Chapter 2

4 0 0
                                    


Chapter 2

Conscious

Days have passed kailangan magpatuloy ng buhay. Si Dad nagimprove pa lalo sa work niya. In fact he got promoted sa HIRK Inc. mula Marketing analyst to Marketing Manager. Ang laki ng inimprove ni Papa.

Ako naman I continued my studies at mas nag improve din ako. This Senior Year ko pinagbutihan ko pa kaya isa ako sa With Honors noong March. Ngayong Grade 12 na ako ay mas pagiigihan ko pa para maachive ko ang pangarap namin ni Mommy, yun ay ang magin valedictorian ako.

Maraming trials kaming kakaharapin ni Papa pero we know na kakayanin namin basta magkasama kami. We only have each other now kaya wala kaming dedependahan kundi ang isa't isa.

It's like we entered a very big tunnel. It's dark inside but slowly we found hope in the dark and we used that as our advantage. Unti unti nakakabangon kaming muli ni Papa. With the help of Apollo of course.

Apollo never let us down, habang lumalaki siya mas lalo siyang nagbibigay ng kaligayahan sa buhay namin. He chews shoes pero buti nalang nahuhuli agad. He makes mischiefs of course. He is just a dog. So we hired a trainor for Apollo.

Nagiipon akong pang college so nagtrabaho ako sa isang coffee shop malapit samin dito. Buti nalang kaibigan ni Papa yung may ari. Hindi ako nahirapan mag-apply.

I let my hair bounce loosely as I tie my rubber shoes. Si Apollo dala dala ang bag ko sa kaniyang bibig. I grabbed a slice of bread and my home-made lunch, credits to Papa. I left a note on the refrigerator that I'm off to work.

Trainee ako bilang barrista sa coffe shop na yun kaya medyo madaming trabaho ang nakaatang sakin pero over all naeenjoy ko naman. Perks of being a coffee lover. Kinuha ko ang bago ko kay Apollo at binigyan siya ng snack bilang prize. I petted him and smiled.

I crouched down to his level and hugged him.

"Pakabait ka ha? Babalik kaagad si Ate. Dadating na si Papa kaya antayin mo siya okay? Sabay kayong kumain ng hapunan dahil gagabihin ako. Take care of the house okay?" a loud bark and a wiggle on the tail lang ang sagot niya sakin. I petted him again and said good boy.

Pagkalabas ko ng bahay ay nilock ko ito pagkatapos ay tumakbo papunta sa trabaho dahil malelate na ako. Medyo may kalayuan ang coffee shop kung maglalakad ako. Pero nakasanayan ko na kaya malapit nalang.

Pagkaliko ko sa isang kanto ay may muntikan akong mabunggo na lalaki kaya agad ko siyang iniwasan. Thank god for agility. Pero dahil may dala siyang mga papel ay hinangin ang iba. Tumigil ako saglit para tulungan siya. Without looking at him dinampot ko ang mga papel.

Kung nagsasalita man siya ay di ko na inalintana yun. basta ang nakatatak sakin ngayon ay malelate na ako at kailangan kong bilian. Pagkakuha ko agad ng papel ay nagsorry ako sabay karipas uli ng takbo.

Tae kasi bakit ako nakatulog ng mas mahaba kesa sa inaasahan ko. Kasalanan talaga to ng ulan e ang sarap tuloy matulog pa. Isang liko ko pa ay nakadating na ako sa coffe shop at saktong nakita ko si bakla na nagpupunas ng lamesa sa labas.

Unti unti akong lumapit at ginulat siya.

"Ay tipaklong na tinapa, punyemas ka Polly bakit ba ang hilig mo manggulat ha?" tinawanan ko lang siya. Kahit pinagtitinginan na kami ng mga tao ay wala akong pake basta natatawa ako.

Ang cute kasi tipaklong na tinapa daw HAHHAHA!

Hinampas niya ako ng pabiro kaya napatigil ako sa pagtawa.

"Seryosong seryoso ka kasi dyan bakla akala mo naman may ikikintab pa yang lamesa. E daig pa nga niyan nalagyan ng floor wax sa sobrang kintab e o?" i layed a finger on the table at tama nga ako.

"Aba mabuti ng magsipag no kesa naman katulad mo malelate ka na uli. Buti naunahan mo si boss dumating." nagkibit balikat siya at nagtaray.

"Syempre naman sprinter ata to nung junior high" muli ay tumawa ako ng malakas. Inirapan niya lang akong muli bago inilingkis ang kaniyang kamay sa aking braso sabay hatak sa akin papasok sa loob.

"Bakla, magaattendance muna ako ha? Sunod paputiin mo naman yung mga lamesa para matuwa sayo si boss. If I know crush mo siya ehem" nanlaki ang mata niya at tinampal ako sa braso.

"Ikaw talagang lokaret ka ang ingay talaga niyang bunganga mo. Magattendance ka na nga lang dun. Mamaya dadating na si boss kasama si Danny at Mela." tumango ako bago nagpunta sa attendance sheet.

Nagtaka ako kasi may bagong pangalan sa listahan. Teka hindi naman to nandito kahapon ah? Hindi ko nalang pinansin at nagattendance na ako. I tied my hair in a tight bun tapos naguniporme na ako. Pumwesto na ako sa cashier habang pinagmamasdan si bakla na nakikipagusap sa isang binatilyong customer. Napangiti ako ng malapad. Ito talagang si bakla lapitin ng chix. Tsk tsk iba talaga.

Napabaling ako sa pintuan ng makita ko ang isang lalaki a pumasok. Nanatili ang tingin ko sa kaniya na may halong pagtataka. Teka parang pamilyare to si Kuya. Papunta siya sakin kaya lalong tumaas ang kilay ko.

Nang nasa harapan ko na siya ay may narinig akong nag ehem. Nakita ko si bakla na nakatingin sa akin na may nakakalokang ngiti. Binigyan ko siya ng isang panimbang na tingin.

"Good morning, welcome to Richmond's Cafe. May I take your order?" magiliw kong sabi sa kaniya.

"Ahm hindi ako customer. Ako yung bagong pasok dito. Di pa pala napasok si Teddie." sabi niya sa akin.

I looked at his eyes. Sa isang iglap biglang nanayo ang mg balahibo ko. Parang may something sa kaniya. Authorative ang stance niya at medyo naiilang ako. Kanina hindi ko napansin pero ngayong ganito na siya kalapit ay mas naging conscious na ako sa sarili ko at sa kaniya.

" Ah ikaw pala yung bagong pangalan. Sige magattendance ka muna at maguniform tapos lapitan mo yun o" tinuro ko si Yuri which is si baklang hilaw. Hindi siya tumingin sa itinuro ko sa halip ay lalong nagtagal ang titig niya sakin.

Nagtaka naman ako kaya tinignan ko din siya.

"Bakit? May problema ba?" tanong ko sa kaniya. Natauhan ata siya at agad na umiling at tumingin sa gilid. Binasa niya ang ibaba niyang labi at halatang nagpipigil ng ngiti. Tinaasan ko naman siya ng tingin.

Siya namang dating nila boss. Agad na umalis ako sa cashier at nakipag apir kay Danny at Mela tapos nakipag fist bump kay boss Teddie. Yup bossing namin siya yung sinasabi ni Kuyang Teddie daw. Kuya Teddie is half as the age of Papa pero tinuring ko na siyang parang ama ko narin. Biyudo na siya at walang anak kaya bet na bet ni bakla. Bukod sa successful na, masipad pa.

Close na ako sa kanilang lahat dahil katunayan magiisang taon narin ako rito. Nagsimula ako nung bago ako mag Grade 11. Kaya hindi na ako makaalis kasi napamahal na ako dito.

Nilingon ko si Kuya at nakita ko siyang may multo ng ngiti sa mga labi. Tinusok ko ang tagiliran ni boss tapos tinuro si Kuya.

"Ah" he said habang papalapit kay Kuya. "Evo buti nandito ka na. Nasabi ko na kay Tita na dito ka daw magtatrabaho pansamantala. Pumayag naman siya. Iyong Mama mo talaga na yun napaka maalalahanin pagdating sayo."

Natawa si Evo pero nanatiling nakatingin sa akin. I make a funny face sa kaniya tapos inakbayan si Mela at Danny habang dinadala sila sa may cashier.

Narinig ko ang tawa niyang dumagundong sa buong cafe. Napatingin ang ibang customers kaya pati kami ay naconscious sa ginawa niyang pagtawa.

Ewan. Ang cute pero weird.

Sunspots Book 1Where stories live. Discover now