Entry #9
Namilog ang mga mata ko ng makita yung 95 na score sa testpaper namin na kalalapag lang ng kaklase ko sa upuan ko. Parang gusto kong magtatalon sa tuwa.
"Ayy sorry Lime, hindi pala sa'yo 'to." nakangiwing sabi ni Rio at agad ding hinablot yung testpaper sa mga kamay ko.
Parang nanlumo ako ng pinalitan niya yung papel ko na may score na 65. Ibig sabihin, bumagsak ako! Parang gusto kong maiyak.
"Stop expecting too much." parang nagpantig yung tainga ko ng marinig yung sinabi ng seatmate ko.
Kahit hindi siya nakatingin sa'kin ay alam kong ako mismo yung pinariringgan niya. Ang yabang talaga kahit kailan!
"Uy Lime, ilan score mo sa exam?" tanong sa'kin ni Peachy.
Hindi ko siya sinagot bagkus ay inabot ko lang sa kanya yung testpaper ko.
"Ano?! Bumagsak ka?" gulat at sabay-sabay na wika nina Peachy at Violet.
Mabuti na lang at hindi kami narinig ng mga kaklase ko na abala rin sa pagkukumpara ng kanilang scores.
"Sige, isigaw niyo pang dalawa at ng marinig ng lahat kung gaano kabobo itong kaibigan niyo." sarkastiko kong saad sa dalawa.
"Sorry naman beshywap. Nagulat lang talaga kami eh." napapakamot na sabi ni Peachy.
"Paano na yan Lime? Ang laki ng babawiin mong grade para makapasa ka sa finals." nag-aalalang tanong sa'kin ni Violet.
"Yun na nga ang pinoproblema ko eh. Nag-aral naman ako sa midterm exam natin ah."
"Nag-aral nga ba talaga?" nagdududang sabi ni Violet.
Inismiran ko lang siya dahil alam kong guilty ako. Ginugol ko yung mga nalalabing araw ko bago ang exam week namin sa panonood ng kdrama imbes na mag-aral ng mabuti.
Eh paano ba naman, wala talaga akong interes na mag-aral nung mga panahong yun kasi nakakastress lang. 'Diba dapat erelax mo yung mind and body mo para hindi ka mastress sa exam niyo? Ganun naman talaga dapat eh. It's actually proven and tested for students. Kaso mukhang hindi applicable sa katulad kong hindi naman gaano katalinuhan lalo na pagdating sa math.
Arggh! Ewan ko ba kung bakit engineering pa yung kinuha kong kurso gayong hindi ko naman bet yung math subject.
"So, what's the plan? Sasama ka pa rin ba sa gala natin mamaya?" tanong sa'kin ni Peachy.
"Oo... at ng gumaan naman itong pakiram--"
"What's the point of celebrating it when in fact you didn't even passed your major subject." biglang gatol ni Mr. Arrogant na siyang ikina-highblood ko.
"Huwag ka ngang sumasambat sa usapan ng iba Mr. Perfect slash arrogant." mariin kong wika.
He just flashed me a loopsided grin. He didn't even sound offended.
"So I have an endearment now?" sambit niya na 'tila amaze na amaze sa narinig.
"Endearnment mo mukha mo!" inis kong singhal sa kanya na siyang nakapagpaagaw ng atensyon ng mga kaklase ko. Mukhang napalakas yata ang pagkakasabi ko nun.
"Hala ka Cloud. Galit na si Lime."
"Uy ano yan LQ?"
"Sus! Nag-aaway na naman yung dalawa oh."
Tinitigan ko siya at ngumisi lang siya. Talagang inuubos niya ang pasensya ko. Masyado siyang pakialamero!
"Ms. Guevarra and Mr. Arevallo. Pinapatawag daw kayo ni sir Matthew." biglang sabi ng estudyante na galing sa kabilang section.
"Bakit raw?" Peachy asked him but he just shrugged his shoulders in responsed.
Kumunot naman ang noo ko at agad ring lumabas ng classroom. Ramdam ko namang nakasunod lang si Mr. Arrogant sa likuran ko habang naglalakad kami sa pasilyo ng bawat classroom patungong Math building kung saan naroon ang office ni Mr. Matthew. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan ng ganito. Wala akong kahit na anong ideya kung bakit ako pinapatawag ni sir at kasama pa talaga ang kumag na 'to.
"Alam mo... cute ka sana kung hindi ka lang palaging nakasimangot diyan." komento niya.
Napatingin ako sa gawi niya at cool lang siyang naglalakad sa gilid ko habang nakapamulsa.
I rolled my eyes at hindi siya pinansin. Baka masapak ko lang siya ng wala sa oras at saka hindi ko kailangan nang komento niya.
----
"Bakit po sir?" takang tanong ko kay sir Matthew ng makapasok kami sa loob ng office niya.
"I know you're curious as to why I called the two of you lalo ka na Ms. Guevarra." seryosong wika ni sir sa'kin.
Napalunok na lang ako dahil sa kaba. Masama talaga ang pakiramdam ko dito eh.
"I am so dissappointed about the results of your testpaper exam Ms. Guevarra. I didn't know why you failed this exam. Ngayon ka lang bumagsak ng ganito. May problema ba?" tanong sa'kin ni sir.
Umiling lang ako bilang sagot. I don't have any reasons to tell.
"Nahirapan ka ba sa subject ko Ms. Guevarra? Tell me..."
'Tila may namuong luha sa mga mata ko. Ayokong sabihin sa iba ang totoong dahilan ng lahat. I don't want anyone to take pity on me even my friends. I didn't even dared to tell them.
"Anyway, kung ano man yun ay hindi kita pipilitin na magsabi Ms. Guevarra. About you Mr. Arevallo, I called you out because I wanted you to become a tutor of Ms. Guevarra ." pahayag ni sir.
What? Parang nanuyo yung lalamunan ko dahil sa narinig.
"But sir---" protesta ko.
"That's not a problem sir." pagputol sa'kin ni Cloud.
Sinamaan ko naman siya ng tingin.
No way coconut highway! Hindi ako papayag na ang isang aroganteng katulad niya na masyadong mataas ang tingin sa sarili ang siyang magiging tutor ko.
"So then its settled. Makakaalis na kayong dalawa."
Gusto kong magprotesta kay sir kaso ay wala akong lakas ng loob na gawin yun.
----
"You're fifteen minutes late..." sambit ni Cloud habang naghihintay sa loob ng library.
One week has already passed when our tutorial session has started.
"Whatever!" was all I could say at naupo na sa harapan niya.
"Ano pang tinutunganga mo diyan Mr. Arevallo? Akala ko ba magsisimula na tayo?" inis kong sabi.
Parang natauhan naman siya at nagsimula ng magturo.
"So, what's your answer Ms. Guevarra?" Napakurap ako ng pitikin niya ang noo ko.
"Aray!" daing ko.
"Ayos ka lang ba talaga? I've noticed, you've been spacing out these past few daw days! May problema ka ba Lime?"
I could feel the sincerity in his voice. I snapped back at that thoughts.
Si Cloud, mag-aalala sa'kin? Imposible!
"I'm fine." tipid kong sagot at nag-iwas ng tingin.
"You sure?" he asked and it looks like he's not convinced.
Napabuntong hininga siya habang umiiling.
"I don't get you Lime. May mga kaibigan ka naman pero bakit sinasarili mo yang problema mo?"
Naikuyom ko na lang yung kamao ko dahil sa matinding inis. Kung makapagsalita siya parang alam niya yung pinagdadaanan ko.
"What's it with you ba ha Cloud? At kung may problema man ako ay labas ka na dun."
Ngumuso siya kaya napailing na lamang ako.
"Kung gusto mong magrebelde sa mga magulang mo ay huwag mong idamay yung pag-aaral mo."
Napaamang na lang ako dahil sa sinabi niya. May alam ba siya?
"W-what do you mean?"
"I'm sorry kung narinig ko yung usapan niyo ng mommy mo sa phone kahapon. I'm sorry to hear na naghiwalay na pala ang parents mo. Stop blaming yourselves Lime. Wala ka namang kasalanan sa nangyari eh."
Hindi ko alam na bukod sa pakialamero eh may lahing chismoso rin pala ang isang 'to.
"Wala kang alam sa mga pinagsasabi mo." giit ko.
"Alam mo ba kung anong pagkakapareho nating dalawa?"
Nagtaka ako sa sinabi niya. 'Tila ba hinihintay ang kanyang sasabihin.
"Sa maniwala ka man o hindi, tulad mo ay bumagsak na rin ako." malungkot niyang saad.
Kunot noo ko siyang tinitigan. Bumagsak? Nagpapatawa ba ang isang 'to? Sa talino niyang yan ay imposibleng bumagsak siya kahit sa isang subjects namin.
Ano 'to... pampalubag-loob?
"Matagal na akong bumagsak diyan sa... puso mo."
He flashed a smile.
Bakit pakiramdam ko ay may sumipa sa dibdib ko?
"Kaso ay hindi ko nga lang alam kung makakapasa pa ba ako diyan sa puso mo." sabay turo sa left chest kung saan nakalocate yung puso ko.
Ganun na lang din ang paghuhurumentado ng puso ko dahil sa sinabi niya. Ang aroganteng si Cloud Arrevallo ay matagal nang nahulog sa'kin? Ano 'to Joke?
"Biro lang Lime. Ikaw naman masyado kang seryoso."
Sinapak ko nga. Hindi kasi magandang biro yun.
Hinawakan niya yung mga kamay ko, "Listen to me Lime, falling for you isn't the right word for it. I think the best word for it is that I've already fallen for you. I like the way you are lalo na kapag naiinis ka. Hindi ko alam kung paano mo ako nagayuma at sa'yo talaga ako bumagsak."
BINABASA MO ANG
Flash Fiction (One-Shots Compilation)
Teen FictionCollection of my One-Shot Stories