Samba ...

4 0 0
                                    

Isang umaga naglakad ako sa isang tahimik at mapunong bahagi nang aming lugar at kung tutuusin hindi naman ito maputik dahil sementado ang daanan kaso biak biak na sa kalumaan .

Patungo ako sa maliit na bukal o balon sa tabi ng puno ng Narra na sobrang laki , mahamog at sobrang hamog talaga meron akong nakita na limang babae na mag kakasama malapit sa bukal na naguusap sa gate nang bahay na naroon .

Napaka ganda nila mapuputi at mga makikinis sila pero mya mya nagaaway na sila hangang sa kinagat ng isa ang isa nya pang kasama at dinukot ang puso nito ang maputi nilang kasuotan ay ng kulay pula na at nagbago ang kanilang itsura para silang asong galit na galit na tipong gustong kumain ng laman ng tao at kahit na putol ang iba nilang bahagi ng katawan hindi sila na tutumba o namamatay ng papatayan lng sila at parang hindi nila ako nakikita.

Sa sobramg kaba at takot ko naisipan ko mag dasal . "Panginoon Tulungan nyo kami at patigilin nyo po ang kaguluhan na ito" sambit ko habang nakapikit at taimtim na ng dasal . Laking gulat ko ng ako ay dumilat tumigil ang mga babae sa kanilang kaguluhan at lahat sila tumitig saakin.

Pero unti unti sila lumapit saakin na punong puno ng dugo ang kanilang damit ang bunganga at nanglilisik ang mga mata ,hindi sila kumukurap nakatitig sila saakin hangagang papalapit at nag lakad sila ng pagapang na parang aso pero nakatitig parin saakin hanggang sa pilit abutin ng isa ang aking mga paa.

Napaatras ako ng kakaunti sa takot at kaba pero laking gulat ko ng silang lima ay yumuko sa tapat ko habang ang isa ay nahawakan ang daliri ng paa ko.

Takot at sobrang kaba ang naramdaman ko na puno ng katanungan sa sarili na
bakit nila iyon ginawa .

Wakasss.....

Short And Horror StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon