Dugong Halimaw

872 36 2
                                    

SA lahat ng bata, si Angela ang naiiba ang pangarap. Pangarap daw niya maging manananggal. Gusto niyang gayahin ang napapanood sa TV na humihiwalay ang kalahating katawan, nagkakaroon ng pakpak, at lumilipad sa gabi.

"Ang astig po kasi! Sana gano'n din ako!" natutuwa pa niyang wika sa ina.

Galit na galit naman ang ina niyang si Belinda. Sa sobrang galit ay pinalo siya nito ng hanger sa puwet at sinigawan pa nang malakas.

Matapos pagmalupitan ang bata, ang kasambahay naman nilang si Irene ang pinag-initan nito.

"Huwag mo na kasing inaaya ang bata kapag nanonood ka ng nakakatakot! Kung anu-ano tuloy ang pumapasok sa isip!"

Umiling si Irene. "Hindi ko naman po siya niyayaya. Siya po ang kusang lumalapit at nakikinood. Hinahayaan ko na lang kasi umiiyak kapag hindi nasunod ang gusto."

Napabuntong-hininga si Belinda. "Ayaw ko nang maulit ito! Maliwanag? Bantayan mo siyang mabuti!"

Palibhasa ay palaging nasa labasan ang ina at nagsusugal kaya hindi nito nasusubaybayan ang anak. Sa katulong nito palaging inaasa ang pangangalaga sa bata.

Lihim namang nainis si Irene. "'Kala mo kung sino magsalita! Siya nga itong sugal nang sugal d'yan sa labas! Sariling anak hindi mabantayan dahil sa sugal!" bulong niya sa sarili.

Isang gabi ay naiwan mag-isa si Angela sa sala. Tulog na sa kuwarto ang katulong at nasa sugalan naman ang nanay niya.

Palagi ring wala ang ama niya na abala sa trabaho at tuwing gabi na umuuwi.

Ngunit nang mga oras na iyon ay hindi pa umuuwi ang tatay niya. Kaya naman nagkaroon ng pagkakataon si Angela na gayahin ang transformation ng manananggal na napanood niya sa TV.

Ang manananggal, nagpapahid umano ng langis sa katawan bago magpalit ng anyo.

Naghanap siya ng langis sa kusina ngunit wala siyang nakita. Pagpunta naman niya sa banyo, nakita niya ang Johnson's Baby Oil na nilalagay sa likod niya bago maligo.

Binuhos niya ang baby oil sa palad at sinimulang pahiran ang kalahati ng kanyang katawan. Pumikit siya at ninamnam ang mga sandali. Kung anu-anong salita pa ang inimbento ng bibig niya na kunwari kuno ay isang ritwal.

Ilang minuto siyang nakatayo sa kusina ngunit walang nagbago sa kanyang anyo. Sinubukan niyang lumabas ng bahay at doon hinintay ang pagtubo ng pakpak sa likod niya. Ngunit tulad kanina, nauwi lang sa wala ang paghihintay niya.

Nagmukha siyang tanga habang nakatayo at umaarte na nagbabagong anyo na raw siya. Hanggang sa magbukas ang gate at naabutan siya ng tatay niya.

"Angela? Ano'ng ginagawa mo rito sa labas?" larawan ng pagtataka si Mando.

"Kasi naman kanina pa ako naglagay ng langis pero hindi pa rin ako nagiging manananggal!" inis na sagot ni Angela.

"Ano?" Nalukot ang anyo ng ama. "Pumasok ka na nga sa loob! Lintik kang bata ka!"

Napagalitan si Angela. Heto siya at nagmumukmok sa kuwarto. Umiiyak dahil walang nangyari sa mga ritwal na ginawa niya para maging manananggal.

Nakatulugan na niya ang pag-iyak.

Isang araw, nakatagpo muli si Irene ng classic pinoy horror movie sa TV. Tungkol ito sa mga sirenang nangunguha ng mga lalaki at dinadala sa ilalim ng dagat para kainin.

Napadpad naman sa sala si Angela at nakita ang pinanonood niya. Umupo ito sa tabi niya at nakinood din.

"A-Angela, akala ko ba naglalaro ka sa kuwarto mo?"

BANGUNGOT (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon