Chapter 27

507 20 13
                                    

Jaki's POV



Ilang araw na rin ang nakalipas simula nung tumira ako sa bahay ni Vice. At sa mga nagdaang araw na 'yun, nagmistulang ako ang parang may ari ng bahay ni Vice dahil maya't-maya niya akong inasikaso nang inasikaso.





Ibang-iba na 'yung Vice na nakakasama ko sa araw-araw. Napakalayo na sa Vice Ganda na nakikita't napapanood ko sa TV na ganap na ganap 'yung eyeshadow at mas mukha pang babae sa tunay na merlat. He was very different. Mas tumutugma na sa pangalan niya 'yung Jose.






Nandito lang ako sa sala ng bahay ni Vice, nakaupo, kumakain at nanunuod ng TV. Napatingin naman ako nang tawagin ako ng kasambahay ni Vice dito.





"Ms. Jaki, may gusto po ba kayo?" Tanong niya sa akin.





"Ate, Jaki na lang po ang itawag niyo. Masyado naman pong formal kapag may Miss e hehe. At saka 'wag niyo na po ako masyadong alalanin, okay lang po ako." Ngiting sabi ko dito. Tumango ito at naglakad na palayo.




Napabuntong hininga ako.






Nagsimula kasing umakto ng ganyan 'yung mga angels ni Vice nang bilinan niya ang mga ito na alagaan ako ng sobra e. Hay, OA din talaga minsan si Viceral.





Itinutok ko na lang 'yung sarili ko sa panunuod ng TV. Nakita ko sina Vice, Kuya Vhong at si Ate Anne. Pinaggigitnaan ni Vice at Ate Anne 'yung.. Pokwang ata 'yun.





"Vice, tapos na ba talaga ang Ms. Q and A?" Tanong ni Pokwang kay Vice.





"Yes Mama P, bakit? Nako ikaw talaga ah, hindi ka nanunuod ng Showtime. Direk oh." Sumbong ni Vice kay Direk. Napatawa ako ng bahagya. Kahit kailan talaga 'tong baklang 'to oh.





"Hindi! Ano ka ba. Palagi ko ngang inaabangan na magsimula 'yung Ms. Q and A para panoorin kayong dalawa ni Ate Girl eh. Sobra akong kinikilig sa inyo." Ngiting-ngiti na sabi nito kay Vice. Para namang tinusok 'yung pusod ko nun.







"Ang ibig sabihin ko dun sa tanong ko kanina, wala bang season 2 man lang d'yan? Tsaka, asan ba si Ate Girl?" Dire-diretsong sabi ni Pokwang. Napapikit-pikit ako dahil sa sinabi nito. Nabaling ako ng tingin kay Vice at hindi naman nakalampas sa tingin ko ang paglunok nito.





Shet na malagket.





"Alam mo Mama P ikaw na lang kaya magtrabaho dito no? Ikaw 'yung tagagawa ng mga bagong segment ganern." Pilit na tumatawang sabi ni Vice.






"Ewan ko sa'yo! Hahaha. Asan si Ate Girl? Asa backstage ba?" Tanong ulit ni Pokwang.





"Ay mamsh, hindi pumasok eh. Masakit daw puson.. as always." Palusot na sabi ni Vice at humagalpak ng tawa. Napakunot naman ako ng noo. Mag-iisip na nga lang ng excuse masakit pa puson. Bentang-benta na ako sa palusot na 'yun eh. Pwede namang nagbakasyon or something. Hay nako. Yari 'to sa 'kin pag-uwi nito.






"Ay ganon ba, sayang naman. Gusto ko pa naman kayong dalawa makita na mag-kiss sa harap ko." Disappointed na sabi ni Pokwang pero tumawa at naghiyawan ang madla. Nakita ko din ang gulat sa mukha ni Vice. At syempre, nagulat din ako no.





"Wankosayo Mama P. Tuloy na nga natin 'tong laro, kalerki! Oh ayan na 'yung X mo." Baklang sabi ni Vice.






"Pero Vice.." Tawag ulit ni Pokwang kay Vice. Bumaling naman ang tingin ni Vice dito.





Last NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon