Chapter 6

4 0 0
                                    

Jescar’s Pov

Naiinis talaga ako bakit ang dali namang nagpadala ni Kerla sa lalaking un. Nakakapagtaka bakit ganon nalang kadali sa kanya na kalimutan ang mga sinabi ni Manuel sa kanya. Nag-iisip ba si Kerla? Baka may binabalak lang ang Manuel na un sa kanya. Ayokong saktan niya si Kerla.

Breaktime namin biglang lumapit si Manuel samin dala-dala ang isang hamburger at binigay niya ito kay Kerla. Niyaya niya itong umalis at pumunta sila sa tabi ng puno. Ang saya-saya niya. Ngayon ko lang nakitang Masaya si Kerla. As in parang wala ng bukas. Nag-aalala talaga ako para sa kanya. Alam ko wala akong karapatan na pakialaman ang buhay niya. Wag na wag lang siyang sasaktan ni Manuel kung hindi baka mapatay ko siya.

Kerla’s Pov

Kinagabihan tumunog ang cp ko. Agad kong kinuha.

“Hi.” From Manuel

“hello.”

“Musta ka na?”

“Ok lang ako. Ikaw musta ka?”

“Ok lang ako pero may namimiss ako.”

“Ah sino naman?”

“Ikaw”.

Kilig na kilig ako sa nabasa ko di ako makapaniwala. Halos malusaw ang unan ko sa sobrang higpit ng yakap ko dito. Muntik ng magiba ang kama ko sa sobrang pagtatalon ko dito hanggang sa nahulog ako sa kama na di ko namalayan. Kumalabog kaya biglang pumasok si Mama. Tinanong niya kung ano un sabi ko sa kanya wala un may nahulog lang. “Tulog ka na oras na.” sabi ni Mama.

“Opo ma.”

Tawang-tawa ako sa sarili ko. Dahil sa sobrang kilig ko nahulog ako. Hahaha. Nagpaalam na ako sa katxt ko na matutulog na ako. At dun natapos ang araw ko.

******

Excited akong pumasok makikita ko na si Manuel. Ang aga kong pumasok kasi inspired ako. Pagkadating ko sa school nakita ko si Jescar. Wow ang aga niya. Milagro yata toh. Tinapik ko siya. Nakatulala lang kasi siya. Nabigla siya at tiningnan niya ako.

“Oh ikaw pala yan.”

“Ay hindi.”

“Ang aga mo ah? Anong masamang espirito ang sumanib sayo?”

“Baliw. Hindi kasi ako nakatulog”

“Ah bakit naman? Siguro di ka nakatulog dahil di ka nakapagdota.”

“Ikaw talaga. Hindi ah. Ikaw bakit maaga ka?”

“Wala lang [kinikilig].”

“Mukhang inspired ka ah. Nakatawa ka kahit wala naman nakakatawa.”

“Hahaha. Masama bang maging Masaya?”

“Hindi naman. Pero mag-iingat ka jan kay Manuel. Payong kaibigan lang.”

“Napaka nega mo talaga.”

 

Hanggang sa dumating na lahat ng mga classmates namin. At si Michael wala pa din. Iniisip ko kung papasok pa ba siya. Hanggang sa magstart ang klasi namin wala pa siya. First time na nangyari na hindi siya pumasok ng 1st period. Nagtataka ako bakit wala siya. Before mag 2nd period may kumalabit sakin. Pagkaharap ko si Michael.

Namiss mo ako noh?” tanong niya.

Hindi ah.”[denial]

“Akala ko namiss mo ako, namiss kasi kita eh.”

“Ikaw talaga[pakipot kuno] Bakit dika pala pumasok ng first period ?”

“Ah may emergency kasi sa bahay namin.”

“Ah kaya pala.”

Nagstart na ang klasi namin. Katulad ng dati sabay kaming nagrecess at hinatid niya ako samin.

Halos araw-araw ganon ang ginagawa namin. Lalong naging magclose kami. Akala nga nila kami na. Di nga siya nagtatanong kung pwede siyang manligaw eh. Kaya di ko talaga alam kung anong meron kami. Di ko tuloy alam ang sagot ko pag tinatanong ako ng mga kasama ko kung kami na o hindi.

Jescar’ Pov

Ang aga kong dumating sa school kanina di kasi ako nakatulog dahil iniisip  ko kung anong binabalak ni Manuel kay Kerla. Hanggang sa may tumapik sa kin . Si Kerla pala. Nagtataka siya bakit ang aga ko daw. Sabi ko lang di ako nakatulog pero hindi ko sinabi ang dahilan. Ang saya niya nung sinabi ko sa kanya na parang inspired siya. Kitang-kita naman kasi sa kanya. Kasi kahit wala naman nakakatawa nakatawa siya. Para siyang baliw. Baliw sa pag-ibig.

Halos araw-araw sabay silang magrecess at hinahatid niya lagi si Kerla sa kanila. Tanong nga naming kung sila na. Sabi naman ni Kerla di naman daw siya nanliligaw. Ano yun ? Ang sweet nila pero di sila? Mga baliw… Haist naku..

A Step You Can't Take BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon