Chapter 4

556 20 1
                                    

Jackque's POV


"Jaki!"


Napalingon ako sa tumawag sa akin. Si Madc.


Patay. Bakit 'to pumunta dito?



"Anong ginagawa mo dito?" Nakakunot na tanong ko dito pero pumamewang lang ito sa akin.


"Hindi ba ako dapat ang nagtatanong niyan? Bakit hindi mo sinasagot ang mga texts ko? Kanina pa kitang hinahanap." Tanong nito sa akin na kung umakto parang jowa ko. Napailing na lang ako dahil nakakadiri ang mga pinagi-iisip ko.



"Oh? Ba't ka umiling-iling diyan?"



"Wala! Ano ba kasing ginagawa mo dito?" Tanong ko dito.



"Eh kasi ng---" Nakita kong napatingin ito sa hawak ko.



"Teka! Ano yan Jakhil?!" Agad kong itinago ang hawak kong resume nang marealize kong napansin yun ni Madc. Lagot na!



Sinubukan niyang kuhain sa akin yung hawak hawak kong papel pero pilit ko itong inilalayo sa kanya.



"Wala nga kasi to!" Naga-agawan na kami dun sa resume kaya pilit ko pa din itong kinukuha pabalik nang mapunit yun. Nakita ko namang pinulot ni Madc ang mga pirasong papel na nahulog sa sahig.


Napamura na lang ako sa isip ko dahil wala na akong takas na malaman ni Madc ang totoong pakay ko sa pagpunta dito sa bar.



Tumingin ito ng masama sa akin at pinagpapalo ako sa braso.


"Aray! Teka lang Madc!" Pilit akong nagpu-pumiglas sa palo nito pero hindi pa din niya itinitigil.


"Bruha ka talaga! Basta-basta ka lang nagde-desisyon hindi mo man lang sinasabi sa akin!" Sabi nito habang patuloy pa din akong pinapalo sa braso.



"Teka nga lang! Ang sakit na ha!" Pabirong sabi ko dito at tumigil naman ito sa paghampas sa akin.


"Ano ba kasing naisipan mo at nagbalak ka pang mag-apply bilang G.R.O? Ha? Sagot!" Maldita nitong tanong sa akin. Wao ate ha, nung isang araw lang naman tayo nagkakilala.


Pero, hindi ko rin naman masisisi si Madc eh. Siguro ayaw lang talaga niya akong mapahamak.


"Sorry na. Wala na kasi talaga akong naisip na ibang paraan eh." Malungkot kong sabi dito. Lumapit ito sa akin at niyakap ako.



"Jaki, dapat sinabi mo naman muna sa akin. Kahit kakakilala ko pa lang natin nung isang araw, napalapit na ang loob ko sayo kaya naging importante ka na din para sa akin. Tsaka, mahirap kasing nagde-desisyon ka lang ng mag-isa. Malay mo kung itinuloy mo yang pagiging G.R.O dito baka mawarak na yang pempem mo. Hay nako, sinasabi ko talaga sa'yo Jaki." Napatawa na lang ako ng bahagya sa sinabi nito.



"Sira. Pero, paano mo nalaman na nandito ako?" Tanong ko dito na kanina ko pa gustong malaman. Wala naman kasi akong pinagsabihan kung saan ako pupunta.


"Tinry kong ma-track kung nasaan ka and gumana naman." Tumango ako at naalalang bukas nga pala yung location sa phone ko.


"So, ano ba yung sasabihin mo dapat?" Tanong ko naman dito. Bigla namang lumiwanag ang mukha nito na parang hindi pa niya maaalala kung hindi ko pa sasabihin ang tungkol dun.


"Si Kuya Vhong kasi." Napakunot naman ako sa sinabi nito. Pabitin eh.


"Ano? Ituloy-tuloy mo na. Masyado kang pabitin girl!" Tumango-tango lang ito.


Last NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon