PAGTINGIN ni Rowena sa isang YouTube Channel ay wala pa itong bagong upload na video maliban sa isang travel vlog na inilabas pa noong isang araw.
Nanlumo siya. Wala na naman siyang masusubaybayan na bagong kuwentong Horror para sa gabing iyon.
Isa si Rowena sa magiting na tagahanga ng isang YouTube Channel na ang pangalan ay Nginig TV. Naglalabas ito ng mga narrated horror stories na dahilan ng gabi-gabi niyang pagpupuyat.
Ang lalaking nagtatago sa pangalang Akiro ang narrator ng nasabing channel. Naging matunog ang pangalan nito mula nang mag-face reveal. Maraming nabaliw sa kaguwapuhan nito at lalong dinumog ang kanyang channel.
Gumagawa rin ito ng mga random vlogs paminsan-minsan kapag matumal ang nagpapadala ng mga kuwento.
Kung si Rowena ang tatanungin, hindi ang hitsura ng lalaki ang habol niya kaya siya naaadik sa channel na iyon, kundi ang mga kuwentong inilalabas doon na nagbibigay ng takot at saya sa kanya.
Iyon lang kasi ang libangan ng mga taong walang kaibigan tulad niya. Ang laptop lang at ang channel na iyon ang 'kaibigan' niya. Sadyang napakalungkot ng buhay ng dalagang ito.
Wala siyang hilig sa mga vlog post kaya hindi na niya tinapos ang video ni Akiro kung saan namasyal ito sa loob ng isang kuweba.
Tuwang-tuwa naman siya kinabukasan dahil may bago nang upload na kuwento ang idolo.
Masaya niyang pinakinggan ang horror story na pinadala ng isang sender. Buo na naman ang gabi niya dahil sa panibagong kuwento ng paboritong channel.
Solido ang paghanga ni Rowena sa Nginig TV. Kakaiba kasi ang mga kuwentong inilalabas nito. Hindi ito iyong tipikal na mga kuwentong puro multo lang. Karamihan dito ay mga kathang-isip na matitindi ang konsepto. Ang iba ay galing pa sa mga batikang writer ng Horror.
Alam na alam ng channel kung anong klaseng mga istorya ang hilig niya.
Bukod pa sa maganda at napaka-smooth ng boses ng narrator na lalong nagbibigay ng malakas na impact sa kuwento.
Mahinhin ang boses nito pero hindi bading. Napakagaan sa tainga at talagang nakapang-aakit ng loob. Gayuma sa pandinig at hindi nakakasawang pakinggan, kaya naman ang kuwento ay lalong naiintindihan.
Isang gabi iyon nang mag-livestream si Akiro sa channel. First time makita nang live ni Rowena ang idolo kaya labis na saya ang naramdaman niya.
"What's up mga kaibigan! This is Akiro of Nginig TV, narito na naman tayo sa isang livestream kung saan magbabasa ako ng mga kuwento nang live! Sino ang ready? Itaas ang paa!" palabiro at masayahin ang narrator. Hindi nakapagtatakang marami ang nababaliw rito at karamihan ng viewers ay puro babae.
Dapat na yatang kabahan ang Jamill kay Akiro sa paramihan ng subscribers.
Sunod-sunod naman ang pag-angat ng mga mensahe sa live chat section. Karamihan ay heart emoticon ng mga babaeng nahuhumaling sa lalaki. Ang iba ay hindi pa nahiyang mag-chat ng kalibugan.
"Kyaaaah! Ang guwapo n'yo pooo! Please galawin n'yo po ako, i-rape n'yo po ako! Okay lang na ma-rape ako basta kayo ang gagawa kasi sobrang guwapo n'yo pooo!"
"OMG Kuya Akiro please fuck me already!"
Nalulukot na lang ang noo ni Rowena sa mga nababasa. Naiinis siya sa ibang mga fans na sa halip na mag-focus sa pakikinig ng kuwento ay nagbo-broadcast lang ng kalandian sa social media.
Napilitan siyang mag-reply sa mga ito: "Kaya maraming babae ang nari-rape sa Pilipinas, eh!" parinig niya. Bahala nang tamaan ang mga bruha.
Habang nagbabasa ang narrator, tutok na tutok naman siya sa pakikinig. Nililibot din niya nang tingin ang kuwarto ng lalaki. Napakaganda at napakalaki ng paligid. Sadyang yumaman nang husto ang lalaking ito dahil sa YouTube.
BINABASA MO ANG
BANGUNGOT (Book 2)
HorrorBabala: Mas pinatindi ang takot! Hindi ka na makakatulog kapag binasa mo ito! Siguraduhing handa ang iyong puso sa mga kuwento rito na sagad sa buto ang takot!