girlfriend

4 0 0
                                    

"Tapos na mmy"
Ngumuso ako at nagpagulong gulo sa kama.

"Baka kung ano ano ang kinakain mo riyan ha? Baka puro ka fastfood. Kumain ka sa canteen niyo, lutong bahay naman ata iyan."
Niloudspeaker ko ang phone at nagtungo sa salamin upang magpahid ng kung ano sa muka.

"Para namang may fastfood dito mmy! Iniwanan ko ang sibilisasyon at unti unti akong kinakain ng stone age era sa lugar na ito. Kung pati signal mawala.. nakooo!"

Oo, nag oovereact ako.
Hindi naman ito napag iiwanan.
Pakiramdam ko lang talaga ay naiwanan ako ng panahon dahil malayo ako sa maynila at nasanay ako sa maingay ng trapiko.
For the first time, namiss ko ang maingay na busina ng sasakyan ang pagka stuck sa traffic. Hays.

"Ang OA mo naman kumain pa kami pauwi sa isang fastfood dyaan!"
Narinig kong singit ni kuya yael sa kabilang linya.
Epal.

Nang matapos ang tawag ay napagpasyahan kong humanap ng makakain.
Sinabi ko lamang na kumain na ako nang sa ganon ay di sila mag alala.
Alam kong di pabor sa kanila ang paglabas ko ng university ng ganitong oras para kumain sa labas pero ayoko talagang kumain sa baba.. ayoko.
Wala akong balak magpaliwanag kung bakit.

Nagsuot ako ng jeans at pinatungan lamang ng black leather jacket ang itim ding spaghetti strap.
Sinuklay ko ang buhok ko gamit ang kamay ut nagpasya nang umalis.

"Dito na lang po."
Inabot ko ang bayad at bumaba ng makarating sa isang pizza house.

Umupo ako sa pang dalawahang upuan at nag intay ng order.
Mukang maayos naman ang lugar dito nalang siguro ako kakain.
Inabala ko ang sarili sa paglalaro ng cellphone

"May nakaupo, miss?"
Nag angat ako ng tingin at kung sinuswerte ka nga naman!

"Sinusundan mo ba ako?" Inis kong tanong
"Woaah..easy"
Nakataas ang kamay nito na tila sumusuko sa police at bakas pa din ang mapanuyang ngiti.
Nakita kong naka itim na leather jacket din ito na may itim na tshirt panloob at maong pants!
Ano ba nag problema ng isang to?

"Walang nakaupo, feel free to seat." Hilaw akong ngumisi at nagtungo sa counter.
"Paki take out nalang. Order #12"

Nakita kong prente itong nakaupo na ngayon at tila walang pakialam kahit obvious namang halos malaglag ang panga ng mga babaeng nakaupo.

Konting tiis nalang jasril, umalis ka na pagkarating ng order mo.
Pangungumbinsi ko sa sarili.

"Nice attire." Pambungad nitong pang aasar.
Gaya gaya ka kasi!

"Ganyan dapat ang lagi mong suot nang hindi kayo mag away ng bf mo.."
Mabagal at may diin ang bawat salita nito.

"Wala akong bf at kung meron man wala siyang pakialam sa pananamit ko."
Irap ko at agad na ikinatuwa ang paglapit ng crew upang ibigay ang nakasupot na pagkain
Ngunit laking gulat ko nang makitang dalawa ang plastic at para sa isang ito ang ikalawa.

Tumayo ito at binitbit ang parehong supot. Samantalang halos maestatwa ako sa aking upuan.
"Tara na."
Seryoso nitong tugon.
Handa na sana ang mahabang speech ko pero nang makita ko kung paano siya pagpantasyahan ng iilan at tila nag aabang sa telenovela ay pairap akong naunang maglakad palabas.

"Ano bang problema mo ha?"
Bungad ko nang medyo makalayo na kami sa tao.
Nang nakitang bitbit niya ang binili ko ay padabog ko itong hinila mula sa kanya.

"Unang una bakit ka nandito? Bakit sa lahat ng tao ay makakasabay pa kitang bumili sa dinami dami ng pwede mong bilhan? At higit sa lahat... bakit magkamuka tayo ng damit!"
Hingal kong tugon

Naka pamaywang itong unggoy na ito at nakatingin lamang sa kanyang relo.

"Tapos ka na ba? Tara na.
May curfew ang dorm."

Hinila niya muli ang pagkain sa aking kamay at nagsimula akong talikuran kaya wala akong ibang nagawa kundi ang sumunod sa kanya.

Irita kong ginulo ang buhok ko at sinundan siya!
Nakaka inis talaga ang lalakeng ito!

"Hop in."
Binuksan nito ang pintuan sa tabi ng driver's seat at bored akong tinitigan na para bang tanga ako at di maka gets.

Wow. Wow!
Inirapan ko ito
"Hindi ako nakikipag biruan sayo. Sino ka? Anong kailngan mo sakin?"

Hinila nito ang braso ko papasok.
Ang walangya!

Nakita kong umikot ito at pumasok sa driver's seat.

"Di ako sasakay dito." Pinipilit ko na lamang kumalma at agad nasira ang mood ko ng hindi ko mabuksan ang pintuan.

"Open the damn door! Ayaw kitang katabi!" Sigaw ko.

"You can't nakasakay na. Wag na maarte."
Kalmante lamang ito habang sinisimulang paandarin ang kotse.

"At least let me seat at the back. Ayaw kong katabi ka!" Umirap ako at humalukipkip.

"I'm not your driver Jasril." Seryoso ang kanyang muka at nagsimulang magmaneho.

"Then bakit mo ako isinakay! Di ko naman sinabing hilahin mo ako dito ah!
Pake ko ba kung magmuka kang driver e muka ka naman talagang driver! At bakit alam mo ang pangalan ko! You're creepy!!"

"Ang ingay mo pala!" Humalakhak ito at napapailing na parang pinagtatawanan ako sa utak niya.

"You're not really my type but I must admit I'm enjoying this." Naka angat ang gilid ng labi nito.

"After all, it's your fault why I'm here."
Sumulyap ito sa akin sandali at tinuon ang atensyon sa pagmamaneho.

Nag mag red ang stop light ay hinubad nito ang soot na jacket at iniwan ang itim na Tshirt.
Fit na fit ito sa braso niya napalunok ako nang sinulyapan siyang nakahawak ang kanang kamay sa manibela at nakahilig naman ang kaliwang braso sa bintana habang seryoso ang muka.
Gwapo siya, oo.

Humarap ito at nilapit ang mukha sa akin
Mag pprotesta sana ako kung di lang nadinig ko ang tunog nang seatbelt na siyang nilagay niya sakin
Dahil don ay naamoy ko ang panlalake niyang pabango. Gumalaw ang panga nito at tila galit na nagmaneho muli nang mag go muli ang traffic sign.

"Anong bracelet ba ang gusto mo?" Seryoso nitong sabi habang naka laan ang atensyon sa harapan.

"Huh?" Clueless kong tugon
Kasi naman out of the blue diba? San ba ko dadalin ng lalakeng ito? Sinusuhulan niya ba ako?

"Hoy! Hindi na bibili ang pagkatao ko no! At ang cheap mo ha! Bracelet reaallly??"

Tumawa ito at lumitaw ang dimple sa isang pisngi. Ginulo nito ang buhok niya ang tumitig saglit sa akin.

"You're cute." Naka angat ang gilid ng labi nito at marahang ginulo ang buhok.

Inaamin kong pumula ang pisngi ko at nakalimutan ko ang mahabang speech ng galit ko na sasabihin ko sana.

"E.. ewan ko sayo."
Yan lamang ang nasabi ko at ang pilit na irap.

"Shit"

"Anong bracelet ba ang gusto mo? Pasensya ka na kay thea. Nasaktan tuloy ang girlfriend ko tss."

Kumunot ang noo ko at pinilit iabsorb ang sinabi niya hanggang sa dahan dahang lumaki ang mata ko..

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 10, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Reaching PathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon