Heaven By Your Side

2 0 0
                                    


Entry #10

HEAVEN BY YOUR SIDE

"Langit ka at lupa ako. Hanggang tanaw na lang ba tayo..." kanta ko habang nagwawalis dito sa loob nang classroom namin.

Ako na lang kasi mag-isang naiwan dito. Yung mga pasaway kong kaklase ay iniwan ba naman akong mag-isa para maglinis. Mga wala silang konsensya!  Mga wala silang atay!

Of course biro lang hahaha. Ang O.A ko na. Sa katunayan niyan ay halos nandun silang lahat sa gym at nagtulong tulong sa paghahanda para sa nalalapit naming school festival. Isang tao lang naman ang kinaiinisan ko at yun ay walang iba kundi si Khendrick.

Kaming dalawa kasi ang naatasan ni ma'am na maglinis ng room habang yung iba ay abala sa pagdedecorate. Kung bakit ba kasi ako pa yung napili ni maam na utusang maglinis gayong hindi naman ako tinutulungan nung asungot. Ewan ko nga rin kung saan na nagsususuot yun. Ah basta wapakels! Tatapusin ko na lang maglinis at nang matapos na ako.

"Mahal kita.. Mahal mo ba ako? Hanggang pangarap na lang ba ito... Ay anak ng tipaklong!" gulat kong sambit ng bigla-bigla na lang sumulpot sa harap ko yung asungot.

"Ang panget pala ng boses mo Heaven. Boses palaka!" pambubuska niya sa'kin na halatang iniinis lang ako.

"Bweset! ka talaga kahit kailan Khendrick. Umalis ka nga dito sa harapan ko kung ayaw mong pati yang pagmumukha mo eh mawalis ko rin." naiinis kong sabi habang abala pa rin sa paglilinis ng kalat.

"Akala ko ba hinahanap mo ko?" nakangisi niyang tanong.

"Kanina yun. Ngayon hindi na. Hindi na kita kailangan pa na tulungan ako since malapit na rin akong matapos."

"Oh 'edi sige. Kung ayaw mong tulungan kita ay dito na lang ako sa tabi at papanoorin ka habang naglilinis." wika niya at prenteng naupo sa gilid.

Gaya nga nang sabi niya kanina ay pinapanood niya lang ang bawat galaw ko habang naglilinis. Hindi ko alam kung bakit ako hindi komportable dahil dun.
Naaalibadbaran na talaga ako sa presensya niya. Pinagpapawisan pa ako sa noo dahil sa sobrang init.

"Tamad talaga kahit kailan." bulong ko sabay irap sa kanya.

Kumunot ang noo niya at unti-unting napalitan iyon ng tawa. Pinagtatawanan niya ba ako?

"Hindi mo man lang ba itatanong kung saan ako galing kanina?"

"Not interested." tipid kong sagot ng hindi man lang siya nililingon.

🎶Langit ka at lupa ako
Hanggang tanaw na lang ba tayo...
Mahal kita, mahal mo ba ako?
Hanggang pangarap na lang ba ito?
Kaya kung gawin ngunit 'di kayang sabihin
Na ang pag-ibig ko sanay mapansin. 🎶

Parang nagpantig yung tenga ko sa narinig. Boses ko yun, ah. Paano niya nairecord yun?

"Ano yan? Edelete mo nga yan!" nakasimangot kong sabi at napatingin sa kanya.

"Ayoko nga!" wika niya sabay belat sa'kin.

Nakakainis! Eh kung ihampas ko kaya sa kanya itong dustpan na hawak ko at nang matauhan siya?

"Sabi nang edelete mo yan eh." inis kong sabi.

"Ayoko nga! Kulit mo talaga Langit." tawa niya pa rin habang inulit-ulit yung pagplay ng audio.

"Paano kaya kung gawin ko 'tong pang blackmail sa'yo?" nakangisi niyang saad.

"Ahh ganun ha." at sinugod ko nga siya kaso ay tumakbo siya palayo pero hinabol ko naman siya.

Sa huli ay nahuli ko siya at pilit na inaabot yung cellphone niya pero dahil sa mas matangkad siya sa'kin ay nahirapan akong abutin yun. Napakapit ako sa kabilang braso niya hanggang sa aksidenteng natumba kaming dalawa at nadaganan ko siya.

Flash Fiction (One-Shots Compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon