
I felt a lump on my throat. How can he easily judge me without even knowing anything? Kung sabagay, wala naman siyang alam sa nararamdaman ko eh. Pero hindi ko naman siya masisisi kasi hindi ko naman pinaalam sa kanya.
"Ang sakit Jas. Ang sakit... sakit..." wika niya habang nag-uunahang tumulo ang mga luha niya.
I could feel his pain and sadness.
It's hurt to see my bestfriend hurting. Parang pinipiga yung puso ko sa sakit.
"Anong gagawin ko Jas? I really like Yanna."
Pwede bang ... huwag na siya Gray?
Pwede bang ... ako na lang?
Pwede bang ... huwag ka ng tumingin pa sa iba?
Pwede bang ... sa harap ka naman tumingin at ng makita mo rin ako?
Pwede bang ... mahalin mo rin ako? Pero hindi bilang isang kaibigan.
Kaso alam kong malabo ang bagay na hinihiling ko. Kasi alam kong iba na ang nagmamay-ari ng puso mo.Sa mga oras na 'to ay gustong gusto ko ng umamin pero natatakot akong sa oras na umamin ako ay baka layuan mo lang ako. Ayoko lang itaya ang pagkakaibigan nating dalawa para sa walang kwenta kong feelings.
"Don't worry Gray. Nandito lang naman ako eh. Kahit anong mangyari ay hinding hindi kita iiwan." wika ko at niyakap siya ng mahigpit.
A tear fall from my eyes. Then, I realized something...You're my prince charming but I'm not your princess.
You're my ideal man but I'm not your ideal girl.
You're the man of my dreams but I will never be the woman of your dreams.
It's because you only see me as your childhood friend slash bestfriend and it hurts like hell! Ayoko ng umasa pa. Pagod na ako. Maybe not now but one day, I'll get over you. I'll get over this fr**k*ng feelings.---
A/N: This story is dedicated to those people who has feelings for their bestfriend but choose to stay as bestfriend. May your heart heal. I know, time will come. Thanks for reading people. Don't forget to follow me on wattpad @Maiden_Blaze Godbless! 😊😘
BINABASA MO ANG
Flash Fiction (One-Shots Compilation)
Teen FictionCollection of my One-Shot Stories