NAPALUNOK si Candice nang marating ang tapat ng opisina ni Mr. Santos. Wala pa man ay parang alam na niya ang dahilan kung bakit ipinapatawag siya nito. Humugot muna siya nang isang malalim na buntong-hininga bago siya kumatok sa pinto.
"Come in"
Nang marinig iyon ay kinakabahang binuksan na niya ang pinto saka pumasok sa loob ng opisina nito.
"Sir, ipinapatawag n'yo raw po ako?"
"Yes, Miss Yuzon." pinaikot nito ang kinauupuang swivel chair paharap sa kanya. Napansin niyang hawak nito ang bundle ng paperworks na i-pin-resent niya rito noong nakaraang araw. "Maupo ka."
Gaya ng sinabi nito ay naupo siya sa visitor's chair sa harap nito.
"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Gusto kong malaman mo that I'm really disappointed with your stories." diretsahang sabi nito saka ibinagsak sa table ang naturang paperworks. "There's nothing new with all of these! Makailang beses ko nang nakitang nafeature ang mga ito sa ibang documentaries. Our TV production deserved more than these, Miss Yuzon."
"I am very sorry, Sir." apologetic na ngumiti siya rito. "Bigyan n'yo lang po ako nang kaunti pang panahon at pinapangako kong aayusin ko ang lahat nang ito."
Napailing nalang si Mr. Santos. "I've given you all the time you need but you seemed really distracted these last few weeks. Anong nangyari, Miss Yuzon? Hindi ka naman dating ganyan, ah." He gave out a sigh. "I think you need some time off."
Gumuhit sa mukha niya ang pagkabigla. "P-Pero Sir---" aapela pa sana siya rito pero bago pa man niya matapos ang sasabihin ay nagsalita na ulit ito.
"Nakapagdesisyon na ako, Miss Yuzon." ang matigas na pahayag nito. "I don't know why you're losing your touch. All I know is that you need some time off. Naiintindihan kong hindi na rin naman biro ang stress at pressure dito sa opisina." paliwanag nito. "Magpahinga ka na muna at kapag bumalik na ang dating sigla mo ay bukas ang TV production office para sa'yo."
PAULIT-ULIT na umaalingawngaw sa tenga ni Candice ang huling tinuran ni Mr. Santos bago siya umalis ng TV production office. Dalawang taon na siyang nagtatrabaho bilang field researcher doon at sa loob ng dalawang taon na iyon ay parating top rated ang mga stories niya. Ito ang unang beses na nadisappoint niya si Mr. Santos. Sa kanyang panlulumo ay pinagleave pa siya nito sa trabaho. Naikuyom niya ang mga palad. Kasalanan ito ng panaginip na iyon at ng lalaki sa likod ng panaginip na iyon. Kung hindi niyon ginulo ang kanyang isip ilang linggo na ang nakararaan ay hindi sana siya masisira sa kanyang trabaho.
Naantala ang kanyang pagbubulay-bulay nang mag-ring ang kanyang cell phone. Dinukwang niya iyon mula sa ibabaw ng bedside table. Nakita niyang naka-flash sa screen ang pangalan ng kapatid na si Kylie.
"Kylie?" ang bungad niya rito matapos sagutin ang tawag nito.
"Ate, nareceived ko ang text mo." ang ipinahayag nito na ang tinutukoy ay ang text message na ipinadala niya rito pagdating niya sa inuupahang apartment. Ibinalita niya rito na pinagleave siya ng superior sa trabaho. "Nasabi ko na rin kina nanay at tatay."
"Did I disappoint them?"
"Nope, ang totoo nga niyan ay natuwa sila nang malaman na mapapahinga ka sa trabaho." ang pagbabalita nito. "They're expecting you to come home here in the province."
Nag-iisa niyang kapatid si Kylie at mas bata ito ng walong taon sa kanya. Sa probinsiya ito nakatira at nag-aaral kasama ng kanyang mga magulang. Napahiwalay lang naman siya sa mga ito dahil nasa Maynila ang kanyang trabaho. Pero ngayong nalaman ng mga ito na pinag-li-leave siya ng kanyang superior ay inaasahan na niyang papauwiin siya ng pamilya. Matagal na rin kasi mula nang huli silang magkita-kita ng mga ito. Siguro nga ay mas mabuting umuwi na muna siya. Baka sakaling makalimutan niya ang panaginip na iyon at magbalik sa tamang wisyo ang pag-iisip niya kapag nakasama niya ang mga ito.
BINABASA MO ANG
THE MAN WHO BROKE AND FIXED MY HEART (Published Under PHR)
Romance"Paano kung sabihin ko sa 'yong may nararamdaman pa rin ako para sa 'yo? Would that give me the right to kiss you?" Inabutan si Candice ng kamalasan sa daan habang pauwi sa kanilang probinsiya. At nang mga sandaling iyon ay wala siyang ibang malapit...