Chapter Four

4.4K 105 5
                                    


NAPAHINTO sa paghakbang si Candice nang matanaw si Bree mula sa terrace. Lumabas siya ng kwarto para sana hugasan ang mga pinagkainan pero heto't natutulala na naman siya sa taglay nitong kakisigan. Nakatalikod ito sa kanya at may hawak na pineapple juice sa isang kamay. Napalunok siya at sa hindi maipaliwanag na dahilan ay biglang nanginig ang kanyang mga tuhod. Ito na nga bang iniiwasan niyang mangyari kaya pilit siyang dumidistansiya dito, eh. Ginamit niya ang lahat ng lakas niya para lamang makapagpatuloy sa paghakbang patungo sa kusina pero sa malas ay nahuli siya nito. Nagkasalubong ang kanilang mga paningin at di na niya nagawa pang makagalaw sa kinatatayuan.

"Nagising ka na pala," naglakad ito palapit sa kanya. Napansin nito na hawak niya ang ngayo'y wala nang laman na food tray at napangiti ito. "So, how do you like the food that I cook for you?"

Pinagtaasan niya ito nang isang kilay. Kahit kailan talaga ay napakaconceited nito. As if namang pupurihin niya ang luto nito. Kahit pa totoong nasarapan siya doon ay hinding-hindi niya iyon ipapaalam dito. She's going to pissed him off dahil iyon ang nababagay rito at hindi papuri.

"I didn't like it at all." pang-iinis niya rito. "Masyadong maasim yung sinigang at dry naman yung pagkakaluto ng kanin."

"Ah," napatango-tango ito. "Kaya pala naubos mo."

Sinimangutan niya ito. "Hmp! Gutom lang ako noh! Kanina pang umaga walang laman ang tiyan ko!" nakairap na sabi niya rito sabay talikod dito. Nagtungo siya ng kusina at sumunod naman ito sa kanya. "Paano ka pala natutuong magluto?" tanong niya rito nang nagsisimula na siyang maghugas ng mga pinggan.

"I went to Baguio to study and live independently after I graduated from High School." Pagkasabi niyon ay bumakas ang guilt sa mga mata nito. "All my life, nasanay na akong nasa tabi ko palagi ang parents ko, and at that time, ang paglayo sa kanila ang naisip kong punishment sa sarili ko pagkatapos kong saktan ang damdamin ng isang babaeng minahal ako nang totoo."

Natigilan si Candice sa ginagawa pagkarinig niyon. Napatingin siya rito at nakita niyang masinsin rin itong nakatitig sa kanya. She could see a great pain in his eyes and for one moment ay parang gusto niyang maniwala na totoong pinagsisisihan nito ang ginawa sa kanya noon.

"But it wasn't enough, right?" ang nagawa niyang isatinig sa kabila ng panunuyo ng lalamunan. Napangiti ito nang mapait sa kanya saka marahang tumango. A sharp pain crossed her chest dahil sa pinipigilang emosyon. Napabuga siya ng hangin saka nagmamadaling tinapos ang ginagawa. "Babalik na ako sa kwarto,"

"Candice, sandali---" hinawakan nito ang isa niyang braso nang subukan niya itong talikuran. "What should I do to make it enough?" ang sinserong ipinahayag nito habang direktang nakatingin sa kanyang mga mata.

Napapikit siya nang mariin. "Bitiwan mo nga ako!" kinabig niya ang kanyang braso mula sa pagkakahawak nito. "Hanggang kailan ba tayo rito?" ang sa halip ay pagbabago niya ng usapan.

"Bakit, Candice?" Napangiti ito nang mapait sa kanya. "Do you really hate me that much na hindi ka na makapaghintay na iwanan ako?"

Isang nakabibinging katahimikan ang namagitan sa kanila sa loob ng ilang sandali.

"Yung totoo, Bree?" ang ipinahayag niya nang makabawi siya. "Hindi na ako makapaghintay na patunayan sa'yong matagal ka nang burado sa sistema ko."

Pagkasabi niyon ay tuluyan na niya itong tinalikuran. Wala naman itong nagawa para pigilan siya. Kapwa nagpupuyos ang mga damdamin na naghiwalay sila.

NAGPUNTA si Candice sa library nang hapong iyon para hiramin ang isang libro na matagal na niyang gustong basahin. Nakahinga siya nang maluwag nang sa wakas ay mahagip iyon ng kanyang paningin matapos ang mahigit kalahating oras na paghahanap. Lumapit siya sa bookshelf para sana kuhanin iyon pero dahil sa mataas na bahagi iyon nakahanay at hindi naman siya gaanong katangkaran ay nahirapan siyang maabot iyon. Lahat na yata ng pagtingkayad ay ginawa na niya pero kahit anong gawin niya ay ni hindi iyon dumadampi sa dulo ng daliri niya. Nang sandaling ibig na niyang sumuko ay nagulat pa siya nang isang kamay ang bigla na lamang dumampot niyon para sa kanya. Kamuntik na siyang mapasinghap nang pagharap niya ay si Bree ang mabungaran niya.

THE MAN WHO BROKE AND FIXED MY HEART (Published Under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon