SINGIL

3 0 0
                                    


Entry #12
SINGIL

"Sir, may I excuse myself?" tanong ko kay sir sa kalagitnaan ng exam namin.

Nakataas pa yung kanang kamay ko para talagang mapansin niya ako.

"Are you done answering your test paper Miss Cleo?" kunot noong tanong ni sir.

Napapatingin pa sa direksyon ko yung iba naming kaklase. Yung iba naman ay abala pa rin sa pagsagot.

"Not yet sir. Pero mabilis lang po ako at babalik naman po ako promise."

Hindi ko na kasi talaga kayang tiisin. Namimilipit na rin ako dahil sa sakit ng tiyan ko. Pakiramdam ko ay parang natatae ako o ewan.

"Didn't I told you before na bawal na kayong lumabas once na magstart na yung exam?" medyo galit na si sir niyan.

Paano kung hindi ko pa feel magCR kanina? Eh ngayon lang siya umeksena. Malas ko talaga at sa klase pa ako ni sir Monsanto.

'Lord help!'

"Sir... Kasi..."

*Prrtttt!!!*

Hindi ko na natuloy pa ang sasabihin ko ng tuluyan na talagang lumabas yung masamang hangin.

"Yuck! Ano yun?"

"Eww... Ang baho!"

"That's just so disgusting!"

"Nakakasuka naman.."

Wala na finish na.
Sana kainin na lang ako ng lupa.
"I'm sorry, I can't help myself anymore. Masyadong mababa lang talaga kasi yung bowel movement ko." biglang wika ni Lyndon.

"Ha?" kunot noong napatingin ako sa kanya.

Seryoso lang siyang nakatingin kay sir habang nakapamulsa.

Nagtawanan yung iba kong mga kaklase sa sinabi niya. Yung iba naman ay parang nandiri.

"Sayang... ang gwapo pa naman ni Lyndon."
"Oo nga, hindi halata sa hitsura niya."

Teka... don't tell me ay umutot din ba siya tulad ko?

"I'm done answering sir. So can I already excuse myself?" tanong niya kay sir.

Wala sa sariling napatango lang ito. Agad din namang umalis si Lyndon sa classroom.

Natulala na lang ako sa nangyari. Narealized kong niligtas niya ako sa matinding kahihiyan. Pero bakit naman niya gagawin yun? Hindi naman kami close at saka isa pa ay isa siyang dakilang snob yung tipong walang pakialam sa paligid niya.

Hindi naman kaya...

"You're the reason why my reputation is ruined. So starting today, you'll gonna be my Slave Cleo."
"Whuut?!"
"Gagawin mo lahat ng gusto ko, or else... ipapakalat ko sa buong campus kung gaano kabaho ang utot mo."

Umiling ako. Bigla tuloy akong kinilabutan dun sa naiisip ko.

Natapos yung exam namin na hindi pa rin matanggal tanggal sa isip ko yung nangyari kanina. Kakahiya ka talaga Cleo!

"Hoy! Cleopatra. Pansin kong kanina ka pa parang lutang diyan ha." puna sa'kin ni Cindy.

"Ha? Wala..."

"Don't tell me, isa ka rin sa mga fans ni Lyndon na nadissappoint sa nangyari kanina?"

"Ha? A-ano bang sinasabi mo diyan?" maang kong tanong sa kanya.

"Ganito kasi yun... Hindi ba't siya yung umutot kanina sa room? Maraming fangirls niya ang nandiri sa nangyari at mukha ngang matitibag na yung fansclub niya."

Namutla ako sa sinabi niya kaya hinila ko si Cindy sa gilid. Nagpalinga-linga pa ako sa paligid at ng makasigurong walang makakarinig samin ay nagsalita na ako.
"Cindy, huwag kang maingay ha."
"Na ano?"
"Kasi ano... ako naman talaga yung umutot kanina sa klase eh at hindi si Lyndon."
"Ano?!" bigla siyang napasigaw kaya tinakpan ko nga yung bibig niya.
"Sabi ng huwag kang maingay eh."
"Sorry naman... Pero bakit naman niya ginawa yun?" kunot noo niyang tanong.
"Yun nga eh. Hindi ko rin alam. Akala ko nga nung una ay pareho kaming umutot at saka malay ko ba---" hindi ko na natapos yung sasabihin ko ng bigla akong hilahin ng kung sino.
"Teka! Saan mo dadalhin ang kaibigan ko?" sigaw ni Cindy at tuluyan na nga akong nakalayo sa kanya.
Nagulat na lang ako ng malaman kung sino yung humila sa'kin. Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ni Lyndon ngayon. Hanggang sa nakarating nga kami sa likuran ng building. Wala masyadong nalalaging estudyante rito.
Hindi kaya isasalvage niya ako?
"Teka, bitawan mo nga ako Lyndon." inis kong sabi sa kanya at binitawan naman niya ako.
"Bakit mo ba ako dinala dito ha?" kabado kong tanong.
He smirked, "Kailangan kitang singilin."
"Meron ba akong utang sa'yo?" inosente kong tanong.
"Don't tell me, nakalimutan mo na yung nangyari?" taas kilay niyang sabi.
Napalunok na lang ako.
"Yung nangyari ba kanina? Sino ba naman kasing may sabi sa'yong akuin mo yung kahihiyang yun?"
Ang lakas na nang pintig ng puso ko.
"Yan tuloy mawawalan ka pa ng fansclub mo."
"I don't care about that freaking fanclubs Cleo." frustrated niyang sabi.
"Pero bakit mo nga ako dinala dito?"
"Kasi nga sisingilin na kita."
"Magkano ba ang kailan mo Lyndon?" wika ko sabay dampot sa wallet na nasa bulsa ko.
"Not that..." bigla siyang napaiwas ng tingin at napansin ko ang pamumula ng pisngi at tenga niya.
"Kung wala naman pala ay siguro naman pwede na akong---"
Nanlaki ang mga mata ko nang bigla niya akong hinalikan at isinandal sa pader.
"Simpleng thank you lang hindi mo pa masabi. Siguro naman ay patas na tayo." at iniwan akong nakatulala.

Okay! What the hell just happened?!

-THE END-

A/N: Ang lame ng naisip ko hahaha

Flash Fiction (One-Shots Compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon