Chapter 7

3 0 0
                                    

Kerla’s Pov

Weekends..

Natapos na naman ang isang linggo. Pero naguguluhan talaga ako kung anong meron samin ni Manuel. Nanliligaw ba siya? Ano? Haist. Para akong mababaliw di ko alam ang sagot sa tanong ko. Bakit di ko kaya siya tanungin. At biglang nagring ang phone ko. Nagtext siya.

Kerla.”

“Yes.”

“Kailan mo ako sasagutin?”

“Ah?”

Nagulat ako. Nanliligaw pala siya di ko alam.

“Kailan?”

“Ah nanliligaw ka pala? Di ko alam kasi sensya na.”

“Oo naman di mo ba napapansin?”

“So un na pala un?”

“Oo naman Kerla.”

“Mahal kita.”

“Mahal din kita.”

“So tayo na ah?”

“Opo.”

At finally naging kami na nga officially. Sa wakas nagkabf din ako. Grabeng kilig ko. Sobrang saya ko. Gusto ko ng pumasok para Makita ko na si Manuel. Excited na excited talaga akong maglunes na. Kung sa iba gusto nila wag na matapos ang weekends ako naman gustong-gusto ko ng matapos ang weekend. Ikaw ba naman maging bf mo ang long time crush mo di ka magiging masaya kahit di ka kagandahan. Akala ko hanggang pangarap nalang un. Hindi pala.

Alam ko mabilis ang lahat. Almost 1 week palang kaming nagiging magclose at sinagot ko na siya. Bakit pa naman ako magpapakipot eh gustong-gusto ko siya simula pa elementary kami. Sino ba naman ako para maging choosy pa. Maswerte na nga ako kasi may nagkagusto pa sakin.

*****

Lunes..

Pumasok ulit ako ng maaga. Lahat ng mga classmates ko pinapansin ko, nabibigla sila sakin. Bakit ang saya ko. Hanggang sa Makita ko si Manuel. Nag “hi” ako sa kanya with full smile. Ngumisi lang siya. Parang hindi naman siya Masaya na sinagot ko siya. Ah basta kami na sabi ko sa sarili ko.

Binalita ko ito sa mga kaibigan ko. At syempre si Jescar hindi pa rin convince kay Manuel.

“So kayo na?” tanong ni Kath

“Ang saya mo Kerla” sabi ni hazel”

Tumango lang ako. At galak na galak.

“Masaya kami para sayo kerla.”

“Salamat.”

Nagkasabay kami ulit magrecess ni Manuel. Pero di katulad dati di siya masyadong kumikibo.

“Ok ka lang?”

“Oo ok lang ako.”

“Parang di ka naman Masaya na tayo.”

“May sasabihin sana ako sayo.”

“Ano un?”

“Pwede bang isikreto muna natin na tayo na?”

“Ah bakit naman? Kinakahiya mo ba ako.”

“Hindi naman, Hahabol kasi ako ng 2nd year ayokong matalo.”

“Ah? Ok cge.”

Nalilito ako sa mga sinabi bakit kailangan namin itago? Matatalo ba siya kapag nalaman na iba na kami?  Ang daming tanong sa utak ko. Sinabi ko nalang sa sarili ko. “Ah basta ok lang yun naiintindihan ko naman.  “Dahil mahal ko si Manuel sinunod ko siya.

*****

Halos araw-araw parang may pinagtataguan kami na di ko maintindihan. Pero ayos lang sakin kasi alam ko mahal niya ako at mahal ko din siya. Nagstart na ang campaign for SSG. Pag nakakasalubong ko siya di kami nagpapapansinan. Kunwari di namin kilala ang isa’t- isa. Naging abala si Manuel sa kampanya kaya di nakami masyadong nag-uusap. Dumating ang araw ng 1st monthsary namin eksakto ng botohan para sa SSG.

Nag-ipon ako para maibili ko siya ng regalo. Bumili ako ng mamahaling sapatos. Mahilig kasi siya sa sapatos. Di ako nagrerecess para lang maibili ko ang gift na un. Gusto ko kasi siyang makitang Masaya. At ito ang first monthsary namin kaya gusto ko memorable. Lahat ay abala dahil ngayon ang eleksyon ng SSG. Kinakabahan ang mga kandidato. Pupuntahan ko sana si Manuel para iabot ang regalo ko at para igudluck siya. Pero bawal pala un. So hininintay ko siya maghapon. Hanggang naggabi na dun lang natapos ang bilangan. At nalaman ko nanalo siya. Masaya ako para sa kanya. Bibigay ko na sana ang regalo ko. Ng biglang may babaeng yumakap sa kanya. Mahaba ang buhok, maputi at maganda ang pangangatawan. Si Rachel pala un. Biglang tumulo ang luha ko. Tumakbo ako na umiiyak. Di ako makapaniwala sa nakita ko. Sila pa pala. Pagkauwi ko sa bahay dumiretso ako sa kwarto ko. Nag-iisip ako. Sabi ko sa sarili ko baka magkaibigan lang sila at close lang kaya ganon. Kailangan malaman ko muna ang side ni Manuel. Pinapaniwala ko pa din ang sarili ko na wala lang ang nakita ko.

Kinabukasan…

Nagkita kami ni Manuel. Bibigay ko na sana ung regalo ko. “Wag na”sabi niya. “Bakit?”

“I’m sorry Kerla”.

“Ah bakit?”

“Sorry kasi napagtripan ka namin ng mga kabarkada ko.”

“Ano!?”

“Nalaman kasi nila na gusto mo ako simula elementary pa tayo kaya nagdeal kami na pasagutin kita. Dahil sa pakikisama sinunod ko lang sila. Nagkabalikan din kami ni Rachel at mahal na mahal ko siya. Sorry Kerla.”

“Ang sama mo!! Bakit ba sa dami-dami ng babae ako pa ang napagtripan niyo? Dahil ba pangit ako? Wala kayong karapatan na paglaruan ang buhay ko. Ang sasama niyo. Tandaan mo ang ginawa mo sakin Manuel. Di ko makakalimutan toh. Mag sama-sama kayo.!!!

 

Tumakbo ako sa mga kaibigan ko na umiiyak. Di ako makapagsalita dahil sa sobrang iyak ko. Di kami pumasok ng araw na un. Dinamayan nila ako dahil sa sobrang sama ng loob ko. Galit na galit sila kay Manuel lalong-lalo na si Jescar. Susugurin na sana niya si Manuel pinigil lang namin siya.

“Sabi ko na sayo mag-ingat ka sa kanya.” Tugon ni jescar

“So Masaya ka na?” Nagkatotoo ang kutob mo? Sabagay sino ba naman magkakagusto sa isang tulad ko. Pumayat nga ako pero di naman nagbago ang hitsura ko. Ang tanga-tanga ko talaga. Tanga.!!”

“Tama na nga yan.”

Buong araw akong umiiyak. Sobrang sama ng loob ko. Sobrang sakit ng nararamdaman ko. Kung dati halos matunaw ang unan ko sa kilig ngayon sobrang basa na dahil sa sobrang iyak. Napansin ng nanay ko na lagi akong walang ganang kumain kaya tinanong niya ako kung ok lang ako sabi ko hindi. Lagi din akong tulala di nagsasalita. Ilang araw na din akong di pumapasok sa school. Nagkasakit ako, nadepressed dahil sa sobrang lungkot na naranasan ko. Dinalaw ako ng mga kaibigan ko. Kinumusta, alalang-alala sila sakin. Sabi nila sakin..

“Kerla magmove on kana. Di na niya deserve na iyakan mo siya. Wala siyang kwenta. Siya nagpapakasaya samantalang ikaw miserable. Kalimutan mo na siya.”

Tumanim sa utak ko ang paghihiganti. Kailangan makabawi ako sa mga ginawa niya. Humanda siya.

A Step You Can't Take BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon