Chapter 3

3 0 0
                                    


Evo

Okay naman pala siya. Mas matanda siya sa akin ng ilang taon. Gagraduate na kasi siya sa college ngayong taon so mas matanda nga siya. Nagtataka lang ako bakit niya pa gustong magtrabaho sa cafe e mukha naman siyang may kaya? Ano yun trip lang?

Umiling ako sa naisip at nagfocus nalang sa order ng customer na nasa harapan ko ngayon. Lumihis ang tingin ko patungo sa kaniya na nakikipag usap sa isang customer na matanda. Ewan ko ba may something sa kaniya e. Hindi ko siya o crush o ano pero curious ako.

Para siyang isang bituin tapos kami mga planeta. Parang hindi siya bagay dito samin. Masyado siyang nakakasilaw. Kahit na nakauniporme siya gaya namin, iba parin talaga kapag si Evo na.

Natapos ang araw namin ng maayos. Si Evo nasanay na sa mga ginagawa namin dito. Buti naman kung ganoon.

Napabuntong hininga ako habang sinasabit ang apron ko kasama ang uniporme ko. Nakapagbihis na ako at pauwi na. Napatingin ako sa labas. Tsk tsk naulan nanaman. Ganda naman talaga ng panahon no? Tamang tama wala pa akong payong. Talk about tadhana. Ligo nanaman ba, Polly? Sasabak nanaman ba?

Napabuntong hininga ako uli bago sinarado ang locker ko at lumabas na. Siya naman labas din ni Evo sa banyo. Magkatapat kasi ang pinto kaya bahagya akong nagulat. Napansin niya ata kaya napangiti siya sa reaction ko. Napakunot uli ang noo ko ng nagtataka.

Iniwas niya ang tingin at napanguso, halatang halata na pinipigilan ang pag ngiti. Binalewala ko nalang at naglakad na papunta sa iba.

".. O labas naman tayo o friday na naman e. Dali na boss.." rinig kong sabi ni bakla. Naramdaman kong sumunod si Evo sa akin.

"Anong meron?" tanong ko ng makalapit na ako.

Ngumiti si boss at napansin din si Evo na nasa likuran ko.

"Gusto daw kasi nilang lumabas ngayon since sabado na. Ikaw, alam kong di ka makakasama kasi di ba may pasok ka pa bukas?" tumingin siya sa likuran ko. "Pati ikaw rin di ba Evo?" nagulat ako dun pero di ko pinahalata.

Nakita ko si bakla na nakatingin sakin. Sinenyasan niya ako na mamaya magchikahan kami. Mukhang masama ang pakiramdam ko dito ah.

HABANG nagaayos sila boss sa pagsasara ng cafe umupo kami ni bakla sa isang gilid ng cafe.

"Bakla may chika ako sayo" tumango nalang ako at humalumbaba sa harapan niya. Paniguradong chismis nanaman ito.

"Alam mo ba na yan si Evo tingin ng tingin sayo mula kanina pa? Nakakatawa nga e kada galaw mo o salita inoobserbahan niya. Aminin mo sis ginayuma mo yan no?" sa gulat ko ay nahampas ko siya sa braso.

"Gaga ka anong ginayuma? E ngayon ko nga lang siya nakilala e tsaka paniguradong may girlfriend na yun. Ikaw talagang bakla ka chismokers ka talaga ano?" tinaasan niya ako ng kilay habang hinihimas ang braso niyang hinampas ko.

"Ewan ko lang lokaret ka ha? Pero I smell something fishy dyan sa Evo na yan. And I like it so very much" tumawa siya kaya ako naman ang tumaas ang kilay.

"Ewan ko sayo bahala ka nga sa gusto mong paniwalaan basta ako nananahimik ako dito ha?" tumango nalang siya at tumawa uli. Tumayo na ako at kinuha ang bag ko.

Lumabas ako at kumaway na sa kanila ng makalabas na kaming lahat. Nakita ko si Evo. Alanganin akong kumaway sa kaniya at nginitian niya lang ako pabalik. Napatingin ako sa oras at ng makita kong 8:30 na ay napatakbo na uli ako pauwi. How a great day to start and end it ha? Pagtakbo talaga? Naparoll eyes ako sa sarili ko habang natakbo.

"Aniah!" may narinig akong tumawag sakin.

Lilingon sana ako kaso may naapakan akong madulas. Ibabalanse ko sana kaso it's too late. Lumagapak na ako sa sahig.

"Okay ka lang ba?" may humawak sa braso ko. Pagkaangat ko ng tingin ay nakita ko si Evo.

Kumunot nanaman ang noo ko.

"Bakit.. ikaw ba ang tumawag sakin?" tumango siya. Iminuwestra niya sa akin yung wallet ko. Agad ko itong kinuha.

"Naiwan mo kanina sa may table. Sinabi ni Yuri na nakalimutan mo daw e malapit naman ang bahay ko san inyo kaya ako na sana magdadaan kaso nakita na kita tapos.. eto." bahagya siyang natawa kaya namula ang pisngi ko sa kahihiyan.

Nakakahiya ka, Polly. Anong ginagawa mo ha? Lampa ka ba?

Tinulungan niya akong tumayo. Nagpumiglas ako. "Kaya ko.." pero hindi siya natinag tinulungan niya parin akong tumayo.

Nag-squat siya sa harap ko. Chineck niya ang tuhod ko. Humakbang ako paatras kasi mas lalo akong nahiya.

"Huwag na.." aatras pa sana ako uli kaso hinawakan niya ang mga tuhod ko at pinirmi yun.

Pagkatapos niyang icheck kung may sugat ako na halatang wala naman ay tumayo na siya sa harapan ko at ngumiti.

That boyish smile. Sht pwedeng tigilan niya na ang kakangiti? My legs turned to jelly nang bumaba ang tingin niya sa labi ko.

"Ah.. una na ako.. s-salamat nga pala" tinalikuran ko na siya agad at naglakad na palayo.

Hindi pa ako masyadong nakakalayo ay ewan ko ba pero kumakabog ng malakas ang dibdib ko. Sa sobrang lakas parang masakit na siya masyado. Normal pa ba ito? Hindi ko alam.

Nakakalito sa totoo lang. Ngayon ko palang siya nakilala.

Napangiti ako ng malawak. Ewan ko ba pero sana magtagal pa ang pakiramdam na ito.

Pagkarating ko sa bahay ay agad kong sinarado ang pinto at nakahinga ng maluwag. Safe at last.

Pagkapasok ko ay nakita ko si Papa na may kausap na lalaki. Parang pamilyar.

"Pa, nandito na ako.." bago ko pa matapos ang sasabihin ko ay lumingon na yung lalaki.

Teka sino to? Hindi ko siya kilala. Teka paglulutuan ko nanaman ba sila ng ulam? Bibili ba ako ng beer? Kakanta nanaman ba sila ng videoke?

Medyo nanlumo ako sa mga naisip ko. Last time kasi na naginom si Papa ay hindi ako nakatulog kasi hanggang 12 ay nagkakakianta pa sila sa videoke.

Wag niyo na itanong kung marunong ba ako kumanta dahil mana ako kay Papa. Nakakabasag ng pinggan.

"Nak, eto nga pala ang Tito Ares mo. Kakabalik niya lang galing states." pakilala ni Papa.

Bumati ako ng magalang bago nagpaalam na aakyat na sa taas dahil magshashower na ako.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 12, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Sunspots Book 1Where stories live. Discover now