Chapter 5

14 0 0
                                    

Kerla’s Pov

Pagpasok ko sa room namin may nakita ako papel na nakadikit sa desk ko. Tinanong ko si Kath kung alam niya sinong nagbigay nun. Ng binuksan ko ang papel may liham. Binasa ko.

Hi Kerla,

Ang tagal na natin magclassmate pero ni minsan di tayo nag-usap. Pwede ba tayong magkita sa Gym after ng class natin? Gusto kasi kitang makausap.

Manuel.

Nagulat ako sa nabasa ko. Si Manuel gusto akong makausap? Bakit? Hanggang matapos ang klase iniisip ko pa din ang liham na nabasa ko. Kung pupunta ba ako o hindi. Nakapagdecide na ako pupunta ako sa gym.

Pagkadating ko sa gym nakita ko si Manuel. Ngumiti siya at nginitian ko din siya.

“Upo tayo sa bleacher “sabi niya.

“Ok”

“Kerla”

“Oh bakit?”

“Ngayon lang ako nagkachance na makausap ka sa tagal na natin magkaklase”

“Oo nga eh.”

“Ang laki na ng pinagbago mo ah. Pumayat ka”.

“Nagdiet ka ako eh. Nahilig ako sa pagsasayaw.”

“Diba nung elementary tayo crush mo ako?”

Bigla akong namula sa sinabi niya dahil sa hiya.

”Oo bakit?”

“Sana gusto mo pa din ako hanggang ngayon.”

Nabigla ako sa sinabi niya. Bakit kaya nagkakaganito si Manuel anong nangyayari sa kanya? Bakit bigla niya akong gustong makausap ng ganito di ko maintindihan.

After nung pag-uusap naming nag insist siya na ihatid niya daw ako . Sabi ko naman ok cge. Nagkwentuhan kami ng kung anu-ano. Parang getting to know each other kahit madami na akong alam tungkol sa kanya. Bago kami magkahiwalay kinuha niya no. ko at dun nagstart ang lahat.

Kinabukasan sa school nakita ko ang mga kaibigan ko. Tinanong nila ako bakit hindi ako nakisabay sa kanila kahapon at bakit nagmamadali akong umuwi. Sabi ko sa kanila may dinaanan lang ako.

Habang naglalakad sa hallway nakasalubong naming si Manuel . Nag ”hi” siya sakin. Nagtinginan ang mga kaibigan ko.

Pwedeng makisabay sa inyo?” tugon ni Manuel

”Sure.”

Gulat na gulat sila sa ginawa ni Manuel kanina. Nagtataka sila bakit close nakami. Kilig na kilig ang lima maliban nalang kay Jescar na inis na inis. Naiintindihan ko naman siya kung bakit ganon ang reaksyon niya dahil sa mga sinabi sakin dati ni Manuel kaya nagkakaganyan siya.

Pagkadating sa room lahat sila nakatingin samin. Nagtataka siguro sila bakit kasama namin sa grupo si Manuel. Palakaibigan si Manuel, maraming siyang mga barkada, sa ibang section, ibang level at lalung-lalo na sa room namin. Halos ng mga lalake close siya lalung-lalo na ang mga tinatawag na badboy ng klasi. Sa kabila ng pagiging mabarkada niya lagi pa din siyang kasama sa top 10. Lagi siyang nangunguna dito . Likas sa kanya ang pagiging matalino. Bukod sa pagiging matalino magaling din siya Sepak Takraw, sa pagguhit at sa iba pang mga bagay. Kaya halos lahat ng mga kaschoolmate namin kilala siya. Freshman palang kami nun naging matunog na ang pangalan niya dahil sa pagsali niya sa mga contest at hinding-hindi siya natatalo. Lagi siyang nanalo sa larangan ng pautakan kaya kilala siya at nangunguna sa mga Freshman. Ito ang naging dahilan para tumakbo siyang 1st year representative sa SSG. Dahil maraming nagkakagusto at kilala siya siya ang nanalo. At ngayong 2nd year na kami sigurado lalo pa siyang sisikat.

Nagstart na ang klasi. Pero taking-taka parin sakin ang mga kaibigan ko. Hanggang dumating ang oras ng recess at ginugulo ako ng mga kaibigan ko about dito. Inexplain ko sa kanila at kilig na kilig sila. Biglang sumingit si Jescar.

“Mag-iingat ka sa kanya Kerla baka may binabalak lang siyang masama.”

“Ano kaba? Wala pa naman talaga eh. Nakikipagkaibigan lang siya. Masama ba yun?”

“Yun na nga eh bakit bigla siya nakipagkaibigan sa’yo eh diba di ka naman niyan pinapansin dati?”

“Malay mo naman sincere ang tao.”

“Ikaw talaga.”

“Basta mag-iingat ka Kerla.”

Biglang naputol ang usapan namin ng biglang dumating si Manuel at nagdadala ng hamburger. Inabot niya ito sakin.

Salamat”.

“Pwede ko bang makausap si Kerla.”

“Ok cge.”

Lumayo kaming dalawa sa mga kaibigan ko at kumain kaming dalawa malapit sa isang puno na may upuan. Nag-usap kami dun ng kung anu-ano. Ang saya-saya ko. First time kong maranasan toh. Akala ko di ko na mararanasan na makausap ang taong gusto ko. Parang isang panaginip ang lahat. Alam ko di ako kagandahan kahit pumayat ako ganun pa din ang hitsura ko. Di ako palaayos na katulad ng iba, di din maputi kagaya ng gusto niya. Pero bakit ganito, si Manuel nandito sa harap ko kinakausap niya ako at ang sweet-sweet niya pa sakin. Kung panaginip man ito sana hindi na ako magising. Hanggang tumunog na ang bell. Tapos na ang breaktime. Pumasok nakami.

“Oh pano hatid ulit kita mamaya ah.”

“Ok cge.”

A Step You Can't Take BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon