Chapter 3

10 0 0
                                    

Lumipas ang mga araw nakapag adjust na din ako sa mga Gawain sa school. Kahit pressured at stressed Masaya naman dahil ang mga kaklasi ko masayahin kahit grade conscious sila.

Hanggang dumating ang intramurals sumali ako sa volleyball team, hilig ko kasi ang volleyball kahit di ako masyadong marunong. Pampadadag din ng grades. Kapag kasi nasa Section A ka dapat may extra curricular ka para makahabol sa top. Kailangan kasi lagi akong nasa top para di madisappoint sakin ang parents ko.

After ng intramurals ang Foundation Day. Grabe ang saya pala ng foundation day ang daming nagtitinda ng kung anu-ano. Mga rides, booth at marami pang iba. Naiinggit ako dahil halos lahat ng nakikita ko may kapartner. Di ko kasama si Kath ngayon dahil kasama niya ang nanliligaw sa kanya. Opposite kami ni Kath. Napakasexy at napakaganda niya. Nagtataka nga ako bakit naging magkaibigan kami. Ang daming may gusto sa kanya at halos ng mga kaklasi kong lalake may gusto sa kanya.

Ako lang tuloy mag-isa ngayon. Ito mahirap pag walang nagkakagusto sayo. Hanggang sa Makita ko ang mga ibang classmates ko. Si Aina, Jessa, Ann, Hazel, at Jescar. Di ko sila masyadong kaclose pero dahil pare2ho kaming walang date ayun nagkasundo-sundo kami. Niyaya nila akong sumama sa kanila at sumama naman ako. Habang naglalakad kami nakita ko si Manuel may kasama siyang babae. Nakita din siya ng mga kasama ko. “Si Manuel un ah,? Sabi ni aina.” “Sino ung kasama niya?” tanong ni Hazel?” “Si Rachel un sa ibang section” Tugon ni Jescar. “Buti kilala mo siya?” “Classmate ko siya nung elementary kami.” “Ah kaya pala.” Di ako kumikibo. Pero pinagmasdan ko ung babae. Bigla ko naalala ung sa Slumbook na nabasa ko, ganyan na ganyan ang type niya sa isang babae. Maputi at sexy. Di ko tuloy maiwasan ikumpara ang sarili ko.

Napansin nila di ako umiimik. Kaya tinanong nila kung ok lang ako sabi ko ok lang ako kahit hindi naman talaga.

One week ang foundation samin at sa last day ng foundation may Dance Party sa school. Tinanong nila ako kung pupunta daw ako o hindi sabi ko baka hindi sigurado wala naman magsasayaw sakin dun sabi ko.

Baliw ka ba? Kaya nga kami nandito para tayo-tayo magsasama. Atsaka once a year lang yan kaya punta na tayo ah? “

“O cge na nga”.

Dumating ang araw ng Dance party halos lahat excited na. Sa labas palang maririnig mo na ang ingay. Lakas ng tugtog at mga estudyanteng nagpapagandahan sa suot. At ako nagsuot lang ng maong na Jacket at tshirt na black sa loob, fitted na pantalon at boots. Nagkita-kita na kami nina Jescar, Aina, Ann, Jessa at Hazel. At nadatnan din namin dun sina Kath ang manliligaw niya.

Ang porma mo naman Kerla.” Tugon ni jescar.

“Tumigil ka nga diyan.”

At pumasok na kami sa loob. Nagstart na ang party. May mga bandang tumugtog at ang pinaka last part ay ang sayawan. Ang saya pala mag attend sa mga ganon kahit wala kang partner. Sayaw dito sayaw dun. Hanggang sa mapalitan ang kanta ng love songs. Tumabi na kami dahil alam namin na para sa mga couples lang un. At natapos ang araw na Masaya ang lahat.

After ng foundation day nakaclose ko sina Aina, Ann, Jessa, Hazel, at Jescar. Lagi ko  na sila kasama pati si Kath. Nakwento ko narin sa kanila ang about kay Manuel kasi minsan natanong nila bakit kapag si Manuel ang pinag-uusapan di ako kumikibo. At naiintindihan nila ako.

Lumipas ang mga araw, linggo, at buwan. Malapit na ang pasko . Nagkaroon kami ng Christmas Party at kailangan bumuo kami ng grupo at magpeperform sa harap ng klasi. Syempre kami nila Jessa, Jescar, Aina, Ann, Hazel at Kath. Sumayaw kami at kami ang naging best performer. Masayang nagkahiwa-hiwalay ang lahat at inenjoy ang Christmas Vacation.

A Step You Can't Take BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon